filipino,

Literary (Submission): Tadhana

2/05/2015 08:01:00 PM Media Center 0 Comments



Hindi man tayo magkakilala,
Hindi man tayo nagkakausap,
Pilit pa ring pinagtatagpo ng tadhana
Ikaw na nga ba ang aking pangarap?

Sa ‘di inaasahang pagkakataon,
Nakadamang muli ang aking puso.
Naguguluhan, pag-ibig nga ba ‘to?
O baka nama’y isang ilusyon?

Ang tanong palagi sa isipan,
“Kailan tayo muling magkikita?”
Ang hinihiling palagi ng puso,
“Sana’y muli tayong magkatagpo.”

Ngunit paano kita matatagpuan?
Hindi nga tayo magkakilala.
Ako ngayo’y nangangamba,
May pag-asa pa kaya?

Kahit pinanghihinaan na ng loob,
Pilit pa rin akong umaasa.
Na muling mag-krus ang ating landas,
Hindi ko man alam ang iyong pangalan.

You Might Also Like

0 comments: