isang regalo,

Literary (Submission): Isang Regalo

12/29/2014 09:14:00 PM Media Center 0 Comments


Christmas vacation na,
Hindi ko na siya makikita.
Ngunit gusto ko siyang pasayahin
Ano ang aking gagawin?

Ang hirap mag-isip
Kahit sa panaginip.
Lahat kasi sa kanya’y babagay
Kaya anong regalo ang dapat na ibigay?

Isang regalo,
Na magbibigay ngiti
Sa maganda niyang mukha
Kahit pa hindi ko siya makita.

Isang regalo,
Na magpapaalala
Na dito sa mundo
Sa kanya’y may nagpapahalaga.

Regalong kanyang maitatabi
Ng pang habambuhay.
Sana’y pakaiingatan niya
Ang regalong inialay sa kanya.

Regalong magagamit
At makapagpapasaya sa kanya.
At masa matamis na kung gagamiti’y
Ako’y kanyang maaalala.

Ang iyong kaligayahan
Ay aking kasiyahan.
Ang iyong ngiti
Ay ngiti sa aking labi.

* * *

Tapos na ang UPIS days
Bakasyon na naman
Ngunit akin pang hinihintay
Regalong kanyang nais ibigay.

Subalit paano kami magkikita
Kung tapos na ang pasukan?
Wala nang natitirang araw
Wala ng panahon para magregaluhan.

Aba, hindi pa pala
May lantern parade pa
Pupunta ako
At pupunta rin siya.

Habang palakad-lakad
Sa aki'y may biglang tumawag
Napalingon sa kanan
At sa kanya ay nagulat.

Isang regalo ang iniabot
Habang hingal pa sa paghabol
Aking tinanggap
At ako'y mabilis na nagpasalamat.

Simple
Ngunit alam kong pinaghirapan
Hindi man gaanong kamahalan
Ito'y aking nagustuhan.

Sa tuwing nadadaanan ng tingin
Ang regalong bigay niya
Lahat ay aking naaalala
Higit sa lahat naalala ko siya.

You Might Also Like

0 comments: