filipino,

Literary (Submission): Kung Malalaman mo… Sana...

8/27/2015 07:57:00 PM Media Center 0 Comments



Kung alam mo lang sana
Mahirap na makisama
Kung alam mong hindi ka na masaya
Bakit ipipilit pa?

Kung alam mo lang sana
Nakakapagod maging manhid
Sa mga bagay na nakasakit
Na tila hindi maisambit

Kung alam mo lang sana
Ako'y napagod na
Katatanong sa sarili ng
"Bat malungkot ka?"

Kung alam mo lang sana
Sarili ko'y inaayos pa
Sana'y maintindihan mo
Ako'y nahihirapan talaga

Kung alam mo lang sana
Paglayo muna ang aking kasagutan
Panahon lang ang kailangan
Dahil paghilom ng puso'y hindi madali naman

Kung alam mo lang sana
Plano kong ayusin pa
Ang ating pagsasamahan
Ngunit, saka na. Pag ako'y 'Okay na'

Kung alam mo lang sana
Tulang ito'y para sayo talaga
Wag kang tanga.
Patawad na.

You Might Also Like

0 comments: