altostratus,
“Bakit kaya nangangamba sa tuwing ika’y nakikita?”
Tuesday!!! ‘Yan ang paborito kong araw sa buong linggo.
Kahit kailangan kong gumising ng alas kuwatro ng umaga… Kahit parang nauubos sa first period Math ang brain cells ko… Kahit ibig sabihin simula na naman ng isang linggong paggawa ng requirements… Excited pa rin akong pumasok.
Kasi buo na naman ang baon ko, maaga ang uwi ko, at higit sa lahat… may flag ceremony! Ibig sabihin, maganda tiyak ang simula ng linggo ko dahil mayroong at least labinlimang minuto para malayang makasilay sa’yo.
Hindi ko kailangang sumimple. Walang makakahalata kasi lahat sila sa’yo rin nakatingin habang bumabati ka ng “Magandang umagaaaa!” at nagtatawag ng mga estudyante para pumila. Kapag nag-aannounce ka na, hindi ko kailangang umiwas ng tingin. Hindi ko kailangang pakalmahin ang puso ko. Wala akong dapat ipag-alala na may makahalatang isa ako—isa pa rin ako—sa napakarami mong “fans”.
Alam ko namang okay lang na hangaan ka, na okay lang magka-happy crush sa’yo. Kasi sino ba namang hindi makapapansin at bibilib sa katulad mo?
“Ilang ulit nang nakabangga. Aklat kong dala’y pinulot mo pa.”
Unang-unang araw ko pa lang sa school noong Grade 7, hindi ko pa alam na lumilipat ng room kada subject, wala pa akong ibang kilala… ikaw na agad ang napansin ko.
Papanong hindi eh may eksena tayong akala ko sa mga teleserye lang ng KathNiel nangyayari. Yung mga tipong naglalakad kang patalikod kasi kausap mo yung mga kaibigan mong hindi man lang sinabi sa’yo na mababangga mo akong hindi rin nakatingin sa dinadaanan kasi pilit na iniintindi ang class schedule. Ayun! Nabitawan ko ‘yung bitbit kong libro at baunan. Muntik nang mahulog sa kanal yung lalagyan ko ng tubig! Buti na lang nahabol mo.
Nahihiya kang ngumiti at nagsabing, “Sorry,” sabay abot ng mga gamit kong pinulot mo. Tumingin ka sa mga kaibigan mong pinagtawanan ka imbis na tulungan at sinabing, “Di niyo kasi sinabing may tao!”
“Okay lang. Salamat,” sagot ko. At iniwan ko na kayo kasi hahanapin ko pa ang unang classroom ko. Late pa rin akong dumating sa unang subject (malay ko ba kung alin yung Old Building eh parehong mukhang luma) kung saan nakatayo ka na at nagpapakilala. Akalain mo ‘yun! Kaklase pala kita! Buti na lang di kita tinarayan kagaya ng usual na ginagawa ng mga character ni Kathryn sa unang pagkikita nila ng mga character ni Daniel.
Pero nakakainis kasi sa unang taon pa lang natin magkaklase, napatunayan ko nang na sa’yo nga ang lahat! Student leader ka na, star athlete pa. Amazed ako na may oras ka pang mag-aral at makakuha ng mataas na grades. Nung minsang narinig kitang naggitara at kumanta kasama ang mga kaibigan mo, kinilig ako sa galing mo. Kung di lang nakakahiyang magpaka-fangirl-na-nagdadala-ng-banner-level nung kumanta ka kasama ang banda mo nung UPIS Week, ginawa ko na. At nung na-realize ko na ang gwapo mo na nga, ang bait mo pa… wala na… yung puso kong nagmamatigas, natunaw na—
Kagaya ng pagkatunaw ng mga puso ng lahat ng babae’t lalaking may crush sa’yo.
“Bawat araw sinusundan... di ka naman tumitingin…”
Kaya unang taon pa lang rin, sinabi ko na sa sarili ko na hanggang classmate, paminsan-minsang groupmate, idol, happy crush ka lang talaga. Kahit madalas kitang makatabi, maging kagrupo, at makausap dahil magkasunod tayo ng class number, kahit minsan tinutukso na tayo, kailangan hanggang diyan lang. Kailangan itago. Kailangan mukhang immune ako sa charms mo. Kailangan poker faced, kahit deep inside kilig na kilig.
Alam ko naman kasi na hindi kagaya kong makulit, magulo, maingay yung mga tipo mo. Alam ko rin na kahit marami silang (kaming) nagpapacute sa’yo, isa lang ang gusto mo mula pa nung elem ka. Alam ko na nangangarap lang ako ng gising kung iisipin kong may posibilidad na maging ganun ang tingin mo sa akin.
Kaso kahit hindi kita kaklase sa sumunod na dalawang taon, kahit minsan sa isang linggo lang kita makita at makamusta, kahit MU na raw kayo, nagkalabuan na raw, naging MU ulit, nag-away ulit (repeat 100x), hindi raw talaga kayo MU nung crush mo mula pa elem… ‘yung pagkagusto ko sa’yo, steady lang.
Akala ko nahulog, naiwanan, at nabaon na sa dating building yung paki ko sa’yo… Hindi pala. Andiyan lang lagi. Pero hinayaan ko lang kasi… wala lang. Okay lang kasi hindi kita araw-araw nakakasalamuha. Marami rin akong ibang iniintindi kaya hindi ko masyadong naiisip.
Kaso ngayon, kaklase ulit kita. Madalas na naman tayong magkatabi, magkagrupo, magkausap. Mag-hi lang ako sa’yo, tutuksuhin na naman tayo ng mga kabarkada mong pasimuno. ‘Yan tuloy, nararamdaman ko nang lumelevel up itong pagka-crush ko sa’yo. Yung pag magkasama kami ng best friend ko, gusto ko nang i-share sa kanya (kahit feeling ko naman alam na niya pero hindi ko pwedeng iconfirm kasi there’s no going back). Yung pag mag-isa akong nag-aaral sa lib, minsan nagse-space out ako at naiisip kita. Yung excited akong pumasok kasi makikita kita. May mga ganyan na. NOOO. Hindi pwede ‘to. Bawal ma-fall.
“Anong aking dapat gawin?”
Ewan ko. Hindi ko na alam. Naloloka na yata ako.
Palipat kaya akong upuan pag magkatabi tayo? Wow. OA! Obvious much?
Pagbatiin ko kaya kayo ng ka-MU mo? Para alam kong off-limits ka. Pero ouch, masakit.
Eh tanggapin ko na kayang more than happy crush na ‘to? Hahaha. Ha. Ha. Baka may mapala.
Siguro iiwasan na lang kita. Pag di kailangan, di kita kakausapin. Hindi masyadong matatawa sa’yo o matutuwa para sa’yo. Hindi bibigyan ng malisya ang kabaitang pinapakita mo sa ‘kin. Titigilan na ang kasisilay sa’yo mula sa malayo. Titigilan nang hanap-hanapin pa. Bago pa maging kumplikado.
Siguro panahon na talaga para ibaling ang tingin ko sa iba.
“Bakit kaya umiiwas? Binti ko ba’y mayroong gasgas?”
Parang noong Tuesday lang kinausap mo pa ako at nag-“bye bye” ka pa sa akin bago ako umalis para mag-training. Parang noong isang araw lang tinanong mo pa ako kung nakapag-review na ba ako sa test sa Physics. Parang noong isang gabi lang, chinat mo pa ako para lang magpaturo sa isang math problem na alam ko namang kayang-kaya mong sagutan.
Tapos kaninang pagpasok mo sa classroom, ni hindi ka man lang bumati kahit simpleng “Hi!” or “Hello!” man lang na dati ay araw-araw mo namang ginagawa. Noong naging magkagrupo tayo sa isang gawain sa Filipino, ni hindi mo man lang ako kinibo noong nagtanong ako sayo kung may idadagdag ka pa ba sa ginawa natin. Hindi na kita nahuhuling sumusulyap-sulyap sa akin sabay ngingiti nang napakatamis habang nagtatakip ng mukha (oo, napapansin ko yun). At tuwing magkakasalubong tayo, bigla ka na lang kakanan, o kakaliwa, o babalik sa pinagmulan mo na para bang iniiwasan mo ako.
Kung tama man ang aking hinalang iniiwasan mo ako, bakit? Hindi naman ako amoy pawis. Nag-cologne naman ako. Wala namang sugat yung mukha ko. Bagong gupit pa ako. Bakit mo ako iniiwasan? May mali ba akong nagawa? May mali ba akong nasabi? Hindi mo ba nagustuhan ang cologne ko?
Oh baka naman dahil sa inakala mong may MU pa rin kami noong crush ko nung elem? Wala, wala ring nangyari sa amin. Tulad ng ginagawa mo ngayon, hindi na rin niya ako pinapansin. Simula pa noong kalagitnaan ng second year.
Pero okay lang, kinalimutan ko na siya, pati na rin lahat ng nararamdaman ko noon para sa kanya. Moved on, sabi nga nila.
“Dito’y mayroon sa puso ko, munting puwang laan sa’yo…”
Mga ilang linggo ko rin sigurong pinag-isipan kung bakit mo ako iniiwasan. Mga ilang linggo rin akong tulala sa klase. Mga ilang linggo rin akong nasisita ni Coach habang nagtetraining kasi bigla na lang akong nawawala sa focus. Mga ilang linggo na rin na bigla-bigla akong magse-space out sa mga meeting ng KA at kailangan pang ulitin sa akin ang mga huling nabanggit para lang maalala ko. At ang pinakamalala siguro ay noong bigla ko na lang naihulog ang aking panulat sa kalagitnaan ng isang pagsusulit at nang bumalik ako sa aking ulirat ay limang minuto na lamang ang nalalabing oras para kami’y matapos.
At kasabay ng mga pangyayaring yan ay unti-unting nanunumbalik sa akin ang mga pangyayari ng nakaraan.
Naalala ko noong nabangga kita noong Grade 7 kasi hindi sinabi sa akin ng mga kaibigan ko na nandoon ka pala. Naalala ko iyong mga pagkakataong magkasama tayo sa iisang grupo at ikaw lagi ang nagsusulat sa Manila Paper kasi talaga namang napakaganda ng handwriting mo. Naalala ko iyong mga pagkakataong papagalitan tayo ng teacher kasi bigla mo akong dadaldalin sa gitna ng klase dahil hindi mo naiintindihan iyong itinuturo sa harap. Pati na rin yung mga pagkakataong bigla tayong aasarin ng mga kaklase at kaibigan natin at bigla kang yuyuko dahil siguro sa hiya.
“Kailan? Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?”
Doon sa dalawang taon na hindi tayo magkaklase, palagay ko normal naman ako at ang takbo ng buhay ko. Hirap na hirap lang ako gumising sa umaga kasi siyempre pagod sa training pero kayang-kaya naman. Sanayan lang naman kasi ang pag-balanse ng org, sports, acads. ‘Yan pa lang ubos na ang oras ko. Wala na akong panahon mag-isip ng iba. Parang hindi ka naman sumasagi sa isip ko, maliban na lang kung magkakasalubong tayo.
Pero ngayon, para bang bigla-biglang nagbago ang ihip ng hangin. Bigla akong naging excited na pumasok sa klase nang hindi ko namamalayan. Na para bang sa tuwing gumigising ako, kung dati ay humihirit pa ako ng, “wait laaaaang, limang minuto paaa,” ngayon ay agad agad akong babangon at maliligo upang walang masayang na oras sa pagpunta sa school.
At madalas ko na lamang nahuhuli ang aking sariling nakangiti habang iniisip ka.
Hindi ko namalayan na sa mga pagkakataong iyon, unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa iyo. Totoo nga siguro yung sabi nila, na mas maiisip mo ang halaga ng isang tao kung wala na siya. O sa kaso natin, kung hindi mo na ako pinapansin.
“Kahit anong aking gawin di mo pinapansin.”
Hindi ko maintindihan. Ano kaya ang pwede kong gawin?
Magkunwari kaya akong hindi ko naiintindihan yung lesson para magpaturo sa’yo? Wag, baka mahalata.
Mag-skip kaya ako ng training para sabayan ka umuwi? Baka magalit si coach.
Magpalit kaya ako ng cologne? Magpagupit kaya ako ulit? Ahh bahala na.
Siguro nga panahon na para gumawa na ako ng hakbang. Para gumawa ng effort na maibalik ang pagkakaibigan natin. Kakausapin ka kahit alam ko namang mas malamang ay dededmahin mo lang ako, o tatanguan. Siguro panahon na para lakasan ko ang aking loob. Kasi, wala namang mangyayari kung mananatili akong duwag, di’ba?
Siguro nga panahon na para malaman mong may itinatago akong pagtingin sa’yo.
*Inspired by MYMP's Kailan
Literary (Submission): Kailan*

-----

0 comments: