eleanor,

Literary (Submission): 19911

8/27/2015 08:19:00 PM Media Center 0 Comments



Naaalala mo pa kaya,
Kung paano tayo nagsimula?
Ang mga simpleng ngiti at kuwentuhan,
Bigla na lang napunta sa usapang paano mo ako nagustuhan.

Natatandaan mo pa kaya ang una nating sayaw?
Sinabi mo sa’king hindi ka bibitaw,
Sinagot kita ng aking mga awit,
Kapalit ng mga salitang hindi ko masabi.

Wala nang natitira,
Kundi mga liham at alaala,
At mga natatagong larawan,
Na nagpapaalalang minsang lahat ay naging perpekto.

Kahit isang beses sa isang taon,
Ang araw na iyon ba'y pilit mo nang ibinaon?
O kahit ngayong tapos na
Mga alaala’y binabalikan mo pa ba?

You Might Also Like

0 comments: