filipino,

Literary: Muntik Na

2/11/2015 07:32:00 PM Media Center 0 Comments


Ito na yata ang tulang pinag-isipan kong mabuti
Tila ba ang dami kong gustong sabihin,
Pinipigil lang ng puso’t isip
Pero sabi nga nila “Tapusin mo ang iyong nasimulan”
Kaya heto ako’t ibabahagi ang maikli nating kasaysayan

Magbalik-tanaw tayo sa mga panahong
Ang puso ko’y di maawat sa paghikbi
‘Di inaasahang ikaw ang aking makakatabi
Tipong saksakan ka ng talino,
Ako nama’y wala ni isang talent
‘Di sukat akalaing iyong lilingunin

‘Di nagtagal puso ko’y naging sabik
Sabik sa mga kwento mong paulit-ulit
Tuloy, unti-unti, mga puso nati’y nag-isang pintig
Maging kamay ay naglapat, at ika’y umamin.

“Mahal kita,” iyong sabi
“Ngunit bawal pa,” sabay tapik
Handa akong maghintay, lumagpas man ang bilang sa aking mga daliri
Dahil lahat ay kayang gawin, sa ngalan ng pag-ibig

Natatakot lang akong maubos ang pagmamahal
Isang tanong mula sa iyo ang akin na hinihintay
Dahil handa ko nang muling sabihin ang mga kataga-
Oo, pagkat mahal kita.

You Might Also Like

0 comments: