altostratus,

Literary: Dear Best Friend

12/29/2014 08:55:00 PM Media Center 0 Comments



“Oy anong gusto mong regalo sa Pasko?” patakbo mong tinanong sa akin.

Sa buong high school life ko, sabi mo kilala mo na ako. Tipong bawat tulo ng luha, tawa, at galaw ko, alam mo ang ibig sabihin. Sabi nila, tayo ‘yung mag-best friend na mukhang mag-best friend talaga, ‘yung tipong walang hidden agenda. Kaya nagtataka ako ngayon kung bakit sa lahat ng pwedeng itanong, ‘yun pa ang tanong na hindi mo masagot.


Kung tutuusin, alam ko naman kung ano talaga ang gusto mo para sa Pasko. Teddy bears. Pero kaya ko lang naman tinanong kung ano’ng gusto mong regalo sa Pasko kasi gusto kitang makausap. Oo, alam kong mag-best friend tayo pero iba talaga ang tuwang nararamdaman ko ‘pag kasama kita. Parang hindi lang tayo mag-best friend.


“Tara, G, Lantern tayo!” pagyayaya mo. Nag-isip muna ako nang maigi, ‘di ko alam kung bakit. Pagkakataon na ata ‘yun para sabihin ang totoo, dahil ayon sa ating BFF rule #1, bawal ang magsinungaling. Kaya ayun, naki-“Tara! G!” na lang din ako. Umaasang sa mga panahong iyon, magkahawak kamay nating papanoorin ang nagkikislapang fireworks.


Napakagaganda ng mga parol na ipinarada noong Lantern Parade pero hindi ko naappreciate ang mga ito. Hindi ako mapakali. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ganito ba ag pakiramdam ng nahuhulog sa’yo? Alam kong hindi pwede kasi best friend kita pero hindi ko mapigilan nag damdamin ko. Ah, basta. Bahala na.


Eto na, countdown na, malapit nang magsimula ang fireworks, ganun na lang din ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Limang segundo na lang ang natitira. Heto na. heto na. Sasabihin ko na ba? At….. one! “Mahal kita.”


Ano? Tama ba ang aking narinig? Nasa langit na ba ako? Ibinalik ako sa realidad ng malalakas na putok ng malalaking fireworks. Totoo nga. Hindi ako makapaniwala. Akala ko hanggang best friends na lang talaga. Akala ko mananatiling ganito na lang. pero hindi pala. “Mahal din kita,” sagot ko. At magkahawak-kamay nating pinanood ang finale ng fireworks display.

You Might Also Like

0 comments: