filipino,

Literary (Submission): Pringles

8/12/2015 07:32:00 PM Media Center 0 Comments



Para kang Pringles,
Oo, isang pagkain
Mahal at 'di afford ng budget ko
Sadyang maaari ko lamang gawin ay titigan ka

Maging ang iyong ugali ay kakaiba
Madalas original o napakasimple na gusto ng lahat
Minsan para kang barbeque
Maanghang kung magsalita

Pero kasi gustong gusto kita
Halata naman 'di ba?
Kaya lang hanggang sulyap ang aking magagawa
Hindi kita kayang abutin

Kung alam mo lang na ikaw lang ang aking nakikita
Kung alam mo lang na hinahangaan kita
Kung alam mo lang na gustong-gustong kita
Kung alam mo lang na pinakaminimithi kita

Sana isang araw ika’y mapasaakin
Para hindi na lamang kita titigan
Hindi na lamang kita aasamin
Pagkat ikaw ay akin nang nakamtan

You Might Also Like

0 comments: