jasmine esguerra,
Bigo ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) Basketball Team kontra sa National University (NU) Bullpups sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 na ginanap sa Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagle Gym, Katipunan Avenue noong Disyembre 2.
Pinangunahan ni Polo Labao ng Maroons ang laro sa naitalang 20 puntos, 4 rebounds, at 4 assists, at sinundan naman ni Jordi Gomez de Liaño na may 13 puntos at 9 rebounds.
Bagamat hindi pinalad, bigay-todo ang Junior Maroons sa kanilang pagharap sa Bullpups. Sa kalagitnaan ng ikalawang kuwarter ng laban, bumanat sila at nakalamang pa ng isang puntos sa pangunguna nina Labao at Jacob Estrera na walang humpay ang pagpapaulan ng mga tres.
Ngunit malakas ang depensa ng Bullpups, dahilan upang magwagi sa Maroons sa pinal na iskor na 104-54.
Ito na ang ikaapat na laro at talo ng Junior Fighting Maroons para sa unang round ng season. Ang mga nauna nilang nakaharap ay ang Adamson University (AdU) Baby Falcons (78-66) noong Nobyembre 11, ang University of Santo Tomas (UST) Tigercubs (75-63) noong Nobyembre 18, at ang De La Salle Zobel (DLSZ) Junior Archers (55-48) noong Nobyembre 25. //nina Pauline Demeterio at Jasmine Esguerra
Sports: UPIS Junior Maroons, tinambakan ng NU Bullpups
LABAN. Matapang na tumira si Labao ng UPIS laban sa mahigpit na depensa ng NU. Photo Credit: Fatima Wadi |

0 comments: