alex yangco,

Panayam sa panunuring pampanitikan, idinaos

12/09/2018 08:21:00 PM Media Center 0 Comments


BAGONG KAISIPAN. Ibinahagi ni Dr. Guieb ang kaniyang mga pananaw at karanasan ukol sa panitikan sa Grado 11. Photo Credit: Alex Yangco

Upang mapalalim ang kaalaman sa panunuring pampanitikan, nagsagawa ng panayam sa kilalang manunulat na si Dr. Eli Guieb III ang mga mag-aaral ng Grado 11 sa Silid 111 ng University of the Philippines Integrated School 7-12 Building noong Nobyembre 14.

Inimbitahan ng kanilang mga guro na sina G. Carlo Pineda at Prop. Rowena Naquita si Dr. Guieb para mapagyaman ang kanilang karanasan sa biograpikal na pagtanaw, isang dulog sa panunuring pampanitikan na siyang paksa sa Filipino 11.

Open forum ang pormat ng panayam kung saan malayang nagtanong ang mga mag-aaral tungkol sa buhay ng panauhin bilang awtor at sa kaniyang mga akdang “Kasal” at “Bunso” na kanilang binasa sa klase.

Ayon kay Cedric Creer ng 11- Amado V. Hernandez, “Dahil po sa kaniyang talk, nalaman po namin ang ilang bahagi ng kaniyang buhay na ginamit namin upang suriin ang dalawa sa kaniyang mga akda. Dahil din po dito, nagkaroon po ako ng bagong pananaw kung paano ko titingnan o babasahin ang isang akda.”

Si Dr. Guieb ay nakapagkamit na ng ilang gantimpala sa pagsulat tulad sa prestihiyosong Palanca Awards for Literature. Bukod sa pagiging manunulat, filmmaker din siya at kasalukuyang propesor sa UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla.//nina Marlyn Go at Alex Yangco

You Might Also Like

0 comments: