20 seconds,

Literary: Magic

2/18/2015 08:05:00 PM Media Center 0 Comments


Hindi ko alam
Kung paano maniwala
Sa isang bagay
Na gawa gawa
Alam ko

Na kung gugustuhin mo'y
Mapapaniwalaan mo
Ang mga bagay na tinatawag nating totoo


Hindi ko alam
Kung bakit kailangan maniwala
Sa isang kasinungalingan
Na lubos kong napatunayan
Hindi naman,
Hindi naman kita pipilitin
Ikaw ang nagsasabi
Na akoy sinungaling at nagsisinungaling dati
Hindi ko alam
Bakit kailangan nating magbulagbulagan
Sa isang bagay
Na halata naman


Alam ko na
Nawala akong saglit
Sa paningin at buhay mo
At nang ako'y nagbalik di tinignan kahit saglit

Bastat ang alam ko
Kung akoy tanunging mong
"Naniniwala ka ba?"
"Hindi na"
At kung tatanungin mo ako
"Naniniwala ka pa ba?"
Ang matibay kong isasagot
"Ako'y naniniwala pa."






You Might Also Like

0 comments: