keio guzman,

Sports: UPIS TnF Team, nagpakitang-gilas sa UAAP Season 81

12/19/2018 07:47:00 PM Media Center 0 Comments



LUNDAG. Walang mintis na hinakbangan ni Megarth Morillo ang hurdles sa 400m hurdles. Photo Credit: Keio Guzman


Muling napakita ng tapang, liksi, at lakas ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa ginanap na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 Juniors Track and Field (TnF) competition noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 2 sa Philippine Sports Arena, Pasig.

Sa UPIS TnF Boys, sina Lans Lubang, Joshua Sales, at Gian Manalo ang sumabak sa 3000m at 5000m walk, habang sina Rafael Calayan, Christian Ferolino at Martin Bayang naman ang lumaban sa mga decathlon events.

Umarangkada naman ang grupo nina Team Captain Reinard Grimaldo kasama sina Aldrich Agad, Louis Roa, at Carlo Atela sa kanilang 100m at 200m event boys. Sina Winter Quiambao, Megarth Morillo, Josh Sabido, at Kevin Beriña naman ang sumalang pagdating sa 800m event boys.

Buong puso namang muling sumabak sina Agad at Morillo kasama sina Kobe Cuerdo at Grimaldo sa 400m event boys. Ang tambalang Quiambao at Sabido naman ang nagpasiklab sa 3000m steeplechase boys. At sila’y sinamahan naman nina Calayan at Beriña para sa 1500m event boys individual.

Buong tapang namang tumakbo sina Agad, Cuerdo, Morillo, at Quiambao para sa 4x400m relay at hindi rin nagpahuli sa pagpapakita ng lakas si Elkan Alfonso pagdating sa hammer throw at shot put kasama sina Gabriel Aparato at Jason Gozales na lumahok sa discus throw 1.75kg.

Sa kabilang banda, sa UPIS TnF Girls, sina Lois Mesano, Ellene Arceo, Sheena Labordo, at Erja Myrell Sicat ang naunang sumalang sa 100m event girls. Sumunod naman ang tambalang Angel Dizon at Chloie Guanzon para sa 200m event girls. At hindi rin nagpahuli si Joanne De Castro sa pagtakbo sa 800m, 1500m, at 3000m run girls.

Taas-noo ring sumabak sina Johanna Neri at Zemirah Aragones sa 2000m at 5000m walk girls division at muling sumalang si Guanzon sa shot put at javelin throw events.

Sina Dizon at Arceo naman ang naging pambato ng UPIS TnF pagdating sa 100m hurdles. Ang grupo nina Dizon, Arceo, Labordo, at Mesano ang lumahok sa 4x400m relay, 400m event at panghuli, ang 4x100m relay kung saan matagumpay nilang naiuwi ang silver medal.

Para naman sa 4x100m mixed relay, matapang na sumalang muli para sa huling pagkakataon sina Ferolino, Calayan, Sicat, at Guanzon.

Nakamit ng girls team ang ikaapat na puwesto sa pangkalahatan habang ikaanim naman ang boys.

Iisa man ang medalyang naiuwi, magiting na lumaban sa ngalan ng paaralan ang UPIS TnF team sa season na ito. Hindi man naitanghal na panalo sa UAAP, siguradong wagi naman sila sa puso ng UPIS community dahil sa ipinakita nilang tapang at puso sa kanilang bawat laro. //nina Yanna Reblando at Keio Guzman



You Might Also Like

0 comments: