filipino,

Literary (Submission): Pwede Bang Tama Na?

8/12/2015 07:27:00 PM Media Center 0 Comments



Nalilito at naguguluhan
Ang pusong iniwan
Ako'y iyo nang nasaktan
At ngayon ika'y nanggugulo na naman

Damdamin ko'y hindi laruan
Kaya wag nang mag tagu-taguan
Sabihin mo ng harapan
Tayo'y magtapatan

Pakisabi ang dahilan para aking malaman
At nang ako'y mapanatag sa katotohanan
Dahil pagkatapos nito'y ayaw ko nang balikan
Ang nasayang na nakaraan

You Might Also Like

0 comments: