abril mayo,

Literary: Takot at Lakas ng Loob

2/18/2015 08:58:00 PM Media Center 1 Comments


Marami ang nagtatanong sa akin kung ano ba talaga ‘tayo’?
Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin talaga alam.
Hindi ko alam kung magkaibigan ba tayo.
Hindi ko nga alam kung gusto mo ako.
Pero, parang sa loob ng aking isip at puso ay ayoko ring malaman.
Natatakot ako na baka “Hindi” naman pala. Natatakot ako na baka “Oo”.

Marahil ay hindi ka sigurado sa iyong nararamdaman.
Marahil ay hindi mo maintindihan.
Ngunit sa aking isipin, ikaw ang tanging nananahan.
Ang puso ko’y ikaw ang tanging laman.
Hindi lamang bilang isang simpleng kaibigan, ngunit bilang isang kaibigan.

Ang hirap paniwalaan ng iyong mga sinasabi.
Hindi naman dahil sa wala akong tiwala sa’yo, pero talagang natatakot lamang ako na baka hindi totoo.
Natatakot ako na muling masaktan.
Natatakot lang ako na muling maiwan.

Kung sasabihin kong “Hindi ako ang tipikal na lalaki na papaasahin ka lang,” 
ay magmumuka akong “tipikal na lalaki”.
Hindi ko alam kung paano kita makukumbinsi ngunit ang tanging alam ko lang ay ang aking nararamdaman para sa’yo ay tunay at hindi gawa-gawa lang.

Huwag mo sanang isipin na walang saysay ang lahat ng ginagawa at paghihirap mo.
Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon upang tuluyang makasiguro.
Sana lang h’wag kang sumuko at magbago.
Sa ngayon kasi, ikaw ang dahilan nitong mga pagngiti ko.

Hindi ako magbabago.
Patuloy akong magiging dahilan ng iyong mga ngiti.
Hindi ako susuko.
Handa akong maghintay ng ilang linggo, buwan, kahit taon.

Maghihintay ako dahil alam kong ang hinihintay ko ay,
ikaw.

You Might Also Like

1 comment: