cannot be reached,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
May gana pa siyang mag-text pagkatapos ng ginawa niya sa’kin? ‘Di ba niya alam kung gaano niya ako pinahiya?
Siguro sa simula pa lang alam na niya kung sino ako. Halata namang pinagti-tripan lang nila akong magbabarkada dahil dun lang naman sila magaling. Ang pahiyain at laitin ako. Di pa ba sapat ‘yung ginawa niya para makuntento siya?
Ang manhid talaga ng mga lalaki! Hindi ba niya nararamdaman sa mga galaw ko na iniiwasan ko siya? Na ayoko siyang kausapin? Na wala akong ganang kausapin siya? Akala ko sa English lang siya bobo, ‘yun pala, bobo rin sa life in general.
“Jia kanina pa may nag-aabang sa’yo,” sabi ni Andrea, katabi ko sa English.
“Sino?”
“Sina Kevin ata. Sumigaw lang siya sa buong klase para hanapin ka kaso wala ka pa naman.”
“Ah…”
Kinabahan ako bigla. Hinahanap niya ako. Ano kayang gusto niyang sabihin?
O baka wala naman siyang kasalanan kaya ganun pa rin siya makitungo sa akin. Hindi ba niya inisip na nakakahiya na ako yung naka-text niya? Pero bakit hindi pa rin niya ako tinitigilan? Okay lang kaya sa kanya na ako yung ka-text niya?
“Jia hinahanap ka ni Kevin,” sabi ni Anjo, kagrupo ko sa Physics.
“Ha?”
“Kanina, bago mag-klase. Tinanong niya kung asan ka.”
“Bakit daw?”
“Ewan. Nagawa mo ba yung bonus paper?”
Bakit ba niya ako hinahanap? Ano bang kailangan niya? Hindi ko siya pupuntahan. Hindi na ako magpapa-bully sa kanila.
Nagpaluto ako para hindi na ako bibili sa canteen. Lahat ng kamalasang nangyayari sakin sa canteen nagaganap. Sinumpa yata ako sa lugar na yun.
Okay na ‘to. Para hindi ako makita ni Kevin.
“Girlyyyyyy!” bati ni Denise.
“Uy, bakit Den?”
“Paturo naman sa Ekon! Mamaya na yung test namin! Hanggang ngayon wala pa akong alam.” Hay Denise. As usual.
“Tara. Turuan na kita. Kaso ‘di ko dala notes ko. Dala mo ba yung iyo?” tanong ko.
“Nasa baaaag! Tara teka samahan mo ako tas kunin na natin sa bag ko.”
Ibig sabihin ba nito pupunta kami sa Dao? Ayokong makita si Keviiiiiiiiiiin.
“Hindi, sige antayin na lang kita dito. Balik ka agad a.”
“Tara naaaaaa!” at hinila niya ako palabas ng room.
Habang naglalakad kami ni Denise, may dalawang matangkad na basketbolista na papalapit sa amin. Yung isa si Vincent, yung isa si Kevin. Mukhang nakita na niya rin ako.
“Hi Jia!” biglang sabi niya na may malaking ngiti. Parang naririnig ko sa personal yung boses niya pag magka-text kami.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Denise at dumire-diretso sa room nang hindi tinitignan si Kevin.
Pagdating sa room ng Dao, biglang naging seryoso ang mukha ni Denise. “Girl ang cold nun a. Dinaig pa si Elsa.”
Naguilty ako bigla. Siya na nga yung nag-effort mag-hi tapos di ko pa siya pinansin. Siguro nga wala talaga siyang kasalanan sa mga nangyari. Parehas lang kaming nabigla at biktima ng mga pinaggagagawa namin.
Pagkatapos kong turuan si Denise, dumaan ako sa ibang ruta para hindi kami magkasalubong ni Kevin. Pero bakit habang lumalayo ako sa kanya, mas gusto ko siyang lapitan at kausapin?
Dalawang subject na ang nagdaan pero parang wala akong natutunan. Paulit-ulit na nag-rerewind sa utak ko yung nangyari kahapon. Nagre-replay ‘yung reaksyon niya nung nakita niyang ako yung kausap niya sa cellphone, kung ano yung itsura niya habang hinahanap niya ako kaninang umaga, at nung nagkasalubong kami at hindi ko man lang siya tinignan.
Tsk. Bakit di ko siya pinansin?
Naaatat na akong makita siya. Hindiiii. Wag ko na lang siyang pansinin para di niya rin ako pansinin. Para bumalik na ang lahat sa dati.
Oo, yun na lang. Kunwari walang nangyari. Ako pa rin si Jia na binubully ng lahat at walang pakialam sa mundo. Siya pa rin si Kevin na chickboy na maangas na sikat sa buong UPIS.
Naka-silent yung cellphone ko kaya di ko alam na may nagtetext. Ngumiti ako nang makita ko ang pangalan niya na “Mr. Chickboy” sa cellphone ko, pero naalala kong kailangan ko na pa lang palitan ng “Kevin” ang pangalan na yun.
-----
Today, 11:06 am
Hi Jia! Pwede ba
kitang makausap?
11:11 am
Hi! Antayin kita
after class mo ah! ;)
2:32 pm
Jia! ‘Wag mo akong bibiguin ah!
Mag-aantay ako:)
3:30 pm
Kita tayo sa Asotea. I’m waiting
with my flowers!
4:00pm
Uy, diretso ka agad
after class mo ahh!
-----
Binasa ko isa-isa ang mga text niya at di ko napigilang tumulo ang luha ko. Sinisigaw ng puso ko na pumunta ako sa asotea at kausapin siya pero sinasabi ng utak ko na hindi pwede, kasi siya yung kinamumuhian kong tao na naging dahilan ng kamalasan ko… pero naging dahilan ng kaligayahan ko.
Bakit hindi na lang niya ako layuan? Bakit kailangan pa niya akong kausapin? Ano pa bang pag-uusapan?
At tsaka bakit may flowers?
Hindi kaya dahil…?
Nilubos-lubos ko na yung pag-iyak ko kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Naghihintay siya ngayon sa taas, umaasang darating ako. Pero anong mangyayari pagkatapos? Paano kung may gusto ako sa kanya? Handa ba akong masaktan pag nalaman kong niloloko lang pala niya ako tulad ng panloloko niya sakin sa mga text niya?
“Friend… Halika nga dito…” sabi ni Den at niyakap ako. “Tahan na girl. Bakit di mo pa kasi puntahan? Alam ko namang gusto mo e.”
At dahil sa sinabi niyang ‘yun, mas lalo pa kaong humagulgol. “Ilabas mo lang. Ilabas mo lang.”
Pagkatapos kong umiyak nang pagkatagal-tagal, binigyan niya ako ng panyo at tinanong, “Pupuntahan mo pa ba?”
Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa baba. “Hindi na.”
6:30 na. Andun pa kaya siya? Pano kung hanggang ngayon hinihintay pa niya ako? Sana makita siya ni Kuya Guard at pauwiin na siya. Siguro ibinigay na niya ‘yung flowers sa ibang babae.
Pero sana…
Bakit umaasa pa rin ako na andun siya? Umuwi na nga ako e! Alangan balikan ko pa siya?
Parang nawala bigla yung pagkagusto ko kay Jason. Di ko alam kung nalipat kay Kevin o nawala lang dahil sa galit ko dahil ipinahiya nila ako nung umamin ako. Kanino kaya dapat aamin si Kevin? Baka wala talaga siyang balak umamin sa kahit kanino. Sinet-up lang talaga niya ako na gawin ‘yun. Di naman talaga niya gagawin yung dare e.
Pero pano kung…
“Jia. Di mo pa ginagalaw yung pagkain mo,” sabi ni Mommy.
“Po?” Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na namalayan ang mga tao sa paligid ko.
“You haven’t touched your food, honey. Ayaw mo ba ng pagkain?”
“Ha? Ah, no, wala lang akong gana, Mommy.”
“Why? We can ask Ate to cook another one. Anong gusto mo?”
“I’m fine, Mommy. Kuha na lang ako ng snack.” At tumayo ako sa upuan ko.
Dumiretso ako sa theatre para manood ng 25 Jumpstreet pero hindi pa rin umuubra yung comedy sa’kin. Pinalitan ko ng Melted, kaso ilang beses ko na ring napanood yun. Wala akong mahanap na magpapatawa o magpapatigil ng iyak ko.
“Ito na lang.”
Tumingala ako at nakita ko si Daddy, hawak-hawak ang dalawang supot ng popcorn sa magkabilang kamay, ay nakaipit ang pirated CD ng Enteng ng Ina Mo Bago Ka.
“Dy, di ba ayaw ni Mommy ng ganyan?”
“Walang Blue-Ray.”
Kinuha ko yung popcorn, nagpunas ng luha, at umupo nang maayos. Kailan ba namin huling ginawa ‘to? Kadalasan ako lang mag-isa dito pag umiiyak ako. Hindi naman nila ako sinasamahan. May kasalanan na naman ba ako kaya nandito siya?
Ang awkward. Kami lang andito. Ang tahimik.
“…”
“Kung iiyak ka palitan na lang natin.”
“Di na po, Daddy.”
“Pano ka titigil sa kakaiyak kung hindi mo naman pinapanood?”
“…”
Tama si Daddy. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nasosolusyunan ‘tong problemang ‘to. Hindi ako titigil sa pag-iyak kung hindi ko papansinin si Kevin. Kung hindi kami mag-uusap. Alam ko naman sa sarili ko na may nagbago sa feelings ko.
Gusto ko siyang kausapin, pero papansinin pa ba niya ako pagkatapos ko siyang iwan sa ere kanina? Mapapatawad pa kaya niya ako, pagkatapos ko siyang paasahin sa wala?
Kailangan kong subukan. Kailangan kong linawin ang lahat.
-----
Compose Message:
Hi Kevin! Sorry kung----
Hi Ke-----------------------
Kevin… --------------------
Kevin, sorry kung hindi-
----
Pano ko ba ‘to sisimulan? Ang hirap.
-----
Uy sorry… -------------------
` Kevin sorry kung hindi ako sumi-----
Kevin okay lang ba kung---------------
-----
10:45. Gising pa kaya siya? Antayin ko siguro siya. Baka magtext siya mamaya.
12:00.
-----
Compose Message:
Kevin gising k--------------
Kevin sorry. Magki---------
-----
Malamang tulog na yun!
Pero i-text ko na rin para mabasa niya agad bukas.
-----
Today, 12:12 am
Kevin, pwede ka
bang makausap?
Bukas uwian,
sa asotea? :)
-----
Ayan. Antayin ko na lang reply niya.
Bukas. Di na ako lalayo.
----
*KRING! KRING! KRING!*
NAGREPLY NA SIYA?
Alarm. 5:00. Snooze. End.
Paasa yung alarm! Di naman pala siya nagreply.
Dali-dali akong naghanda at nagpa-drive papuntang school. Pupunta na agad ako sa room ng Dao, kunwari si Denise hinahanap ko. Pero pag andun na siya, lalapitan ko na siya. Tama. Okay. That’s the plan.
“Si Denise?” sinilip ko yung room at nakita ko na si Denise, pero nag-ikot ikot pa sandali yung mata ko para hanapin si Kevin.
“UY FRIEND! MUSTA KA? BLOOMING KA NGAYON AH. ANO MERON?” Tumatalon si Den habang papunta sa’kin, nanibago siguro kasi maaga akong pumasok.
“Andyan na ba si Kevin?” tanong ko.
Tumili siya at nanggigil sa ‘kin. “Girly wala pa. Bakit? Gusto mo siyang kausapin?” Kilig na kilig niyang tinanong.
Tumawa ako sa reaksyon niya at sumagot ng, “Haha. Oo e, mahabang kuwento. Text mo ako pag andyan na siya.”
“Yieeeee! Hahaha. Sige-sige. Parang kahapon lang ganyan siya sa’yo a. Ngayon ikaw naman. Anong drama n’yo? Taguan?” asar niya at ngumiting nangungutya.
“Salamat!”
Nakahawak lang ako sa cellphone ko buong umaga pero hindi pa rin nagte-text si Denise. Pumunta ulit ako sa room nila pero hindi ko pa rin nakita si Kevin.
“Friend sorry. May game pala sila,” malungkot na ibinalita sa’kin ni Den.
“Ay oo nga UAAP na ng basketball.” Naalala ko bigla.
“Oo. Hanggang bukas pa ‘te. Pano na yung usap niyo?”
Wrong timing naman. Kung kelan gusto ko na siyang kausapin tsaka naman kami paglalayuin.
“Sige Den, salamat. Next time na lang siguro.”
Kung i-flood ko na lang siya? Baka mag-reply. Siguro naman hindi buong araw ‘yung game nila di ba?
-----
Today, 12:30 pm
Hi Kevin!
Kamusta game? :)
12:41 pm
Goodluck sa game!
Kaya mo yan!
12:43 pm
Go UPIS!
Do your best. :D
12:46 pm
Go Kevin! :D
-----
Bawian ba ‘to? Okay lang. Ako naman talaga ang may kasalanan. Ako dapat ang lumapit. Antayin ko na lang siguro next week. Marami pang oras.
Kaso Friday na. Ang aga ng uwian ko ngayon kasi wala naman akong work program. Tambay na lang siguro ako sa gilid ng asotea. Dun dapat kami mag-uusap ngayon kaso may laro naman sila. Magpapakasenti na lang ako habang pinagmamasdan ‘yung ulan.
Kamustahin ko kaya siya? Para parang kausap ko na rin siya ngayon.
*KRING! KRING! KRING!*
Sana sagutin niya pleaaseee.
*KRING! KRING! KRING!*
Sasagutin niya kaya? Baka may game pa.
*KRING! KRING! KRING!*
Ibaba ko na siguro. Baka hindi pa siya handang makipag-usap matapos ang pandededma ko .
*KRING! KRI----*
Ha? Nawala yung ringtone?
“Hello?” Sabi niya, pero hindi ko mahuli sa boses niya ang nararamdaman niya.
“Hello?” Kabang-kaba kong sinabi
“Jia?”
“Kevin?”
“Oo, ako ‘to.”
“Ako rin ‘to.”
“Oo.”
“M-m.”
“…”
DEAD AIR! DEAD AIR! AKO BA ANG MAUUNA? ANONG SASABIHIN KO?
“Hi.”
HA? ANO BA ‘YUNG SINABI KO?! BAKA NAG-HELLO NA.
“Hahaha. Hello. Kamusta?” Tumawa siya. Hindi siya galit! Haha.
“Okay lang. Haha. Ikaw? Kamusta game?” Ayan. Pag-isipan mo sasabihin mo!
“Wala, talo kami. Pinaupo lang ako buong laro e. Hahaha!”
“Ayun naman pala e! Dapat isinali ka nila!”
“Kaya nga e. Lagi na lang akong di pinapansin.”
“…”
“Sorry.” Sabi ko bigla.
“Hala. Para san?”
“Sa lahat.”
“Ako nga dapat ang mag-sorry e.”
“Bakit?”
“Sa lahat.”
“…”
“Pero may sasabihin ako. At sana maniwala ka,” sabi niya.
“Ano yun?”
“Hindi kita niloko. Wala akong intensyon na lokohin ka. Hindi ko alam na may gusto ka kay Jason, at hindi ko alam na ikaw pala si Jia. Sana maniwala ka. Hindi ako nagkunwari. Ako yung ka-text mo, ako si Wrong Grammar Lord.”
Napangiti ako sa alaala. “Alam ko.”
“Nung una gusto ko lang talaga ng ka-text, Alam mo ‘yun. ‘Yung wala lang, para lang may kausap, ganyan. Pero nung tumagal-tagal…”
“Ano?”
Lumunok siya at huminga nang malalim. “Nang tumagal-tagal…”
Natatawa ako sa lalim ng hinga niya. “Ano?!”
“Nang tumagal-tagal parang… mas napapalapit yung loob ko sa’yo.”
Di ko mapigilan yung ngiti ko. Naka-Mighty Bond na yung panga ko.
Bumalik siya sa tono niya na makulit. “Akala ko sa’kin ka na aamin e! Akala ko ako na yung tinutukoy mo e! Kaso… mali pala yung akala ko. Si Jason yabang pala.”
Magsasalita na dapat ako pero biglang kumulog nang malakas. Napasigaw ako sa takot.
“Ano yun?!” tanong niya.
“Kulog.”
“Asan ka?” tanong niya.
“Nasa asotea,” sabi ko.
“So, tumupad pala ako sa usapan.” May lambing niyang biro sa akin.
“Ha?”
Tumingin ako sa kabilang dulo ng asotea at nakita ko siya, nakasuot ng varsity t-shirt, basang-basa ang katawan habang hawak-hawak ang cellphone sa isang kamay.
“Kita mo, galing ko talaga,” sabi niya sa kausap niya sa cellphone, pero nakatingin siya sa’kin.
Nginitian ko lang siya habang dahan-dahan kaming lumalapit sa isa’t isa.
“Bakit?” tanong niya, pero nakangiti rin sia. Halatang nahihiya na kinikilig na ewan.
“Ayaw mo talaga akong kausapin sa personal?” sabi ko.
“Ito na nga oh!” nakangiti niyang sagot sa akin.
“E kaso may kausap ka sa cellphone e.”
“Pag binaba ko ba ‘to kakausapin ba ako ng kaharap ko ngayon?” tinignan niya ako sa mata.
“Magpakilala ka muna. Kakausapin ka rin niya.”
“Sabi mo yan ah.”
“Oo, pramis.”
“Sige. Babye.”
“Babye.”
Sabay naming binaba yung cellphone at tinignan sa mata ang isa’t isa. Ang tagal lang naming nakatayo at di nagsasalita. Feeling ko matutunaw na ako. Ang gwapo pa naman niya sa wet look niya.
“Hi.”
“Hi.”
“Ako nga pala si Kevin.”
“Jia.”
“Nice to meets you.” sabi niya at inextend yung kamay niya para makipag-shake hands.
Di ko na napigilan yung tawa ko at napaiyak na ako sa sobrang tawa. Ang seryoso na e! Biglang hihirit naman si Wrong Grammar Lord.
“Uy! Uy, okay ka lang? Hala kakapakilala lang natin sa isa’t isa napaiyak na agad kita. Uyyyyyy!” sabi ni Kevin, halatang di niya alam na umiiyak ako dahil sa kakatawa.
Inangat niya yung ulo ko at ibinigay niya sa’kin ‘yung panyo niya. “Punasan mo nga ‘yung luha mo. Sige ka, papangit ka niyan.”
“Basa naman yung panyo mo! Pano ko pupunasan yung luha ko?”
“Ay sorry! Hahahahaha! Ito na lang.” At pinunasan niya yung luha ko gamit yung kamay niya. “Ay, basa din pala.”
“Haha. E di ito na lang.” Nilabas ko yung panyo ko at pinunasan yung luha ko.
“Ayan, most better.” Ngumiti siya at lumabas ang nagniningning niyang mga mata.
Tumawa ako habang pinupunasan ang marungis niyang mukha.
“Much better.”
WAKAS.
Literary: Cannot Be Reached (Chapter 8)
Ang Cannot Be Reached ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

0 comments: