chapter 4,

Literary: E=MC^2 (Chapter 4)

2/17/2015 08:00:00 PM Media Center 0 Comments

Ang E=MC^2 ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.





[Coco]

-First Day of Class-

“Oh, babygirl, sobrang excited mo naman for school? Ang aga-aga pa pero gising ka na kaagad. Anyways, breakfast is ready kaya kumain ka na.” Bungad sa akin ni Mommy pagbaba ko galing sa room ko.

“Ah, halata ba Mommy? Hehehe. Oh my G!!! Pancakes and bacon for breakfast. Thanks, Mommy! I lalalalove youuuu!!” sabi ko naman.

“I love you more babygirl!”

Mukhang maganda ang gising ko ah. Mukhang magiging maganda ang day na'to for me. Kaya naman pagkatapos kong kumain ng breakfast, naligo na agad ako, nagbihis, nag-toothbrush, nagsuklay at inayos ang lahat ng kailangang ayusin for school.

New pink notebooks? Check!
Pink laptop? Check!
Pink pencil case? Check!
Pink pens? Check!
Pink phone? Check!
White socks with a little touch of pink? Check!
Pink ID lace? Check!
Pink bag? Check!
Pink shoes? Hmmm, no no no. Hindi pala pwede ang pink shoes, baka mabigyan pa ako ng pink slip.
Black shoes? Check!
Okay, I'm so ready for school now! Pagsapit ng 6:10am, nagyaya na akong magpahatid kay Daddy.

6:20 ng umaga nang dumating ako sa school. Una kong ginawa? What else? Of course, hinanap ko si Matty my babylove. Hinanap ko siya nang hinanap... nang hinanap...nang hinanap...nang hinanap. Pero bakit hindi ko siya mahanap? Is he like, hiding from me na naman? Did I do something na naman? Is he mad at me na naman? Hindi ko na alam kung anong nangyayari... Hindi ko na naman alam.

Dumating ang Lunch time at kung sino-sino na ang pinagtanungan ko where my Matty is. Bigla kong nakasalubong si Maya.

“Mayaaa! OMG!” bungad ko sa kanya.

“Cocogirl!” bati niya sa akin kasabay ng isang mabilis na hug.

“Have you seen my Mattyboy? Kanina ko pa siya hinahanap eh, like, since nung start pa ng school day.”

“Naku, parang nakita ko siya kanina!” sagot niya. Bigla akong nabuhayan ng loob.

“Where is he, my Mattyloves?”

“Nasa room yata nila, he’s doing his Math homework na nakalimutan niyang gawin kagabi kasi nakatulog yata...”

Hindi pa natatapos magsalita si Maya, iniwan ko na siya. I need to see Matty My Love this instant.

“Ha, found you, Mattyboy!” sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo at nililipad yung aking pretty hair. Pero siyempre, hindi pa rin nagagalaw ang aking precious bangs.

Hinihingal ako nang sumapit ako sa room nila. Sinilip ko ang mga tao sa loob ngunit wala akong Matteo Monteverde na nakita.

Tinanong ko yung bestfriend niyang si Luis na nakatambay sa may pinto ng classroom.

“Hello, Luis!” bungad ko sa kanya.

“Coco! Aba, mukhang kakatapos lang ng PE class niyo ah. Tindi ng hingal at pawis mo eh,” sabi niya sabay tawa nang sobrang lakas na abot yata hanggang sa may tindahan ng kwek-kwek sa Vinzons.

“Could you please shut up?” sabi kong naiirita sabay irap sa kanya. Well, nakakairita naman talaga si Luis and I really don’t know why bakit siya naging bestfriend ni Mattyboy. Eh para sa akin mas mukha pang high class yung aso ko kaysa sa kanya. Hmph.

“Woah, woah. Easy girl. Ano ‘bang ipinunta mo rito?” tanong niya sakin.

“Yung bestfriend mo, could you tell me where he is?”

“AHHH KAYA PALA. Ayun, umalis kanina. Nagmamadali nga eh, parang may hinahabol yata na deadline. O baka may iniiwasan. Ewan, basta wala yung boypren mo dito,” sagot niya sabay balik sa paglalaro ng NBA 2k15.

May iniiwasan? Wait lang, ako ba yung iniiwasan niya? Pero, no. Think positive. That's not me. My Matty wants to see me. Kaya naman naghanap lang ako nang naghanap. Nagtanong lang ako nang nagtanong pero tuwing sinasabi nila saakin kung nasaan siya, at pag pinuntahan ko na siya dun, hindi ko naman siya nakikita. At everytime naman na maga-ask ako sa kung sino mang nandun, sinasabi nilang nagmamadali daw na umalis si Matty, pero bakit? Ako nanaman ba yung iniiwasan niya? May ginawa nanaman ba ako? Ano na namang kasalanan ko?

Dumating ang uwian at hindi na ako umasang mahahanap at makikita ko pa si Matty. Hindi na rin ako nag-ask kasi alam ko namang hindi siya magpapakita sa akin. Nakakapagod pa lang maghanap at maghabol... Napapagod na ako. Pero hindi. Kasi ang isang relationship, parang sport lang ‘yan na mahal mo... Kapag napapagod ka na, you don't have to give up, you just have to rest, kaya ‘yun ang gagawin ko.

I thought this day would be sooooo maganda, but mali na naman ako. I'm so sad na naman, just like nung Lantern Parade, like dapat siya yung kasama ko buong parade, like siya dapat yung kasama kong panuorin yung fireworks display.. Just like nung UPIS days, like nung dapat ikakasal na kami pero nag bail siya, bakit ganun? Bakit nagbabago lahat? We're not like this naman dati... Ano bang nagawa ko? Why does it feel like there's something wrong? Like may nagawa ako.

---------------------------------

Gumising ako ng 5:00am. Kumain ng breakfast, naligo, nagbihis, nagtoothbrush, nag-ayos ng gamit, at lahat ng kailangan pang gawin bago pumasok ng school. Tinignan ko ang aking Baby G at nakitang 6:30 na pala kaya napa Oh my G na  naman ako at nagmadaling magpahatid kay Daddy. Buti na lang ay parang race car driver ang aking Daddy-yo.

Hindi pa ako nakakababa sa car namin pero nakita ko na si Matty. Parang may hinihintay siya, parang may inaabangan? Teka, wait, bakit ako kinakabahan? Eh, duh! Ako hinihintay niyan, hindi naman pwedeng iba, noh!

Ano bang dapat kong sabihin? Should I say Hi? Or should I, like snob him? Bakit ba ako nagiging ganito? Act normal okay. Act normal.

Naglakad ako na parang rumarampa sa runway papunta kay Matty.

“Uy Coco! Ang tagal mo naman dumating. Haha, kanina pa akong 6am nandito naghihintay sa'yo. Goodmorning!” bungad sa’kin ni Matty.

“Hi Matty my love!! I missed you so much!” sabay yakap sa arm ni Matt.

“I missed you too. Sorry, busy lang ako kahapon kaya hindi kita napuntahan at
nagmamadali ako palipat-lipat ng mga departments at rooms for thesis surveys and interviews. Sorry, ha?” sabi naman niya.

“Oh, no, it's okay baby! I understand naman na your number one priority is your studies, then your family, then me. Ganun din naman ako. Hehehe, no worries!” sagot ko.

“Tara? Hatid na kita sa room mo. Magta-time na rin kasi eh,” yaya ni Matty.

“Leggo, love!” sang-ayon ko naman.

Can't. Hide. My. Feelings!!!! Ah!! Kinikilig ako, kinikilig ako! Sobrang saya ko lang kasi finally, alam ko na ang sagot. Hindi niya ako pinagtataguan tulad ng dati. Ginagawa niya lang ang thesis nila. Ano ba, syempre, kailangan niya muna mag- study nang mabuti para magkaroon kami ng bright future together, diba? Para magkaroon siya ng super gandang trabaho and para mabuhay niya ang family namin nang maayos.

Lunch time na pero hindi pa kami dinidismiss ni Sir Jordan. I'm so hungry na huhuhuhu.

“Psst!” sitsit sa’kin ni Maya.

“What?” sagot ko naman.

“Someone's waiting for you outside! Yiee!” pang-aasar niya.

Hindi ko napigilan ang sarili kong kiligin. Hindi ko matago kasi namumula na ang cheeks ko.

“Oh my g! The who?” kunwaring hindi ko alam na tanong kay Maya.

“Duh? Sino pa ba? Of course, your MattyLoves! Okay na pala kayo? Kwento naman jan guurl! Nakita ko yung post mo sa Insta-G ah,” sabi naman ni Maya.

Magkukwento na dapat ako kay Maya, kaso bigla namang dinismiss na kami ni Sir Jordan.

“Ay, later na lang gurl! Tabi tayo sa next class! Ttyl, mwa!” paalam ko sa kaniya.

Dali-dali akong lumabas  ng room dahil alam kong nandun si Matty, naghihintay sa akin. May hawak siyang dalawang plate na may lamang food. Para kanino kaya yung isa?

“Coco! Nagdala ako ng pagkain! Sabayan mo naman ako oh,” aya ni Matty.

“Awwwwww, you're so thoughtful naman baby!” sagot ko sa kaniya.

“Uhmmm, okay? Tara, kain na tayo,” sabi niya.

Kumain kami nang sabay. Konting kwentuhan, pero sandali lang ‘yun kasi nag-aral siya for Math, may long test kasi. Hassle noh? Start pa lang ng klase pero Long Test agad. Oh well, wala naman yun, eh. Kayang-kaya namin ni Matt yun! Math lang yun, hahaha.

Patapos na ‘yung oras ng Lunch, malapit nang mag time.

“Matty baby? Magta-time na. Let's go na?” yaya ko.

“Tara.” sagot ni Matt.

Hinatid ako ni Matt sa Filipino room dahil yun ‘yung next class ko.

“Goodluck sa test sa Math. Galingan mo ha,” sabi ko.

“Thanks, Co! Listen ha, sa Filipino class.” sabi naman niya.

Wala kaming work program kaya pinili na lang naming tumambay. Nakatambay lang kami sa ramp, pero pareho kaming gumagawa ng thesis. Wala, eh, kami kasi yung leader ng bawat group namin, kaya kami yung inaasahan nila.

Subsob kami pareho sa schoolwork then biglang tumunog yung ringtone ng IPhone 6 ni Matty.

*Kring kring*

“Hello, kuya? Nandiyan ka na sa labas?” sagot ni Matt.

Kausap ni Matt yung driver niya. Mukhang uuwi na siya ah? Aww, huhu, hindi ko na makakasama si Matty my love. Ang sad naman huhuhu.

“Uy, Co, kailangan ko nang umuwi. Nandiyan na pala si Kuya sa labas, kanina pa. Bukas na lang ulit?” sabi ni Matty.

“Sure thing. Tapusin ko lang 'to then I'll go home na.” sagot ko.
Tsaka naglakad si Matt papunta sa gate.

Medyo nakalayo na si Matt pero tinawag niya pa ulit ako.

“Coco!” sigaw ni Matt.

“Yes, love?” sagot ko naman.

“Pustahan? Parang dati lang, kwek-kwek kung sino mas mababa sa’tin sa Long Test kanina sa Math?” hamon ni Matt.

“Sure! Matatalo naman kita eh, as usual! Haha” sabi ko naman.

“Sige, bye! See you tomorrow!” paalam niya.

Nakakatuwa... Nakakatuwang naaalala pa niya yung dati. Nakakatuwa na meron pa pa lang hindi nagbabago sa relationship namin.

-------------------------------------------

[Matt]

Nagluluto ako ng troops para sa clan war namin sa Clash of Clans nang bigla kong naalala na may dapat pala akong gawin. Kailangan ko palang itext si Luis at baka nakalimutan na ng tukmol na ‘yun ‘yung plano namin para bukas.

*beep beep*

Pre, bukas ah. Yung plano natin. Huwag mong kalimutan. Alam mo naman na ‘yun eh diba? Basta bigay mo lang sa kanya yung instructions. Wag ka lang masyadong pahalata. Saktuhan lang.

Oo naman pre. Ako pa. Akong bahala sayo. Everything is under control. ;)

Ito na ang araw na pinakahinihintay ko. Magpo-prompose na ako. Simpleng promposal lang naman ‘to eh. Pero ito ang promposal na makapagpapabago ng lahat. Ang promposal na gugulantang sa lahat ng tao. Ang promposal na sa sobrang lakas ng impact, magigiba ang buong school. Ay hindi, joke lang pala ‘yung huli. Basta malakas yung impact nito. Promise.

-----------------------------------------------

[Coco]

“Good morning Coco! Mukhang magiging masaya ngayong araw ah! Nasesense ng powers ko nyaahahahhahaha!” Pang-aasar ni Luis.

“Huh? What the? Okay… such a weirdo,” bulong ni Coco

“Sungit mo naman. HAHA Pero di bale na, mamaya ikaw na ang pinakamasayang babae sa mundo! NYAHAHAHA!” Hindi pa rin humihinto si Luis sa pang-aasar.

“Uhm. Bye, Luis. BYE!” Naasar na sinabi ni Coco.

Ugh. What a weirdo. Kung di lang siya kaibigan ni Matty nasipa ko na siya. Pero what is Luis saying kaya? Bakit kaya magiging beautiful ‘tong araw ko? Hmmm…

I was so deep inside my thoughts nang biglang kinausap ako ni Maya.

“Coco! May isusuot ka na sa prom?” Tanong niya.

“Duuuuh! Of course! Ako pa? I’m so ready for prom!” Sagot ko naman.

Wait… Prom? Prom.. Prom! OMG! Magpprompose si Matty? Nako, Coco, ‘wag kang umaasa, kalma lang. Breathe in, breathe out.

Nagdaan na ang maraming oras at magla-lunch time na. OMG. Ano na? Magpprompose nga ba si Matty my love?

Nakaupo lang ako sa may room at ‘dun ko kinakain ang lunch ko (kahit bawal) nang biglang may isang taong kumalabit sa’kin. Si Luis.

“O, Coco!” sabay abot ng isang maliit na papel.

“Basahin mo!”

“Huh? What’s this?”

“Follow the arrow. :)”

“OMG ITO NA BA ‘YUN? “ Sabi ko sa sarili ko. Okay, kalma, Cohcoh, Stay pretty.

Tumalikod si Luis at nakita kong may arrow siya sa likod niya.

So, sinundan ko lang siya at napansin kong may paunti-unting petals sa floor. Hihihi ibang klaseng effort naman. Kahit na ang konti lang nung petals hihihihi.

Bumaba kami sa ramp at sinusundan ko lang si Luis. Sa bawat hakbang, nagsskip ng beat yung puso ko. Napaka-romantic talaga ni Matty. Syempre, iniisip ko rin kung paano ko sasabihin ang salitang “YES” sa pinakamagandang way.

Nakababa na kami sa ramp at napansin kong marami nang tao sa may field. Dami namang kinasabwat nito ni Matty. Anyway, tuloy-tuloy ang pagsunod ko sa arrow at nandoon na nga kami sa may walkway papuntang field. Excited na excited na ako. Huhulaan ko, orange balloons ang nandoon sa may field? HEHEHEHE Bakit? Syempre mukhang kwek-kwek HAHAHAHAHA. Malapit na. Andyan na.

At unti-unti akong bumagal sa paglalakad dahil sa nakita ko.

------------------------
[Matt]

Ayan! Narito na si Coco! Orange balloons, check! “P-R-O-M-?” lettering, check! Kwek-kwek sa kamay ko, check! Cohcoh, check! Ito na ang pinakahihintay ko.
Cohcoh, tumingin ka na rito. Tingnan mo ‘tong gagawin ko.

Malakas ang hangin noon, pero mainit pa rin. May mga nagba-ball-is-life pa nga sa may court. Pero walang makakapigil sa aking napakalupet na Plan C. Kumbaga kung sa Snow White mayroong ‘fairest of them all,’ sa love story namin ni Coco, ang planong ito ang ‘the meanest of them all.’

“Will you be my prom date, Maya?”

Kasabay ng pagsabi ng “YES” ni Maya, nakita kong tumakbo palayo si Cohcoh.

ITUTULOY.





You Might Also Like

0 comments: