crescencia,
Literary: Hanggang Ngayon
Hindi ko alam kung bakit,
Pero kung sa natatakot—oo,
At kung sa kinakabahan,
Kung sa naguguluhan—mas lalo.
Kaya habang maaga pa,
Pinipilit kong maghanda,
Kakayaning harapin,
Kahit pa ako’y subukin.
Di dapat pangunahan,
Ang pasya ng kapalaran.
Sa Diyos lamang mananalig,
Susundin ang kanyang ibig.
Dahil may tamang panahon ang simula
May tamang saan at kailan,
May tamang sino,
Tamang bakit at paano.
Maghahanda ako’t aasa,
Sa una’y mag-aalala pero di rin ng sobra,
Bilang simula’y magtitiwala,
Hahayaang kumilos ang tadhana.
0 comments: