literary,

Literary: Regalo sa Bawat Pasko

12/29/2014 08:45:00 PM Media Center 0 Comments



Noong bata pa ako, doll house lang masaya na ako.
Paglalaruan mo lang ang mga manyika,
Paliliguan sa kunwa-kunwariang pool,
Bibihisan ng damit,
Susuklayin ang kanilang mga buhok
Hay, sana bata na lang ako.

Noong labingtatlong taong gulang ako, stationery set at gel pens lang masaya na ako.
Ipagyayabang ko pa dahil bago,
Dahil mabango ang mga papel,
Walang lukot.
Pagkatapos ay mag-iiwan ako ng sulat sa mga kaibigan ko,
Wala lang, sadyang mababaw lang talaga ang kaligayahan ko.

Ngayong labing anim na taong gulang na ako, hindi ko na makuha ang gusto ko.
Hindi dahil mahal,
hindi dahil bihira,
hindi ko lang talaga maabot.
Halos buong pagkatao ko nalilito, gulong-gulo
Dahil ganyan talaga ang tao, nagbabago at hindi na alam ang gusto.

Isa lang maipapayo ko
Pakaingatan mo’ng lahat ng mayroon ka
Dahil hindi sila lahat permanente, mabilis maglaho parang bula
Magpasalamat na lang sa lahat at maging masaya

You Might Also Like

0 comments: