filipino,

Literary: Kulay ng Buhay

1/25/2019 08:54:00 PM Media Center 0 Comments




Pula ang kulay ng galit, kakayahan, at pagmamahal na nararamdaman ko
Mula sa’yo ang sabay-sabay na paglabas at pagdaloy ng emosyong walang tigil

Kahel ang harap ng walang katapusan
Ang dulo at katapusan ng araw
Wakas ng emosyong mula sa kulay ng pula
Simula ng pagbabago at pagsikat ng kinabukasan

Dilaw ang sikat ng araw, ang init ng umaga
Ang emosyon ng kasiyahan matapos ang panimula
Ang iyong ngiti na kasinliwanag ng araw
Na nagbibigay ilaw sa mundong nakasimangot

Berde ang kulay ng buhay at ang simbolo ng pagbago
At ikaw ang nagbibigay-kulay sa mga araw na pare-pareho
Dala mo aking buhay, mula sa’yo inaasahan ang pagbababago

Tinang Asul ang kulay ng katotohanan at larawan ng katapatan
Katapatan na palaging hinahandog sa’yo
At ang masakit na katotohanang hanggang paghahandog lamang ang magagawa ko

Asul ang kulay na kasinlalim ng dagat
Dala ang kalungkutan ng nawaglit na pangako at ‘di nasabing salita, katulad ng ulan
Ang ulan na walang tigil, at ang ulan na inaasahan lamang na sana tumigil

Lila ang kulay ng katapusan at ang kulay ng katahimikan
Sa katapusan ng mga kulay ang siyang katapusan ng pinaghalo-halong emosyon
Halo ng kalakasan ng pula, at ang kalungkutan ng asul
Katahimikan matapos ang ulan

You Might Also Like

0 comments: