feature,
Feature: 10 Gift Suggestions
Isa sa mga pinakainaabangang araw sa buong taon ang
Pasko. At kapag nababanggit ang salitang ito, ‘regalo’ na agad ang kaakibat
niyan. At siyempre, bilang ikaw ay isang napakabait at napakamapagbigay na
nilalang, nais mong magbigay ng regalo sa iyong mga magulang, kaklase,
kaibigan, o ka-ibigan (ehem, ehem).
Narito ang ilang mga
ideya sa kung anumang magandang ipang-regalo sa Pasko (na maaari mong magamit sa susunod na taon hehe).
1. Hoodie/Jacket
– Perpektong perpekto ang regalong ito dahil sakto, Disyembre, umiihip ang
hanging Amihan at sadyang malamig ang panahon. Isa itong magandang regalo kung
nais mong makapagpapasaya sa mga tulad mong malamig
ang pasko. (evil laugh HAHA)
2. Relo – Magkasunod lang halos ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong
Taon kaya naman magandang magregalo ng Relo. Hindi ba, magagamit nila ang
ibinigay mong relo upang makapag-countdown sa pagsapit ng Bagong Taon. At isa
pa, isa rin itong paraan ng pagsasabi sa pagbibigyan mo na, “Oh ayan, wala ka
nang rason para ma-late sa klase ah.”
3. Notebook – Maganda itong panregalo sa mga taong may malalawak at
malilikot na imahinasyon. Maaari nila itong magamit para isulat o iguhit ang
kung anumang pumasok sa utak nila at malay natin, ang mga ideya pala na
nailagay sa maliit na kwadernong ito ay magbubunga ng isang malaking pagbabago
sa mundo sa hinaharap.
4. Pillow – Ayan, eksakto sa maulang Disyembre. Fit na fit din itong iregalo sa mga taong nagnanais na
bumawi ng tulog ngayong Christmas Season.
5. Mug/Tumbler – Ang pinaka-nakakasawang regalo sa lahat. Parang ito
lagi yung go-to gift ng lahat ng walang maisip na ipang-regalo. Pero kung
gagamitan mo ng kaunting creativity at ipepersonalize mo, tiyak naman maaapreciate yan ng pagbibigyan mo.
6. Earphones – Sakto, Pasko, maraming nangangaroling. Pero ayon sa
aming pagtatanong sa alaga naming aso, 7 out of 10 ng mga nangangaroling ay
sintunado. Kaya naman tiyak na magugustuhan iyan ng pagbibigyan mo dahil sa
halip na marindi siya sa mga nangangaroling na bata ay makikinig na lang siya gamit ang kanyang brand new na earphones.
7. Photo Album – Kung ang pagbibigyan mo ay yung tipo ng tao na
umiiyak ng isang baldeng luha tuwing may mga Farewell Party o kaya sa mga Year
Ender, perpektong perpekto itong regalong ito. Maipapakita mo sa pagbibigyan mo
kung gaano siya kaespesyal sa iyo. At isa pa, mapapaiyak mo pa siya ng dagdag
na isa pang balde ng luha.
8. Libro – Kung kami ang tatanungin, ito ang pinakamagandang iregalo
ngayong Pasko. Perpekto ito lalo na kung ang pagbibigyan mo ay mahilig gumala
sa iba’t ibang lugar. Kasi nga, tulad ng sabi nila, books can take you to many
places you can only dream of going to.
9. Wallet – Sa kultura ng ating pinakamamahal na bansa, kaakibat na ng
pagsapit ng kapaskuhan ang paghingi ng pamasko sa ating mga ninong at ninang.
Tiyak na matutuwa ang pagbibigyan mo nito dahil siyempre, may mapaglalagyan na
siya ng kaniyang mga mapapamaskuhan.
10. Pagmamahal <3 – Ito na siguro ang pinakabest (exaggeration intended)
na regalo na maipamimigay mo ngayong pasko. Pagmamahal sa magulang, sa
kaibigan, o kahit one-sided love pa yan sa crush mong mas malamig pa sa simoy
ng hangin. Give love on Christmas Day, ika nga nila.
Pakatatandaan niyo lang na ang pinakaimportanteng bagay
sa pagbibigay ng regalo ay ang pagiging bukal nito sa iyong kalooban. Kahit pa
simple ang regalo, basta galing sa puso, tiyak na matutuwa ang pagbibigyan mo
nito. / nina Macky Barrientos at Zita Pedragosa
0 comments: