12345,
Pula ang kulay ng iyong mga labi habang binibigkas mo ang mga salita mula sa aking panaginip.
Bughaw ang iyong suot ngayon, ngunit ang pagkakaalala ko ito’y lilang blusa na may mantsa sa ibaba.
Ang aking mga pisngi ay kulay rosas, malamang nahawa sa kulay ng iyo nang ang tanong na iyon ay sabihin mo.
Tumaas ang iyong kilay—arkong kilay, sabik sa mga gustong malaman.
Nagbabaga ang aking damdamin,
Alam ko ang sagot sa iyong katanungan.
Kulay berde ang cutics sa iyong mga kukong na kanina mo pang kinakagat dahil sa kaba at
Itim naman ang iyong mapupungay na mata na hindi mapantayan ang pagningning nang sagutin kita-
“Siyempre, mahal din kita…”
Ngumiti ka at nasilayan ko ang mga perlas mong ngipin. Ang sarap mong pagmasdan habang nakatayo diyan. Parang sinadya ang buhos ng puting sinag ng araw na bumabalot sa iyo.
Ako’y napapikit. Ngunit ‘di katulad ng aking panaginip na natatapos ang mga pangyayari at ako’y magigising na lang tanaw ang bughaw na dingding ng aking kwarto.
Ngayon ‘di ka nawala sa aking harapan.
Mukhang sa pagkakataong ito hindi magwawakas ang aking panaginip. Mukhang patuloy mo pang pipintahan ang buhay ko ng mga kulay na dala mo.
Literary: Pulang Labi

0 comments: