filipino,

Literary (Submission): Pagsubok ng Pag-ibig

7/09/2015 08:55:00 PM Media Center 1 Comments



Nagsimula ang paglalakbay dala ay katatagan
Usad lang kahit di alam ang patutunguhan
Nais lang ay makamtam ang kaligahayan
Magagandang pangyayari ay matamang inaabangan

Ngunit sa paghahanap ika’y nasilayan
Pagpasok ng hangin sa dibdib tila pinipigilan
Sa bawat ngiti mo ako’y nasisiyahan
“Sa wakas!” hinahanap-hanap ay aking natagpuan

Ginawa ang lahat para sa’yo
“Ay sawimpalad!” hindi pala ito sapat
Sakit sa damdami’y unti-unting kumalat
Sugat na dulot mo’y sa puso’y tumatak

Sa susunod na ako’y makatagpo
Totoong nararamdama’y pag-aaralang itago
Sapagkat lakas ng loob tila’y naglaho
Upang di na masaktan ang puso sa sakit ng palaso

You Might Also Like

1 comment:

  1. Totoong nadarama'y pag-aralang di maabuso... hindi mo naman kailangang itago pero kung ito ang nakikita mong paraan go lang

    ReplyDelete