filipino,

Literary (Submission): Blanko

8/27/2015 07:21:00 PM Media Center 0 Comments



Nagsimula ang lahat nang ika’y muling nakita.
Iba ang aking naramdaman, mundo ko’y nabigla.
Alam kong damdaming ito’y ikaw lang ang sanhi,
Lumipas man ang panahon, alam kong ikaw pa rin.

Ngunit nang magtagpo ang ating mga mata,
Ang aking nakita’y isang pagtataka.
Doon ko nalamang isa na lang akong alaala-
Kinalimuta’t naglaho na.

Kung sa aking isipan ay malinaw pa rin ang lahat,
Ano pang halaga, kung sa’yong isip ako’y wala na?
Isang malaking puwang na pilit mong inaalala,
Hinahanap ang sagot sa aking mga mata.

Tatanggapin na lang na ako’y nalimutan na.
Tatanggapin na lang na iba ang ngayon sa nakaraan.
Tatanggapin na lang na hindi na maibabalik pa.
Tatanggapin na lang na “tayo” ay wala na.

Nagtapos ang lahat nang ika’y muling nakita.
Iba ang aking naramdaman, mundo ko’y nabigla.
Dahil ito ang unang beses na wala akong naalala.
Tungkol sa ating dalawa, isipan ko ay blanko na.

You Might Also Like

0 comments: