filipino,

Literary: Datirati

3/25/2015 08:09:00 PM Media Center 0 Comments


Alas singko ng umaga,
Ikaw ang gustong makausap
Agad kong bubuksan ang telepono
At makikita ang “Good morning” text mo

Alas sais ng umaga, papasok sa eskwela
Magpupustahan kung sinong mauuna
Gugulatin pa kung sinong mahuli
At sabay pang kakain pamuli

Alas dose ng tanghali,
Magkikita sa kantina
Ililibre mo pa ko ng tanghalian
Kasama pa natin ang buong barkadahan

Sa loob ng anim na buwan,
Araw-araw tayong ganiyan
Martes hanggang Biyernes,
Minsan kasama pa ang Sabado at Lunes.

Pero anong nangyari?
Hanggang anim na buwan lang ba
Ang saya at kilig natin?
Bakit tila nabaliktad ang lahat ng dati?

Alas singko ng umaga,
Ikaw ang gustong makausap,
Agad kong bubuksan ang telepono,
At magpapadala ng “Good morning” text sa’yo

Alas sais ng umaga, papasok sa eskwela
Ako na ang laging nauuna
Sa ramp, hinihintay kita
Habang mag-isang kakain ng almusal

Alas dose ng tanghali,
Hihintayin ka sa kantina
Nakahanda na ang tanghalian mo
Pero nakakain ka na pala

You Might Also Like

0 comments: