DiMaAninag,

WiFi sa Complab, tinanggal na

3/06/2015 08:32:00 PM Media Center 0 Comments

Pinutol na ang koneksyon ng WiFi sa computer lab noong nakaraang linggo.

Nadiskubre na maraming estudyante ang nakikigamit sa WiFi ng computer lab. Marami ang nagsasabing ginagamit ito ng mga estudyante para makapagtweet ng galit nila sa mga teacher, makapagsearch ng homework nila sa iba’t ibang subject at lalong-lalo na ang makapagCOC.

“Sayang! Natalo tuloy kami sa Clan War!” ang sabi ni Daniel Viliran.

“Napagalitan tuloy ako ni Ma’am! Wala akong homework!” sabi pa ni Kim Gamboa.

Maramiing estudyante ang nadismaya at nalungkot sa pagkaalis ng WiFi. Ayon naman sa isang guro na itatago natin na pangalang ‘Barney’, ito ang dapat gawin upang hindi samantalahin ang WiFi sa ating paaralan.

Sa susunod naman na may mahuling gumamit o maghack sa WiFi ng paaralan. Sususpendihin na raw ang nasabing estudyante. / ni Quiela Salazar

You Might Also Like

0 comments: