filipino,

Literary: Hindi Kita Namimiss

2/11/2015 08:08:00 PM Media Center 0 Comments


Naaalala ko ang mga mata mo
Nung una tayong nagkita.

Naaalala ko ang mga labi mo
At tamis ng mga halik mo.

Naaalala ko ang bawat pagsandal ko
Sa mga balikat mo.

Naaalala ko ang kamay mo
Na hawak ang kamay ko.

Naaalala ng mga paa ko
Ang pagsabay sa paglakad ng paa mo.

Naaalala pa kita,
Naaalala ko pa tayo.

Pero naaalala mo pa kaya ako
Ngayong umalis na ako?

You Might Also Like

0 comments: