academic building,

7-12 canteen at permanenteng power supply, natapos na

8/21/2015 08:00:00 PM Media Center 0 Comments

Nitong buwan ng Agosto, magkasabay na natapos ang pagpapa-renovate ng Grade 7-12 canteen at ang paglalagay ng permanenteng power supply sa 7-12 Building ng UPIS.

Sa tulong ng Administration Office, pormal na binuksan sa mga mag-aaral ang Grade 7-12 canteen nitong Agosto 13. Inabot rin ng halos dalawang taon ang pagpapaayos ng nabanggit na pasilidad sapagkat kailangan din nitong dumaan sa proseso ng bidding na sinusunod sa buong UP system.

Ang 7-12 Canteen ay matatagpuan sa Narra Wing ng Academic Building.
(c) Enzo Bautista


Sa kasalukayan, ang kooperatiba na binubuo ng mga guro at staff ang siyang namamahala sa canteen sa ilalim ng pamamatnubay ng Departamento ng Sining Praktika na pinangungunahan ni Prof. Nancy Flor.

Sa tulong naman ng Office of the Campus Architect (OCA), nalagyan na rin ng permanenteng power supply ang 7-12 building mula sa Meralco. Ngayong may maayos at permanenteng supply na ng kuryente ang gusali, hindi na magkakaroon ng “power tripping” bunsod ng kakulangan ng wattage. Hindi na rin kinakailangan pa ng rationing o pagsasalitan sa paggamit ng kuryente sa mga gusali.

Sa pagtatapos ng paggawa ng canteen at paglalagay ng power supply, hihintayin namang maisaayos ang Gym, Auditorium, at ilang silid sa ikaapat na palapag ng Academic Building. / Enzo Bautista, Chesca Santiago

You Might Also Like

0 comments: