4ever,

Literary: Tiktilaok

1/25/2019 08:06:00 PM Media Center 0 Comments




Dilaw

Pagsapit ng umaga,
Ang boses ko’y nakahanda na.
Pakinggan ang sigaw ko,
At kayo’y gumising na.

Berde

Malawak na damuhan,
Ang aking palaruan
Ang aking pahingahan
Ang aking tahanan.

Asul

Abot langit ang aking saya,
Tuwing ako’y tumatakbo,
Kasabay sa paggalaw ng mga ulap,
Walang tigil ang aking laro.

Kahel

Ang araw ay palubog na,
Oras na para ako’y tumigil.
Kailangan ko nang magpahinga,
At bumalik sa aking hawla.

Itim

Sa gabing madilim,
Tahimik ang lahat.
Hinihintay ang pagdating,
Ng bagong umaga.


You Might Also Like

0 comments: