filipino,

Literary (Submission) : Sayang

2/18/2015 09:12:00 PM Media Center 0 Comments



Matagal ko ng hinintay ang araw na iyon
Maraming iniisip, ganiyan at ganoon
Ngayong gusot na ang hinandang damit
Ako’y handa na sa desisyon di na magpapalit

Nang magsimula ang gabi ng sayawan
Ikaw lang ang laman ng aking isipan
Sinabi na sa sariling masasayaw kita
“Oo, kaya ko ‘to, puso lang.”

Iginala ang aking mata at ikaw lamang ang nais makita
Hinanap, ikaw na aking isang pangarap
At sa isang tabi, nakaupo, doon ika’y nakita
Ako’y natulala, hindi agad nakakilos

Nang ika’y mapag-isa, ako’y tumayo
Lumakad nang mahinahon patungo sa’yo
Ngunit hindi mo makita na ako’y nanginginig
Hindi mawari kung sa takot o sa kilig.

Napaisip sa sarili, “Dapat ko bang ituloy ito?”
Ayan na, ayan na, palapit na ako.
Hindi ko na kinaya dahil nadumog at nahiya
Ngayo’y nagsisisi, sayang talaga.


You Might Also Like

0 comments: