aldric de ocampo,

Paglulunsad-aklat ng Haraya ng MC2021, idinaos

1/25/2019 06:45:00 PM Media Center 0 Comments



GALAK. Tuwang-tuwang nag-pose ang MC2021 kasama ang kanilang guro matapos ganapin ang kanilang book launch. Photo Credit: Claire Tamayo

Nagsagawa ng paglulunsad-aklat para sa Haraya 2018 ang Media Center (MC) 2021 noong Disyembre 13, 2018 sa ganap na ika-2 hanggang ika-4 n.h. sa Room 111 ng UPIS 7-12 building.

Ang Haraya ay isang antolohiya ng mga malilikhaing akdang likha ng mga mag-aaral ng UPIS at naunang kabilang sa mga opisyal na publikasyon ng MC at iba pang mag-aaral ng UPIS noong mga dekada 1990 o 2000. Layunin nitong maipamalas nila ang kanilang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng panitikan. Sa mga pagbabagong naranasan ng MC, ang malilikhaing akda ay ginawang bahagi ng pampanitikang seksyon ng Ang Aninag, na sa pagtagal ay naging Ang Aninag Online.

Sa taong ito, inilimbag ang Haraya bilang proyekto sa kursong Malikhaing Pagsulat (MP) ng Grado 10, ang MC 2021. Ang inilimbag na antolohiya ay may limang genre: tula, maikling kwento, kuwentong pambata, dula, at personal na sanaysay.

Kasabay ng pagbenta at pamamahagi ng mga kopya nito, nagkaroon ng pagtatanghal ang mga piling mag-aaral para sa programa. Nagbasa ng mga tula sina Addie Sajise, Arys Manalansan, Lester Amurao, Danzar Dellomas, Reneil Grimaldo, Kathleen Cortez, Pam Marquez, Yel Brusola, at Therese Aragon.Nagsalaysay naman ng kuwentong pambata ang grupo ng mag-aaral sa pamumuno ng sumulat ng akda na si Rain Tiangco. Sa pagitan ng mga pagtatanghal, tumugtog din ang mga bandang Titos at The Wednesdays.
Ayon sa kanilang tagapayo na si Prop. AC Nadora, "Super proud ako sa [mga estudyante ko sa] MP kasi kahit first time namin 'to ginawa, naging matagumpay ang book launch na 'to. [Sa loob ng isang semestre,] sobra akong natuto at nag-enjoy sa aking mga estudyante." // nina Aldric de Ocampo at James Tolosa



You Might Also Like

0 comments: