faber castell 0.7,

Literary (Submission): Prom? Prom.

2/05/2015 08:46:00 PM Media Center 0 Comments



Ang prom ay nalalapit na!
Ngunit tayo ay malabo pa,
Sana ikaw ang maging ka-date ko,
Upang siguradong sulit ang gabi ko.

Sana makuha ang matamis mong oo,
Ang kaso wala pa nga pala akong kaplano-plano.
Kay bilis ng panahon,
At nakakataranta na.

Inuunahan kasi ako ng kaba
Sa tuwing nakikita na kita.
Di malaman ang gagawin
Paano pa kaya kita yayayain?

Ngunit matagal ko na itong plano
Kaya tinext ko ang magulang mo
Ang lakas ng kaba sa dibdib ko
Pero lakas-loob ko pa ring ginawa ito para sa’yo

Sobrang makapigil-hininga
Ang paghihintay sa sasabihin nila
Nang biglang sila’y sumagot
Di malaman kung matutuwa ba o matatakot

Maraming salamat at pumayag sila
Kahit hanggang prom date lang kita
Hindi na muna ako hihingi ng higit pa roon
Dahil para sa akin sapat na iyon.

Agad akong nagpromposal
Hindi ko na pinatagal
Tinawag ang mga kaibigan
Na laging nandiyan para ako’y suportahan

At nang mabuo ang plano
Dali-dali kaming pumunta sa inyo
Upang ika’y isorpresa
Sa pamamagitan ng isang harana

Kahit di talaga ako kumakanta,
Gagawin ko ito para mapa-oo ka!
Ang kaso lang ay walang boses na lumabas
Haaay! Tunay nga namang napakamalas

Nahihiya man, itinanong pa rin sa’yo
“Will you be my prom date?” ang tanong ko
At dahil alam kong gusto mong magpaalam muna,
Mabuti na nga lang at naipagpaalam na kita.

Kaya buong tapang na ika’y pinagbigyang
Kumonsulta muna sa iyong magulang
At sa iyong muling paglabas,
Matamis mong oo ang ibinigkas!

Hindi maipaliwanag na tuwa ang nadama
Sulit ang pagod at kabang nadama
Salamat sa’yo at hindi ako nabigo
Wag lang sanang ang isip mo’y magbago

Binigyan mo ako ng dahilan
Upang ang tulang ito ay maisakatuparan
Ikaw ang inspirasyon sa panulat kong ito
Isa itong pasasalamat sa pagsagot mo ng oo!

You Might Also Like

0 comments: