filipino,

Literary (Submission): Agam-agam

8/27/2015 08:34:00 PM Media Center 0 Comments



Kahit kailan
Hindi naging sukatan
Ang dami ng luhang iniiyak
O ang bilang ng paglagapak.

Ang katapangan
Ng isang taong ang nais lang sa buhay
Makarating sa malayo
Baybayin ang mundo sa kabilang ibayo.

Para saan pa ang ibinuwis at inialay
Na dugo at pawis
Kung wala rin namang patutunguhan
Itong planong inaasam?

Bakit pa kailangan
Magsakripisyo at maghirap?
Kung sa dulo ay hindi rin naman matutupad
Ang mga panaginip na inaasam-asam at pinapangarap.

You Might Also Like

0 comments: