drama queen,

Literary (Submission): Paalam

8/12/2015 08:04:00 PM Media Center 0 Comments



Mahirap kapag nabago ang nakasanayan
Ngunit mas mahirap kapag ipinagpilitan.
Na tayong dalawa ang magkakatuluyan
Dahil alam ko namang malabo nang mangyari 'yan.

Akala ko ba walang iwanan?
Akala ko ba forever ay ating papatunayan?
Ngunit, napako ang mga pangakong binitawan
Iniwan mo na lang ang puso kong sugatan.

Sabi mo, “Hindi ako kagaya ng ibang lalaki.”
Ako naman itong umasa ng sobrang dali.
Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan
Hanggang ngayon ako'y naguguluhan.

Ako-ako ba ang may kasalanan?
May nagawa ba akong kamalian?
Sabihin mo sa akin ang dahilan
Wag mag-aalala, akin namang mauunawaan.

Sana ganun nga lang kadaling makalimutan
Lahat ng ating mga pinagdaanan.
Mahirap tanggapin parte ka na lamang ng nakaraan
Paalam na sapagkat kailangan na kitang bitawan.

You Might Also Like

0 comments: