crisostomo ibarra,

Literary (Submission): Nandito Para Sa'yo

8/12/2015 08:56:00 PM Media Center 0 Comments



Nagsimula ang lahat sa simpleng tuksuhan;
Sa kalokohan ng ating mga kaibigan.
Mga panunukso nila sa atin,
Na noong una’y di ko pinapansin.

Di nagtagal mas lalo kitang nakilala
Sa tawa mong tila musika, at ngiti mong kay ganda,
Sa lahat ng aking mga nakasama,
Sa’yo ko nadama ang tunay na ligaya.

Tila mga pang-aasar ay naging totoo,
Pagtingin ko sayo’y biglang nagbago.
Nang kagandahan mo’y nasilayan ko,
Tuluyan na nga akong nahulog sa’yo.

Sa bawat pag-uusap natin,
Ako’y bitin na bitin.
Ang dapat sasabihin ay di ko maamin
Hindi masabi ang aking lihim na pagtingin.

Aaminin kong ako’y torpe
Pag nandiyan ka ako’y walang masabi,
Hanggang pagkakaibigan na nga lang ba?
O sa akin ay di malabong magkagusto ka?

Ito ang bumabagabag sa isip ko.
Pag ikaw ba’y aking inibig, ako ba’y iibigin mo rin?
Hindi ko alam ang gagawin ko,
Itutuloy ko ba o ako’y lalayo?

Kahit ano pa man ang sa ati’y mangyari,
Ako’y nandito lamang parati.
Kahit ako ma’y tanggihan mo
Mananatili pa rin akong tapat sa iyo.

Sa lahat ng sinabi kong ito,
Sana nama’y makita at maramdaman mo
Di ko man masabi sa iyo ng deretso,
Andito lang ako, nagmamahal sa’yo.

You Might Also Like

0 comments: