chapter 2,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Ika-11 ng Disyembre, taong kasalukuyan. Maganda ang panahon at mukhang malaki ang mga ngiti sa mukha ni Haring Araw. Taliwas sa sinabi sa balita. Masaya akong nakatambay at nagpapahangin sa may Asotea sa ikatlong palapag ng Academic Building. Katatapos lang ihayag noon ang mga nanalo sa Powerdance Competition. Nagpunta ako rito para magpalamig at para na rin magmuni-muni. Ayoko sa ibaba. Maingay, masyadong maraming tao. Maraming palakad-lakad na tao. Naguguluhan ako sa kanila.
Iginala ko ang aking mga mata sa ibaba. Malaki na rin pala ang ipinagbago ng buong UPIS 7-12 grounds simula nang lumipat kami rito mahigit isang taon na ang nakalipas. May mga nakatanim nang damo at halaman sa quadrangle na naaalala ko pa dati na nagmumukhang champorado kapag umuulan. At dahil magpapasko na, naglagay na rin ng mga Christmas Decorations sa PA Pavillion lang na pinapailaw kapag gabi. Kahit pa may mga bahaging hindi pa rin ganoon kaganda tulad ng canteen at ng basketball court, masasabi kong mas maaliwalas nang tingnan ang kabuuan ng gusali.
Patuloy kong iginala ang aking mata sa ibaba nang biglang masagap ng aking paningin si Coco na parang may iniaabot sa isang cadet sa Marriage Booth ng GSP.
At biglang kumulimlim ang panahon.
Ano ba talaga ang nakakaasar kay Coco? Oo, alam kong girlfriend ko siya pero sa mga nagdaang araw parang nabubuwisit na talaga ako pag nakikita ko siya. Para siyang sirang plaka sa kakasigaw ng pangalan ko sa tuwing makikita niya ako. Okay lang sana kung maganda pakinggan ang boses niya. Napakatinis pa naman ng boses niya. Masyadong manipis masakit sa tenga. Maliban doon, sa tuwing magkasama kami, lagi na lang yung aso niyang mukhang puno ng balete sa haba ng buhok yung pinag-uusapan namin. Napagpaplanuhan ko na ngang gupitan kapag di siya nakatingin. Ukaan ko kaya para tuluyan na niyang ipakalbo. Atleast, solve ang problema ko. Wala na kaming asong pag-uusapan. Sayang kasi sa oras. Walang kawawaang topic.
Ang pinakanakakainis, kapag may kailangan ako sa kaniya, lagi siyang busy, lagi siyang may ginagawa. Tapos, kapag siya naman ‘tong may kailangan sa akin, ginagawan ko lagi ng panahon, kahit pa sobrang busy akong nagrereview o kaya naman ay naglalaro ng Clash of Clans. Kaumay talagang babae. Asar.
Inilabas ko ang aking yellow pad. Ang aking mahiwagang yellow pad na naglalaman ng aking mga pinakamalalalim at pinakamadidilim na sikreto.
Mabuti pa itong pad ko may silbi. Naisusulat ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Hay, isa ito sa pinakamahalagang gamit ko. Dito kasi nakasulat ang blueprint ng aking mga plano kung paano ko palalayuin ang loob sa akin ni Coco at kung paano ko siya didispatsahin ang maarteng babaeng iyon. Ang aking plano ay pinamagatang…
Operation CocoNot.
Inisa-isa ko ang mga nakalagay sa papel. Plan A, Plan B, sunod-sunod 'yan at detalyado ang bawat plano. Kailangan detalyado. Perpekto dapat. Hindi ako dapat magkamali. Bigla akong napaisip. Ganito na ba katindi ang pagkainis ko kay Coco at umabot ako sa paggawa ko ng paraan para ayawan niya ako? Ganito na ba katindi ang pagkaasar ko sa kanya at umabot sa paggawa ko ng plano para mag-break kami?
Nasa kailaliman ako ng pag-iisip nang biglang may nagsalita mula sa likod.
“Hoy Matt,” sabi ng isang babaeng nakakapit sa akin na hindi ko na kinilala kung sino.
Dali-dali kong isinilid yung Yellow Pad sa bag ko. Malilintikan ako tiyak kapag may nakakita noon.
“Bakit?” sagot ko pagkatapos isarado yung zipper ng bag.
“Pumunta ka raw sa Marriage Booth ng GSP,” kinikilig na sagot niya.
“At sa anong kadahilanan?” sagot ko na tila ba takang-taka sa mga pangyayari.
“Magpapakasal daw kayo ni Coco!!” Parang siya pa ‘yung kinikilig kaysa sa akin.
“Ngayon na mismo?”
“Oo, ngayon na. Kanina pa siya naghihintay sa booth namin,” naasar niyang sinabi.
“Mamaya na lang, tinatamad pa ako.”
“Hindi, ngayon na.”
“Ngayon na? Bakit hanggang anong oras ba bukas ang marriage booth?”
“Hanggang 5:00 pm.,” nakakunot ang noo niyang sagot sa akin na tila nagtataka.
“O, sige. Sabihin mo kay Coco hintayin ako ng hanggang 5:05,” sabay turo ko sa aking relo.
“Nakabihis na siya. Bilisan mo. Kailangan pilitin ka pa? Arte mo ah!”
Hindi na ako nakatanggi. Pero badtrip na badtrip talaga ako. Eksakto pa talaga kung kailan yung sobrang pagkainis ko kay Coco ‘yung tumatakbo sa isip ko at saka nila ako hinuli.
Pero sige, gagamitin ko na lang ‘tong pagkakataon na ‘to.
“Operation CocoNot, commence, Plan A : Basagin ang trip niya’t makipagtaguan” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa booth.
Malayo pa sa booth ng GSP, natanaw ko na si Coco, kasama yung bestfriend niyang si Maya. Nakaabang, abot-tenga ang ngiti at mukhang sobrang saya na hindi mo maintindihan. Mukha siyang kamatis na tinubuan ng mukha.
Bigla siyang naglagay ng make-up nang makita niya akong dumating.
“Bakit ka naglalagay ng make-up, anong okasyon?” tanong ko kay Coco.
“Ano ka ba, Matty. Ikakasal tayo ngayon. I need to look presentable,” sagot niya sabay kindat sa akin at kapit sa braso ko.
“Mukha kang siopao. Nakatumpok yung make-up mo sa magkabilang pisngi mo.” Sabay turo ko sa pisngi niya.
Tinignan niya muli sa salamin ang kanyang mukha.
“Maayos naman ah. Masyado ka lang nagandahan kaya mo nasabi ‘yan. Halika na magpakasal na tayo. At saka mahilig ka sa siopao diba?” kinikilig niyang sinabi sa akin.
“Hala, hindi kaya ako mahilig sa siopao.”
“Wehh, hindi nga.”
“Sige, ginusto mo iyan eh.”
“Weeh, gusto mo rin eh. Nagba-blush ka nga oh. Ganda ko, ‘di ba?”
Di na lang ako sumagot. Napakaarte talaga! Nagsi-syntax error yung utak ko kakaisip kung gaano kalala yung arte niya sa katawan. Wala bang kometa na puedeng tumama sa babaeng ‘to para matapos na ang kalbaryo ko.
Pinaupo kami ni Coco sa dalawang magkatabing monobloc na nakaharap sa isang lamesa. Sa lamesa ay may nakapatong na kung anu-anong bagay tulad ng mga papel, ballpen, pera, camera, at marami pang iba. Pero ang talagang nakakuha ng aking atensyon ay ang magkakatabing mga pares ng singsing. Aba, talagang pinaghandaan ng Cadets ‘to ah.
Umubo nang pakunwari ang Cadet na umaakto bilang nagkakasal at saka nagsalita, “Okay, ngayon ay masasaksihan nating lahat ang pag-iisang dibdib nina--”
“Sandali lang may tanong ako,” bigla kong naibulalas. Natigilan din sa pagsasalita ang Cadet.
“Ano ‘yun?”
“Uhm, maaari ko po ba malaman kung magkano yung bail?”
“Fifty pesos. Bakit, magbabail ka ba?” sabat ni Janette, isa sa mga cadets.
“Paano kung oo?” sagot ko.
“Ayos lang naman, pero wag ka namang KJ! Trip lang naman ‘to eh!” sagot ni Janette
“KJ naman talaga ako. Wala namang bago dun,” sagot ko sa kanilang habang nakangisi.
“Oo nga, grabe to oh, walang pakisama,” dagdag pa ni Claire, isa rin sa mga cadets.
“Eh, may gagawin kasi dapat ako kanina eh. Importante ‘yun.”
“Ano namang gagawin mo eh UPIS Days, wala nang requirements?”
“Ah, ano, ahh… Basta ‘yun. Oo tama ‘yun nga. Ngayon ko lang naalala.”
“Suuus, palusot. Wala ka ngang sinabi eh. Wag ka na kasi mag bail!”
“Ayaw n’yo yun, dagdag sa kita ninyo?” sabi ko sabay ngiti.
“Hindeee. Magpakasal kayo. Sayang yung binayad ni Coco oh, mga kinse minutos na rin siyang nag-aabang dito,” sabi ni Claire.
Umakto akong nag-iisip nang malalim. Sinamahan ko pa ng pakunwaring paghimas sa aking baba at pagpikit-pikit sa aking mata ang aking kunwaring pag-iisip. At saka ako nagsalita.
“No, I insist,” sabi ko sabay lapag ng isandaang piso sa lamesa at saka dali-daling umalis.
Operation CocoNot Plan A, completed.
Umakyat ako papuntang second floor at saka tumambay sa room na nai-assign sa Grade 10. Nilabas ko yung cellphone ko tsaka naglaro ng Clash of Clans.
Ganito na lang siguro muna, hindi muna ako lalabas ng room. Hindi muna ako magpapakita kay Coco.
Nasa kainitan ako ng paglalaro ng Clash of Clans ng biglang may tumawag sa akin.
“Hoy, Matteo! Nagka-Clash of Clans ka na naman?”
Si Luis pala.
“Brad, paano ka nakakapag-CoC eh wala kang internet?” tanong niya sa akin.
Hinila ko siya papalapit at saka binulungan, “Huwag kang maingay, nakakabit ako sa WiFi ng UPIS Complab.”
“Walangya ka talaga. Hoy, basta pair tayo dun sa Christmas Break project na ibinigay ni Sir Cruz ah. Ako na bahalang magpaprint,” sigaw niya sakin sabay tawa nang malakas.
“Pagpapaprint lang talaga itutulong mo ano,” sagot ko.
Inayos niya ang damit sabay tumayo nang tuwid at sumaludo, “I take pride in all the things that I do, sir!”
“Bahala ka nga sa buhay mo.”
“Oo na, sige na. Tutulong na ako, ako na rin magpapasa.”
“Kamote ka talaga kahit kailan.”
Si Luis de Vera, ang aking best friend simula noong pagpasok ko dito ng High School. Best friend ko siya ngunit malaki ang pagkakaiba namin. In sugarcoated words, medyo slow-learner si Luis ngunit sa sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, pumapasa siya tuwing may exam. Pero kung ano ang pagkukulang ni Luis sa aspetong akademiko ng kaniyang buhay, iyon naman ang ikinaganda ng kaniyang buhay pag-ibig. Wala siyang girlfriend pero sa kaniya ako humihingi ng mga payo tungkol sa mga ganoong bagay.
“Siya nga pala, hinahanap ka sa akin ni Coco kanina. Mukhang problemado. Ano na namang ginawa mo?” sabi ni Luis.
“Luis naman, ang ganda na ng mood ko dito eh, mananalo na ako, winawasak na ng barbarians yung archer tower ng kalaban oh, *YEAAAH one-star na!* tapos bigla kang magpapakita tapos sasabihin ‘yan,” sabi ko na halatang-halata na may pagka-badtrip sa aking boses.
“Yan ang problema sa’tin eh. Ang pogi mo kasing loko ka kaya ka pinagpipiyestahan ng mga chicks!” sabi sa akin ni Luis habang sinisiko ako sa braso.
“Manahimik ka nga, wala akong chicks.”
“Aysuuus, kasama mo nga si Maya last week eh, mukhang sweet kayo. Nakanaman oh... ‘Yung bestfriend pa talaga!”
“Nais kong ipabatid sa iyo na kami’y magkasama lamang noong mga pagkakataong iyon dahil siya ay nagpapaturo sa akin sa Chem.”
“Sa bagay, nakakasira kasi ng utak ‘yang mga RedOx Reactions na yan eh. Ano ba kasing nangyari?”
“Mahabang kuwento eh.”
At ayun, kinuwento ko sa kaniya kung bakit badtrip na badtrip ako kay Coco, pati na rin ‘yung tungkol sa Operation CocoNot. Sa haba ng pag-uusap namin ay nakalimutan ko na yung nilalaro kong Clash of Clans. Naubos tuloy yung troops ko’t namatay lahat.
Napa-buntong-hininga na lang si Luis sa mga naikuwento ko sa kaniya.
Akmang kukunin ko na ulit iyong aking cellphone para maglaro ulit ng NBA 2k15 nang biglang may nagsalita sa central booth.
“Ay heto, may nakuha po tayong text! ‘Matteo Monteverde, sorry na beh, magpakita ka na sa akin please. *wink wink* ’ Galing po yan kay Coco Pamintuan!” sabi ng boses.
“Pre, puntahan mo na kasi! Walangya ikaw na nga ‘tong hinahanap eh,” kantiyaw sa akin ni Luis pagkatapos niya marinig ‘yung announcement.
“Wag ka ngang magulo.”
“Matt wag ka ngang pa-chicks.”
“Ano’ng gagawin ko?”
“Itext mo rin yung central booth.”
Kinuha ko yung cellphone ko at tinext ko rin ‘yung central booth. At pagkatapos ng ilang minuto ay narinig ko iyong tinext ko.
“Ay, ayan po may nagtext po ulit. ‘Manahimik ka na lang, Coco Pamintuan. Haha.’ galing po yan kay Matt Monteverde,” sabi ng boses sa central booth.
Pagkatapos na pagkatapos sabihin ‘yung tinext ko sa Central Booth, sinigawan ako ni Luis.
“Pre naman! Bakit ganun yung sinabi mo? Akala ko ba makikipagbati ka na?”
“Akala ko rin eh.”
“HAAAH? Ang labo mo. Magpahabol ka ng text dali.”
“Okay.”
At nagsalita muli ang boses mula sa Central Booth.
“Aaayy may pahabol poo! ‘De joke lang yun Coco, sige peace na tayo. Pero, wag mo na akong hanapin. Pinagtataguan kita.’ galing po ulit kay Matt,”
Medyo nakakainis din pala ‘tong boses ng nagsasalita sa Central Booth. Tunog-lata eh, nakakarindi.
Pagkarinig ko noon, kinuha ko yung bag ko at saka dali-daling umalis.
Ewan ko ba kung bakit pero parang habang papalapit ako sa gate ng school ay pabigat ng pabigat ang bawat hakbang ko. Parang sinasabi sa akin ng konsensiya ko na may kailangan pa akong gawin na hindi ko nagawa. Na dapat pinuntahan ko muna si Coco at kinausap siya ng personal. Ganun naman talaga ang ginagawa ng matinong boyfriend.
Totoo naman, may mga bagay na mas magandang pinag-uusapan nang personal kaysa idinadaan sa text o sa chat lang. O sa pagkakataong ito, sa central booth.
Hindi ko na talaga maisip ang gagawin ko noong pagpasok ko sa loob ng kotse. Magiging matinong boyfriend ba ako kung hindi naman siya matinong girlfriend?
Tama ba itong ginagawa ko?
Talaga nga bang ayaw ko na kay Coco?
At saka bumuhos mula sa langit ang malakas na ulan.
ITUTULOY.
Literary: E=MC^2 (Chapter 2)
Ang E=MC^2 ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

----------

0 comments: