cannot be reached,

Literary: Cannot Be Reached (Chapter 7)

12/03/2014 08:13:00 PM Media Center 0 Comments

Ang Cannot Be Reached ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.





OKAY…so that was it. Hindi ako yung chicser. Hindi ako yung malakas. Hindi ako yung lalaking kayang magpangiti sa kanya. Hindi pala ako…. yung gusto niya.

Si Jia pala ‘to. Ang babaeng pinagtatawanan, inaaasar, at binu-bully ko mula elem hanggang ngayon.
Nakakainis. Ang gulo-gulo ng isipan ko. Bakit ako nasasaktan? Bakit kasi si Jason? Bakit hindi na lang ako? Bakit si Jia pa? Ang daming mga tanong na tumatakbo sa isipan ko pero hindi ko naman masagot ang mga iyon.

Kasalanan ko kasi talaga ‘to eh! Bakit ko pa kasi ipinagawa sa kanya yung dare? E ‘di sana, ‘di ako naiinis ngayon… E di sana hindi ako nasasaktan. Sana, hindi ko na lang tinext yung number na nasa bente pesos para hindi na umabot pa sa ganito. Pero hindi eh. Ayaw ko mang aminin, sumaya ako nang dumating siya sa buhay ko. Bwiset. Nakaka-distract naman ‘tong Jia na ‘to.

-----

Nakasalubong ko siya sa corridor.

"Hi Jia…kumusta ka?" bati ko, sabay kaway.

Dinaanan niya ako ng hindi man lang tinitingnan o kinakausap. Alam niya na ba? Na for all these times, yung ka-text niya gabi-gabi ay yung taong nambu-bully sa kanya. Tsssk... Bahala siya. Kung ayaw niya akong pansinin, e di wag.

“Vincent! Uuwi na ako. Medyo masama pakiramdam ko,” sabi ko.

“O sige bro! Ingat ka ahh!” sagot ni Vincent na parang alalang-alala.

-----

Hay... Naiisip ko na naman siya. Paano ko kaya siya ulit kakausapin? Tatawagan ko na ba? Kinakabahan ako. Sana hindi niya pa alam na ako yung ka-text niya.

Hindi ako mapakali…

“Kobe!” sigaw ko sa aking kapatid na walang ginawa kundi maglaro.

“Bakit kuya?” bagot na sagot nito.

“Anong gagawin mo kung hindi mo alam kung galit sa’yo yung crush mo? Alam kong expert ka ehh...” tanong ko.

“Kuya naman! Wala pa akong girlfriend. Pero sa palagay ko, kailangan mong paka-humble at akuin ang kasalanan kahit sa tingin mong may mali din siya. Tawagan mo kaya!” sagot ni Kobe.

Huh. Bakit ko naman siya kailangan tawagan? Dapat nga siya yung tumawag eh! Ako na nga yung unang nagsasalita eh! Pero.. hindi ko talaga siya matiis. Tatawagan ko na nga kahit ako na yung unang namansin kanina.

Pero paano ko siya kakausapin?

Bahala na nga. Do or dead na ‘to.

Calling….

Ha? Bakit ako binababaan nito? Ano bang ginawa ko? Sagutin mo…

Calling……

No choose. Itetext na lang kita. Hay. Ngayon lang ako nag-effort nang ganito. Nakakainis ka talaga Jia!

-----
Today, 6:42 pm
Hi Jia! :)

6:45 pm
Am I disturbing?

6:47 pm
Jia! Can we took?

6:52 pm
Why were you sad?

6:56 pm
Hi

6:59 pm
Why are you upseat?

7:01 pm
Upset po. Wala


7:05 pm
Haha! Im just joking. 
Im trying to make you laughs. 
 I think your disappointed. 
 What happen?

7:08 pm
Pwede wag ka
munang magpatawa?
 Hindi ka nakakatuwa.
 Mapapahiya ka lang.
-----

Woah. Boom panes ako dun ah.

Grabe…bakit iba na siya? Ang hirap niya pakisamahan. Siguro nga alam na niya.

WHAT’S THE BIG DEAL? Ehh kung pinaglalaruan lang naman kita ano ba dapat kong pake?

Napipikon lang ako sa’yo kaya ako ganito. Ang taas ng pride mo!

Pero sana hindi ‘to galit sa akin bukas. Sana maging okay na kami. Teka, walang KAMI! Ano ba Kevin! Ikaw? Magkakagusto kay Jia? No way boy! Basta… sana maging maayos ang aming pagkakaibigan at bumalik na sa dati.

-----

*Kinabukasan sa school*

Nasaan na kaya to si Jia?

Pagtataguan niya kaya ako? Wag naman sana.

Sino bang mga kasama nun sa mga ganitong oras?

“Kurt!” sabi ko.

“Oy Kevin! Totoo ba yung balita?”

“Nasaan si Jia? Nakita mo ba? Kasama mo ba kanina? Ano? Nasaan?”

“Chill ka lang. Hindi ko siya nakita kasi may meeting kami sa Club kanina ehh. Tama nga siguro yung narinig kong balita. Totoo ba ‘yun ‘tol?”

“Ah…sige…salamat bro.”

Ano ba yan.. Mukhang pinagtataguan nga ako nun. Saan kaya ‘yun nagpupupunta?

“Jason!”

“Bro! Bakit?”

“Si Jia? Nakita mo ba?”

“Ahh…yung may gusto sa akin? HAHAHAHAHAHAHA”

“Nakakatawa? Ha? Ano bang problema mo?”

“Bro, easy lang! Sorry. Bakit mo ba kasi siya hinahanap? Mukhang nakakahalata na ko sa’yo ah.. Parang iba na yan!”



“Tsk…diyan ka na nga! Mukhang wala ka namang magandang sasabihin.”

Lakas talaga ni Jason oh…ang yabang!

Halos halungkatin ko na ang buong UPIS para lang makita siya. Nagpapakasira-ulo ako sa kahahanap. Di naman ako sigurado kung bakit ba kailangan kong gawin ito. Hay, badtrip! Kada pinupuntahan ko siya sa klase niya wala naman siya.

HAAAYY…natapos na ang lunch hindi ko pa rin siya nakakausap ni makita man lang. Kumain na kaya yun? Lord, please let me talk with Jia.

“Kevin! Yung hinahanap mo! Andiyan na sa harapan mo ohh…” sigaw ni Vincent.

Nakita ko si Jia na naglalakad papunta sa’kin. Ayos! Teka, mukhang nagfe-feeling na naman ako. Kasalubong ko lang pala.

Natataranta na ako! Ano na gagawin ko?! Chance ko na ‘to para pansinin ako! Habang papalapit siya nang papalapit lalong kumakabog ang dibidb ko. Whoo! Bahala na ang KEVIN POWERS ko.

“Hi Jia!” bati ko na lagpas tenga ang ngiti.

Dire-diretso siya at dinaanan lang ako. Ni tingin nga di niya ginawa. Pinanood ko na lang siya habang palayo na siya nang palayo. Unti-unting nawala ang pag-asa ko na mapansin niya. Nabulok ang powers ko.

Bakit ganun? Gwapo naman ako para mapansin at maakit ang babaeng katulad niya. Wala na nga siyang hahanapin sakin eh! Hindi ko talaga siya ma-gets! Nakakainis! Hindi ko naman magawang magalit kasi… ewan ko. Ewan ko talaga kung bakit hindi ko kayang magalit sa kanya.

Ganiyan ba sila? Walang alam kundi mag poker face na lang? Mga babae talaga. Iniisip ba nila ang nararamdaman namin kapag iniisnab nila kami? Iniisip ba nila na nasasaktan rin kami? Boys were boys pero may feelings din kami!

Napaka MANHID TALAGA!

“Brad! Kita mo yun? Nadedma lang ako?” sabi ko kay Vincent.

“Oo, medyo napahiya ka ‘dun. Kung kasama natin ang tropa, tiyak laos ka,” sagot niya.

“Nakakainis na siya. Onti na lang mapipikon na ako sa kanya.” sabi ko… kahit alam kong hindi ko naman kayang magalit sa kaniya.

“Bro alam mo kanina mo pa yan sinasabi. Aminin mo na, hindi mo siya matiis!” sabi ni Vincent.

Weh? Ayaw ko lang naman na may nagagalit sa akin. Bakit ang pakiramdam ko ay may kaba akong nararamdaman kada nasasaktan ko siya? Gusto ko lanng bumawi sa pambibiktima sa kanya ng batch. Pero hindi pa rin eh…ano kayang gagawin ko? Kakausapin ko siya? Kasi naman parang dati lang trip na trip ko ‘tong babae na pagtawanan, pagtripan o kung ano man.

GUSTO KONG BUMALIK SA DATI, YUNG KUNG PAANO KAMI SA TEXT.

Tama na! Nagdadrama na ako! Hay Jia ano bang ginawa mo sa akin???

Sige.. Don’t gave up Kevin. Itext mo na lang ulit si Jia para naman mawala ang kaba mo.

Lord ikaw na bahala sa akin.

-----
Today, 11:06 am
Hi Jia! Pwede ba 
kitang makausap?


11:11 am
Hi! Aantayin kita 
after class mo ah! ;)

2:32 pm
Jia! Wag mo akong 
bibiguin ah! 
Mag-aantay ako: )
-----

Bibigyan ko siya ng flowers. Kaso wala akong mabili sa school ehh…kaya nagpabili ako ng bulaklak sa driver ko tutal 5:30 pa naman uwian nun ehh…

-----

*Nang matapos ang klase ni Jia*

Eto na! Ready na ako! Bulaklak ready na! Saan kaya kami mag-uusap?

Ah sa Asotea na lang! Kaunti lang ang tao dun. Tiyak mas makakapag-usap kami nang mabuti. Nice Kevin, galing mo talaga!

All set! Eto na naman. Hahanapin ko na naman siya.

Nagtanong ako sa mga kaibigan niya kung nasaan siya ngunit wala…pero puso lang!!! Darating din yan.

Sige! Don’t loose your hope Kevin! Bibili muna ako ng siomai sa canteen habang nag-aantay. Throwback! Haha! Si Jia nga pala yung natapunan ng siomai dito sa canteen dati.

Mag gagabi na, ubos na ang binili kong siomai, pa lowbatt na ang phone ko at wala na atang amoy ang bulaklak na hawak ko. Haha! Sana dumating na siya. Nasaan ka na ba Jia?

“Boy! Anong ginagawa mo diyan? Maglilinis na ako. Mabuti pa magpasundo ka na at sa baba ka mag- hintay,” sabi ni kuya janitor.

“Saglit lang po kuya! Inaantay ko lang po yung gusto kong makausap.”

“Nako! Ehh mukang manliligaw ka pa ehh…sa baba ka na lang maghintay.”

“Ahh ganun po ba? O sige po.”

“Oo. Doon ka na lang sa baba maghintay. Bawal nga kayo rito eh. Mapapagalitan ako. Kaya baba na,” pagpipilit ni Kuya sa akin na bumaba na lang.

“Ganun po ba kuya? Sige po. Maraming salamat!“

Saan ako tatambay? Paano pag pumunta si Jia doon?

“Bro! Anong meron? Bakit ka may bulaklak? Wag mo sabihing nanliligaw ka na? Ipaalam mo naman sa akin bro!” ang sabi ni Vincent nang makasabay ko siya sa pagbaba ko sa ramp.

“Hinahanap ko si Jia. Magso-sorry lang ako.”

“Ehh…bakit ka magso-sorry? Wala ka namang kasalanan di ba? Pride naman bro!”

“Hindi ko rin alam ehh…minsan kailangan mong tanggalin yung pride mo para bumalik ang lahat sa dati.”

“Ah…lalim mo ‘dun bro ah! Pero wait, si Jia ata ay kanina pa umalis.”

UMALIS NA SI JIA? Di naman siya dati ganun ahh! Bakit? Mission fail ako. Kaya ayokong mag-effort ng mga ganitong bagay ehh… Buong araw ko siyang hinanap para lang makausap pero wala namang nangyari.

Umaasa ako na lahat ng plano ko magiging matagumpay. Naisip kong hindi ko kontrolado ang lahat. Hindi dahil gwapo ako, magagawa ko na lahat ng bagay.

Nakakalungkot…kulang pa.

“Sige, Vincent. Uuwi na ako.”

ITUTULOY.

You Might Also Like

0 comments: