chapter 3,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Literary: E=MC^2 (Chapter 3)
Ang E=MC^2 ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
[Coco]
Umuwi na raw si Matty sabi ni Kuya Guard? Huhuhuhu why? Why is he like,
trying to hide from me? Did I do something wrong? Like, did I say something
masama? As far as I can remember, wala naman ah. Oh my gosh!! Is it because
pangit na ang hair ko? Like, kailangan ko na ba magpa-straight ulit? Or is it
because sawa na siya sa make up ko? Like baka masyadong makapal or kulang pa or
something? Is it because umitim na naman ako? Is it because sawa na siya sa perfume
ko? Kailangan ko na ba mag-change ng perfume? OH. MY. G!! Is it because…..
tumataba na ako? Noooooo~~
“Hello? May tao ba sa loob? Teka lang ah, maglilinis lang ako,” biglang
sabi ng isang lalaki sa harap ko.
“Ah, okay, sorry po. Go ahead, kuya.” Napahiya kong sagot.
What was that? Panira ng moment! Biglang pumasok si Kuya Janitor sa
kasagsagan ng pag-eemote ko. Hmp!!! Sa third floor na nga ako nagCR para walang
gumambala sa’kin eh. Lumabas na lang tuloy ako at saka ko ipinagpatuloy ang
pagmo-moment ko sa ramp.
Hayyy… What is wrong with Matty, my love? I thought pa naman ikakasal na
kami kanina, binayaran ko pa naman yung pinaka-expensive na package. Yung may
slow dance, photoshoot at garden wedding pa. It could be the start of our
beautiful life together, sayang naman…
Teka, teka wait.. wala rin siyang ibinigay na Christmas gift sa akin.
Dati he’s not like that naman ah. I remember pa nga dati araw-araw ng week
before Christmas break, may ibinibigay siya. Last year nga he went to my house
pa para lang ibigay yung gift niya eh. Sweet much, right? Sinasadya niya
ba’to? Nako Matty, what’s happening to you?
Wait a second! OH MY G again! Alam ko na, isusurprise ako ni Matty. I.
CAN. FEEL. IT! Sinasadya niya lang na hindi ako pansinin and all para magtampo
ako and para mas effective ang surprise niya!! My Matty is such a genius
talaga. At dahil I’m such a good girlfriend, sasakyan ko na lang ang plan niya.
Hihihihi I love my Matty boy so much.
-----------------------------------------
Sumapit ang araw ng Lantern Parade.
One..Two..Three.. Three days na akong hindi kinakausap ni Matty. No
texts. No chats. No calls. No tweets. No visits. Nothing. Ilang beses kong
tinitignan phone ko, ni minsan hindi nag-appear ang name niya. Ilang beses na ring
tumunog ang doorbell namin at ako ang nagbubukas kasi baka si Matty na ‘yun,
but no. Ang dami niya lang sigurong inaasikaso para sa surprise niya. OH MY G.
Sa pagkakaalala ko, ito ang 27th thing na nagustuhan ko kay Matty. Lagi
siyang nagbibigay ng effort para sa’kin.
Biglang may nagsalitang isang pamilyar na boses sa likod ko.
“Hi Coco~!”
OMG! Si Mattyboy ba yun? Ay hindi yata, mukhang boses babae eh.
Humarap ako at nakita ko si bestfriend Maya.
“Hi Maya! Nice outfit huh! Wow, buti naman pinayagan kang pumunta ng
Lantern Parade this year.”
“Ano ka ba! I won’t let that happen to me again. Last ko na kaya to as a
UPIS student. That would be so lame kung di ako makapunta.” Sabi niya .
“Wait, kamusta na nga pala kayo ni Matteo? Di ka pa rin kinakausap?”
Pahabol niyang tanong.
“Ano ba guurl! Busy lang ‘yun. Kaya keri lang. No worries, ako pa rin
ang love niya.” Sagot ko naman.
“Na’ko, Coco! If I know, baka di ka niya love. Or worse, there’s someone
else,” panunuya ni Maya.
“Matty will never do that to me. Hindi naman siya like the other guys
eh,”
“Eh malay natin, you know your Mattyboy, smart, gentleman, sobrang
talino na mga tipong ‘out of this world’, may sense of humor, at higit sa lahat,
gwapo! I’m sure maraming may secret crush kay Matty,” sabi niya na tunog
nang-aasar.
“‘Pag hindi ka talaga tumigil iiwan kita right here, right at this very
moment.”
“Joke lang gurl ano ba! Hahahaha umayos ka na nga, magsisimula na ata ‘yung
parade,” depensa ni Maya.
Ilang oras na ang lumipas at nagsimula nang dumilim ang langit. Super
tagal na rin kaming naglalakad at medyo hindi na rin kinakaya ng precious feet
ko ang haba ng nilalakad namin. Kakapa-pedicure ko lang kanina no, sayang
naman. But no, hindi ako uuwi. I know Matty’s here and he is just looking for
me. Marami talagang tao kaya nahihirapan siya. Ayaw rin niya akong itext
para tanungin kung nasaan ako, kasi alam niyang mas gusto kong nasusurprise
ako. And, he will find me. Matty will, I know that. That’s my Matty.
“Guuuurl. Hindi ka pa ba nagugutom? Let’s eat na dun oh.” Aya ni Maya.
“Uhm, not hungry yet and I’m on a diet eh. You go eat na.” ang sabi ko.
Pero sa totoo lang, hinihintay ko lang na mahanap ako ni Matty in this
sea of people. Kasi just like that old times, kakain kami ng kwek kwek
together.
“Okay. I’ll be right back. Wait for me ha!” sabi ni Maya.
Ilang minutes pa ang lumipas at narating na ng dulo ng parade ang Oble.
Inannounce na yung mga lanterns na nanalo. Nag-countdown na rin yung emcee na
guwapo dun sa stage. At natapos na rin yung supposed-to-be bongga na fireworks
display na hindi ko rin na-appreciate. Heart-shaped pa yung pang-finale na
firework. Isa-isa na ring nagsisiuwian ang mga tao.
Pero nakakalungkot man aminin. Wala pa rin si Matty. Naligaw
siguro. Ay. Duh. Sa Acad Oval maliligaw? AY OMG. Baka naman nadapa! Or nacorner
ng mga nagsosolicit! Or nadaganan! Or kausap yung mga street children! Or
naaliw sa mga lantern! Or baka.. Baka wala talaga siya….
“Uy Coco, uuwi na ako in a while. Thanks for being my Lantern Parade
buddy! I know naman na pang third wheel lang ako pero di dumating si…. Ay! Ayan
na tumatawag na naman! Andyan na sundo ko gurl. Bye Coco!” pagpapaalam ni Maya.
“Ah okay… Thanks, bye.”
“Ikaw, di ka pa ba uuwi?”
“Uuwi na rin ako in a while.” Sabi ko.
“Coco, ano ba? Cheer up! Okay?”
At nag-smile na rin ako. Kahit pilit.
Maya-maya pa’y dumating na rin ang sundo ko. Hay sa wakas. Bahala ka
diyan, Matty… I’ll go home na.
Pagdating ko sa bahay, diretso ako sa room ko. Nagtaklob ako agad ng
kumot at nag-emote na naman. Bakit ba ganun si Matty? What did I do ba kasi?
Should I text him? Should I ask him why he’s trying to hide from me? Should I?
Huhuhuhuhu
*knock knock * “Anak, labas ka na, time to eat dinner na.” sabi ni
Mommy.
“Uhm, Mommy, I already ate outside with friends. I’ll go to sleep na po.
Goodnight!” sagot ko.
“Anak, are you okay? You can always talk to Mommy, hija.” Said Mommy.
“Yes, Mom, I’m okay. Tired lang.” sagot ko naman.
Hayun, “tired lang,” tulad ng lahat ng sinasagot ng mga tinatanong kung
okay lang ba sila. Yun na lang din ang sinagot ko kay Mommy.
Everything’s going to be okay, Cohcoh. Everything will go back to the
way they used to be. Maghintay ka lang. Yan na lang ang sinabi ko sa sarili ko
tsaka ako natulog.
--------------------------------
Pagkagising ko sa umaga, una kong tinignan yung phone ko. 6 new
messages. 2 from Maya, 1 from my Daddy, 1 from my Mommy, 1 galing sa isang
random number na nagsasabing nanalo daw ako sa isang raffle na hindi ko naman
sinalihan, and 1 from…. OH MY G!
*One new message from MattyMyLove<3*
Dali dali kong binasa ang message.
“Go outside and check the box na pinadeliver ko sa’yo.”
OH MY G OH MY G! Super kinikilig ako to the bones!! Nagmadali akong
lumabas ng room ko. Wala nang suklay-suklay, wala nang make-up, make-up, diretso
na ako sa labas ng bahay namin.
Paglabas ko, nakita ko ang isang malaking box. Hayyy, my Matty never
fails to surprise me talaga. Super nakakakilig lang. Binuksan ko kaagad ito at
sobrang nagulat ako sa laman!
Isang pink na dress, black na pumps (heels), isang black na pouch na
ternong terno sa dress at heels, mga mamahaling jewelries at one bouquet of
pink flowers na may nakalagay pang card. Agad kong binasa ang card.
“ Wear all of this.
My driver will pick you up at 7pm.
See you.“
Syempre? What will I do pa ba? Of course I took my phone and
pinicture-an ko agad!!! Nilagyan ko pa ng magandang filter then, I posted it
agad sa Instagram account ko.
Hindi ako mapakali. Hindi ko alam gagawin ko. Am I gonna do my own make
up or kung pumunta kaya ako sa David’s Salon? Or like sa Bench fix? Sa azta
kaya? Hayy!! Ang hirap. Ako na lang, I can do this on my own. How about my
nails? Oh my gosh, my armpit hair? Magpapa- wax muna pala ako and magpapa-manicure
and pedicure, then I’ll do my own make up! Hihihi this is all for my Matty. I
can’t wait to see him!
----------------------------------------
6:59 pm
*beep beep*
Nandyan na si Kuya Domeng! Hihihi Ang galing talaga, 1 minute early pa.
HHIHIHIHI
Mom, GTG!! Nandiyan na ang sundo ko! I have a date with Matty!
“Okay, anak! Ingat! I love you”
“Yes Mom, love you!”
Kinikilig akong tumakbo papunta sa car nina Matty and muntik pa nga ako
madapa dahil sa pagmamadali. Agad akong naupo and god, it feels so good. Parang
kasama ko na rin si Matty. hihihihi! Ano pa kayang pasabog meron ‘to si Matty?
Nakita kong huminto ang car nila Matty sa harap ng isang
cheapipay-looking na restaurant, kaya naman agad kong tinanong si Kuya Dommy
kung na saan na kami.
“Kuya Dommy, anong nangyare? Nasiraan ka ba?”
“Ay hindi Ms. Coco, nandito na po tayo.”
At inalalayan ako ni Kuya Dommy sa pagbaba.
HUH? Ano ‘to? Bakit ganito?
Tinawag naman ko ng isang waiter at hinatid ako papunta sa isang upuan.
“Ah, Ma’am Koko?”
“Ah, Ma’am Koko?”
“UHM--- It’s Cohco--Uh.. nevermind. Yes?.”
Ayokong masira ang aura ko kaya pinalampas ko na lang ang maling pag-pronounce
ng waiter sa aking precious and ever-so-beautiful na pangalan.
“Dito ho kayo maupo, Ma’am.”
“Ah okay sige, Thank you.” ang sabi ko.
Tinititigan ko ang lamesang kinauupuan ko, tinignan ko ang ilalim ng
bawat plato. Mmmm, wala namang secret note o kung ano. Bigla kong napansin..
Bakit tatlo ang plato? Bakit tatlo ang baso? Bakit may tatlong pares ng kutsara
at tinidor? Tatawagin ko na sana ang waiter, kasi baka nagkamali lang siya ng
lugar na pinagpaupuan sakin nang biglang….
“Hi Coco! Kanina ka pa ba?”
“Hi Matty! I missed you! Kararating ko lang!”
“Hi Matty! I missed you! Kararating ko lang!”
At nagyakap kami. Pag-alis ko sa mahigpit na pagyakap ko kay Matty, may
isang babae akong nakita na nakatingin sa amin. Parang pamilyar, nakita ko na
siya dati. Ahhh tama!
“Uhm.. Coco, Si mommy. Mommy, si Coco”
“Ah eh.. Hi po Mom-- este Tita, “ ang kinakabahan kong sagot.
WHAT KASAMA NAMIN ANG MOMMY NI MATTY SA DATE NAMIN? WHAT? ANONG IBIG
SABIHIN NITO? WAAAAAH <3_<3 WE’RE SO LEGAL NA TALAGA!!~~~
“Uhh.. Coco, anong nakakatawa?” Tanong ni Matty.
“Ah… hehehe.. It’s nothing. Tara let’s order na!”
“Baby what do you like?” Tanong ng Mommy ni Matty.
“I would like to have some--”, ang sagot ko.
“Not you Cohcoh, I’m talking to Machi,” ang sabi ni Tita
Machi? AWWW. Ang cute naman!! May iba pa pa lang nickname si
Matty!~~~ They look so adorable naman.
“Ah sorry po Tita. hehehehe”, ang kinikilig kong sagot.
Now I understand, Matty wants me to formally meet his mother. Pero not
only that! Gusto rin niyang makilala ko pa siya more!! Ang talino talaga ni
Matty! Plus he’s so romantic! Hindi niya pinili ang cliche na mga lugar para sa
date naming ‘to. Hay. Wala na atang mas peperfect kay Matty.
Dumating na rin ang aming pagkain at masaya na rin kaming
nakakapag-usap. Kaya lang biglang uminit ang atmosphere sa restaurant na ‘to.
Ah kaya pala may nag-iihaw kasi! Syempre, isa itong local na restaurant so more
or less may nag-iihaw.
“Machi, anak, come here. Tignan mo yung noo mo pawis na pawis na.
Baka yung likod mo pawis na rin. Halika rito, punasan ko likod mo.” ang
sabi ni Tita kay Matty
HIHIHI How adorable talaga this two. One day, gagawin ko rin yun kay
Matty. One day, one day.
“Ano ba yan! Tignan mo yang nasa kabilang table! Nakakaawa yung babaeng
maganda! Mama’s boy yung siyota niya! NYAHAHAHAHAHA! Hindi na nahiya
pinupunasan pa ng pawis!”
“Nako baka mamaya pinupunasan rin ng nanay niya pati ang puwit niya!
NYAYHAHAHAHAHA!”
What the? Tama ba ang narinig ko? Hmp. Ugh, walang manners. Hindi naman
masama ang pagiging mama’s boy ni Matty ah. First of all, ang cute kaya.
Second.. uhmmmm.. ang adorable kaya! Third, uhmmmm…. kasi… uhm...ano ba? HAY
NAKO. Inggit lang tong mga ‘to sakin. CHE. Ang mahalaga, nakasama ko si Matty
at na-prove niya ngayong gabi na love pa rin niya ako. HIHIHI
Ilang minuto pa ang nakalipas at halos naubos na ang aming mga pagkain.
“Tita! Thank you so much for being with us tonight! This is really a
happy night for me!” Ang sabi ko.
Syempre kailangan ko naman sumipsip ano.
“Oh, wala yon, hija! Next time ulit!” Sabi ni Tita.
“NYAHAHAHAHAHAHAHA NEXT TIME RAW ULIT OH! NYAHAHAHAHA GANDA NGA ANG
MALAS NAMAN!! NYAHAHAHAA!”
Ugh. Onti na lang sisipain ko na yung nasa kabilang table. RAWR.
Inirapaan ko na lang.
“Oh sure Tita! Anytime! Uhmmm.. Matty, Thank you rin. So so so so much!”
“Ah wala yun… Ingat ka mamaya pag-uwi mo ha..”
“Yes, of course!”
“Ah teka, wash room lang ako, saglit.”
“Sure, Matty!”
-----------------------------------------------------------------
[Matt]
AAAAAHHHH!!!! Bakit ganon! Saan ako nagkamali sa mga deductions ko? SAAN??!?! Lahat ng mga moves ko kanina simula pa noong Lantern Parade, kalkulado, hanggang sa pinakakaliit-liitang detalye! Akala ko ito na yung gabi na pinakahihintay ko, kung saan mababadtrip si Coco, magwawalk-out, o hindi kaya ay maghuramentado dahil dinala namin siya sa isang restaurant na napaglipasan na ng panahon.
AAAAAHHHH!!!! Bakit ganon! Saan ako nagkamali sa mga deductions ko? SAAN??!?! Lahat ng mga moves ko kanina simula pa noong Lantern Parade, kalkulado, hanggang sa pinakakaliit-liitang detalye! Akala ko ito na yung gabi na pinakahihintay ko, kung saan mababadtrip si Coco, magwawalk-out, o hindi kaya ay maghuramentado dahil dinala namin siya sa isang restaurant na napaglipasan na ng panahon.
Sinama ko pa nga si Mommy sa date, nagpapunas na ako ng pawis,
nagpatawag na ako sa pinakapanget na palayaw, ginatungan pa nga nung mga epal
doon sa kabilang table yung sitwasyon (na siyempre, binayaran ko rin para
magmukha namang realistic), lahat yun, para lang magmukha akong kawawa at
nakakaasar sa paningin niya pero wala, hindi epektib!
Ang malala pa, mukhang naku-kyutan pa sa akin ang loko. Eh yun nga ang
pinakaayaw kong mangyari. Aba’t mukhang tukmol na kumikinang yung mata nung
makita akong pinupunasan ni Mommy ng pawis sa likod. Kala mo kamatis eh, tapos
yung permanent niyang bangs yung dahon sa tuktok.
Saglit lang, Matteo. Kumalma ka. Matteo Monteverde, ikaw ang
pinakamatalino at pinakaastig na Matteo sa buong mundo. Kung dito sa Plan B
(a.k.a. Gawin ang lahat para maturn off siya) ay hindi natinag si Cohcoh,
hindi pa huli ang lahat. Marami pang letra sa Alphabet. Hindi, joke lang,
ang ibig ko sabihin, marami pang pagkakataon.
At hayun, paglabas ko ng washroom, umalis na kami pagkatapos bayaran
yung bill. Hinatid namin si Coco sa bahay nila at saka kami dumiretso pauwi.
Humanda ka ngayon, Cohcoh. Heto na ang Plan C….
0 comments: