geraldine tingco,
Sports: UPIS BVT, tapos na sa UAAP Season 81
PAMILYA.
Abot-tainga ang ngiti ng UPIS BVT kasama ng kanilang mga coach. Photo Credit: Louis Caguiat
|
Isang mainit
na laban ang ipinamalas ng University of the Philippines Integrated School Boys
Volleyball Team (UPIS BVT) sa kanilang huling laro para sa University Athletic
Association of the Philippines (UAAP) Season 81 kontra sa Ateneo de Manila
University (ADMU) BVT noong Nobyembre 25 sa Far Eastern University (FEU)
Diliman Gym.
Unang set
pa lamang ay nagpakitang-gilas na ang dalawang koponan. Naging gitgitan ang
laban sa pagpapaulan ng spikes at blocks ng magkapatid na Ron at Miggy Castro
ng UPIS at pagbabato ng mabigat na opensa nina Alexis Mendoza at Ronald Cordero
ng ADMU. Inangkin ng UPIS ang 1st set, 26-24.
Nang
dahil naman sa sunod-sunod na errors ng Junior Maroons, nabawi ng Blue Eaglets ang
2nd set sa dikit na iskor na 23-25.
Nagliyab
ang Castro brothers sa sumunod na set ngunit hindi nagawang tapatan ang ADMU sa
tambak na iskor na 14-25.
Nagpaulan
sina Maroons Samuel Silvestre, Louis Caguiat, at Derick Urgena ng mga kills at
blocks para pawiin ang nagbabagang apoy ng Eaglets at agawin ang 4th
set, 26-24.
Hanggang
sa final set, gitgitan pa rin ang laban sa pagitan ng dalawang koponan.
Tensyonado ang mga manonood dahil kung magkataon na makuha ng UPIS ang final
set, iyon ang magiging una’t huling panalo nila sa season na ito.
Ngunit
hindi pumabor sa kanila ang huling set. Dahil sa sunod-sunod na errors, ADMU
BVT ang nanaig sa dulo, 13-15, at sila ring nakapag-uwi ng panalo.
“Ang goal
naman namin [ay] mag-improve at ma-execute ‘yung skills [na] nagawa naman
namin. Siguro kinulang lang kami nang kaunti […] sa game namin pero nagawa
namin ‘yung mga dapat naming gawin,” ani ni R. Castro.
Mensahe
naman niya para sa mga susunod na batch, “Siyempre galingan nila next year at
sipag lang nang sipag sa training at saka mag-recruit siguro kasi kailangan namin
ng tao.”
Samantala,
kasabay na nagtapos ng UPIS BVT ang UPIS Girls VT (GVT) noong Sabado ng
linggong iyon, Nobyembre 24. Dumadagundong na spikes ang pinakawalan nina
Alliah Omar at Trixie Badong kontra sa FEU GVT. Pero hindi ito naging sapat
upang pigilan ang pag-arangkada ng kalaban sa pangunguna nina Alexis Miner at
Lyan De Guzman. Bigo ang UPIS sa tatlong set: 22-25, 13-25, 13-25. //nina Geraldine Tingco, Julius Guevarra Jr., at Ronnie Bawa Jr.
_____________________________________
Erratum:
Lubos pong humihingi ng
paumanhin ang mga manunulat at editor sa unang pagkalathala ng artikulong ito
na mali ang mga naitalang iskor. Narito po ang pagwawasto:
Unang Nailathala noong Disyembre 10, 2018 (Mali)
|
Pinal na Lathala ngayong Disyembre 19, 2018 (Tama)
|
|||
UPIS BVT
|
Ateneo BVT
|
UPIS BVT
|
Ateneo BVT
|
|
Set
1
|
25
|
24
|
26
|
24
|
Set
2
|
24
|
25
|
23
|
25
|
Set
3
|
25
|
14
|
14
|
25
|
Set
4
|
24
|
25
|
26
|
24
|
Set
5
|
13
|
15
|
13
|
15
|
0 comments: