dalay,
Literary (Submission): Lamat
Lumipas na ang napakahabang panahon magmula nang mangyari
ang lahat
Naghilom na ang malaking sugat na yumakap sa pagkatao ko
nang pagkatagal-tagal
Ngunit ang naiwang marka sa aking katawan ay buong-buo pa
ring natatanaw
Ang bakas ng kahapon ‘di kailanma’y papanaw.
Maaari ngang nasa ibang landas na akong muli
Tulad noong bago ko pa harapin ang mga pangyayari
Bago ko pa masilayan ang sari-saring mga pagkakamali
Dahilan para ang mga mata ko’y mapapikit buhat ng
pagkamuhi
Ngunit, paminsa’y ang sugat na naglihom ay nanariwang
muli
Sa tuwing pagkabigo ang ibinungad ng mga mas nakakataas
Nakapagtataka kung bakit sariwang dugo pa rin ang
dumadaloy sa hilom na dapat na sugat
Sa mga alaala ng nakaraang matagal nang nagwakas
Ang pagtitiis ay iba sa nakasanayan
Ang pagtanggap ay iba sa nakalimot
Ang sakit gawa ng sugat ay hindi na kalianman maiiwasan
Idagdag pa ang aming mithiing hindi naipapaabot
Hindi hiniling ng kung sinuman ang karahasan
Na nagbubunga ng tinalang gasgas sa nagtataas-taasan
Hindi na ako magtataka kung ang mga ito’y patuloy paring
mararanasan
Gawa rin ng bagsak na ang aking lipunang kinabibilangan
0 comments: