camille l,

Feature: JAMAnia

3/06/2015 09:01:00 PM Media Center 0 Comments



Hindi si Nash Aguas, hindi rin si Enrique Gil, malayo kay James Reid, lalong-lalo na kay Daniel Padilla. Hindi siya kaano-ano ni Lorna Tolentino, siya lang naman ang nag-iisang Jama Tolentino.

Si Jan Matthew Tolentino, mas kilala bilang Jama, ay isang isang lateral student mula sa De La Salle Araneta. Siya ay nakatira ngayon sa Malabon kasama ang kaniyang mga magulang. Mahilig siyang sumayaw, mag-basketball, kumanta, umarte, at magpacute sa mga chickas.

At bilang patikim kung gaano na siya kasikat, kami ay nagsagawa ng interview/ get together ng kaniyang mga loyalista o mas kilala bilang JAMAnatics.


At dahil ayaw nilang ipaalam ang kanilang mga tunay na identity, itinago namin sila sa iba’t ibang code name.


Q1: May crush/ naggwapuhan ka ba kay Jama?

Sa pitong ininterbyu namin, dalawa lang sa kanila (Pink at Stargazer) ang aminadong deboto ni Jama. Noong magka-typhoid fever siya, todo sa pag-aalala ang dalawa. Tinanong nila kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya at kung kailan siya makakapasok ulit. Kulang na lang ay mag-alay sila ng special offering sa misa, magtirik ng kandila, mag-alay ng bulaklak sa paanan ng santo, magdasal ng rosaryo, o lumalakd ng paluhod papasok ng Quiapo para lang gumaling si Jama.

Lima naman sa kanila ang umaming nagagwapuhan lang dahil, wala, gwapo at napanindigan lang niya talaga ito.

Q2: BAKIT?

Kahit sa Facebook chat ay dama namin ang feels ni Pink. “ Cute, pogi, charming, mabait, cheerful!!!! Basta ang gwapo niya po with his braces.”

Karamihan sa mga na-interview ay natameme sa lakas ng appeal ni Jama. Isama na rin dito ang pagiging presentable, hygienic at gentleman niyang tignan.

Pero ang pinakanagulantang kaming sagot ay ang sinabi ni Bubbles with matching shy-type-pero-alam-mong-gusto na boses at may kaunting pamumula ng pisngi, “Nagto-topless po siya tuwing core workout namin.”

Q3: Kailan pa kayo nagka-crush/nagwapuhan sa kanya?

One word: CAMPOREE.

Kung saan siya ang pinakapatok sa mga scouts. Tipong lalapit sila sa cadets at makikisuyo ng “Ate, busy po ba si Kuya Jama? PLS... PLS… ATE GUSTO KO PO SIYANG MAKASAYAW.” Kumbaga sa isang night club, siya ang gustong maka-table ng lahat. Ang iba’y tinandaan pa kung anong kanta ang pinapatugtog noon habang isinasayaw sila ni Jama, at kasabay nito ang pagkahumaling nila rito maging ang kaunting “throwback” noong socials. Ano ba kasi yung meron siya, bakit siya lang yung gustong isayaw? Yan tuloy, laspag na laspag si Jama hanggang matapos ang socials.

Q4: Anong meron kay Jama na wala sa iba?

Dito sa portion na ito mababasa ang “little things” na napansin nila kay Jama.

“HIS VOICE, HIS CHARMING FACE, YUNG SHAPE NG KILAY NIYA SOBRANG GANDA, MUKHANG LAGING MABANGO AT TALENTED.”

Ngunit para kay Kwek-Kwek Lover, ito ang nasabi niya, “Sa lahat po ng gwapong nakilala ko, siya lang po ‘yung maliit. Kasi gusto ko po talaga ‘yung matangkad, kaso siya po ay maliit. Pero ayos lang, gwapo pa rin.”

Hindi naman nagpahuli si Blossom at ito ang napansin niya, “Yung Roshe niya po na fuschia.”

Napansin niyo rin ba ang mga ito sa kanya?

Q5: Describe Jama in 1 word

“HOTTIE”
“PAPI”
“PHENOMENAL”
“INDESCRIBABLE”
“WILD”
“INTELLIGENT”
“MEDYO PERFECT”

Q6: Anong nararamdaman n’yo dahil gagraduate na si Jama?

Karamihan sa kanila’y nagtanong muna ng “Ate, sa UP pa rin naman po mag-aaral si Kuya Jama, di ba?”

“Oo.”

“Ay, ayos lang po pala. Dadalaw pa rin naman ‘yun dito eh. ‘Di niya kami matitiis hehehehehe”
Sabay hagikhik nila.

“Naiiyak ako ate huhu. Syempre po sa totoo lang, malulungkot ako, kami. Wala ng gwapo na pwedeng kasayaw sa socials,” ayon kay Pink.

"Sana nadagdagan din sila (Batch 2015) ng two years at sana po pala pumasok ako ng UP nang mas maaga" ayon kay Stargazer. / ulat nina Camille Lita at Nicole Rabang

You Might Also Like

0 comments: