filipino,

Literary (Submission): Sabi ng Puso Ko

7/09/2015 08:49:00 PM Media Center 0 Comments



Sabi ng puso ko, “okay” lang ako. Ok pa…

“Darating ang panahong kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya at hindi na isang taong sobrang minahal ko.” Ito ang sabi ng mga mata kong unti-unti nang na bulag sa “pagmamahal” mo.

Sabi ng puso ko, wala na mang katarata ang mga mata ko. Siguro, wala pa.

“Balang araw, ang maririnig mo na lang ay ang mga katagang ‘tapos na,’ ‘okay na,’ at hindi na iyong ‘mahal kita,’” sabi ng tenga kong naririndi na sa mga kasinungalingan mo.

Sabi ng puso ko, lalabas din lahat ng‘yan sa kabila ng tenga ko. Dalawa naman daw sila eh.

“Ipahinga mo naman ako sa paghahabol . Nakakapagod na, nakakasawa,” sabi ng mga binti kong pagod na sa katatakbo pabalik sa’yo.

Humihiyaw na ang mga binti ko sa pagod. Pagod na siya sa kahahabol sa’yo. Sa araw-araw ko ba naman daw bang paghahabol, dapat matagal na akong huminto.

“Ipunin mo na muna kami. Saka na ulit kami bubuhos. Sakana, kapag para na sa taong tunay nanagmahalsa’yo,” sabi ng mga luha kong gabi-gabing pumapatak para sa’yo

Sabi ng puso ko, marami pang tubig sa katawan ko. Hindi yan mauubos kasi hindi nanaman daw ako iiyak.

“Okay lang kung di mo muna kami bilhin at inumin, makatulog ka lang ng mahimbing,” sabi ng mga garapon ng kapeng itinitimpla ko gabi-gabi at nilalaklak oras-oras, magising lang magdamag at mahintay ang mga sagot mo sa lahat ng mensahe ko sa’yo.

Sabi ng puso ko, okay lang. May softdrinks pa naman daw sa ref. Sapat na siguro ‘yon.

“Panahon na para ako naman ang paganahin mo,” sabi ng utak kong sawa na sa mga kasinungalingang laging sagot ng puso ko.

Sabi ng puso ko… Sabi ng puso ko, kaya ko pa eh.
Pero ang sabi ko, ayaw ko na.
At tumigil na lang bigla itong puso ko.

You Might Also Like

0 comments: