News Feature,

Feature: Sa Likod ng mga Eksena: Sa Punong ‘To x Ang Korona

12/19/2018 07:55:00 PM Media Center 0 Comments



Bahagya na lamang ang nakikitang sinag ng araw.

Pasado na sa oras ng ensayo at wala nang maibubuga pa ang mga tao dahil sa maghapong pagkahapo. Paos na ang mga boses at nasaid na ang lahat ng mga luha. Wala pang kadahon-dahon ang mga puno, hamak na tubo pa lamang ang espada, payong lamang ang baril, at simpleng plastik na laruan ang hinirang na korona.

Lilipas ang ilang linggo at uulit ang ganitong eksena. Pero unti-unting magkakadahon ang mga puno, magiging tunay ang espada, baril na ang baril, at may kapangyarihan na ang korona.

Hanggang sa isang araw ay nasaksihan na ito ng madla.

Ang produksyong pinamagatang “Sa Punong ‘To” at “Ang Korona” na ipinalabas noong Disyembre 5 at 6 ay proyekto ng klaseng Filipino Drama (FD), isang interest course sa Grado 12. Naglalayon itong ipakita ang kanilang mga kakayahan at natutunan sa isang semestreng workshop ng pag-arte.

Kaiba sa mga nagdaang taon na nagsadula ang mga klase sa FD ng mga nailathala nang dula ng mga manunulat na Pilipino, ang iskrip ngayong taon ay gawa ng mga mismong mag-aaral ng UPIS. Sumulat ng orihinal na dula para sa FD ang mga mag-aaral sa Grado 10 na nasa Social Sciences and Humanities track bilang proyekto sa kanilang cluster course na Malikhaing Pagsulat (MP).

Isinulat ng grupo nina Yel Brusola, Therese Aragon, Jelena Evangelista, Franz Joves, Miggy Castro, Ronnel Fernando, at Gabby Arevalo, ang “Sa Punong ‘To” ay tumatalakay sa iba’t ibang uri ng pag-ibig sa magkakaibang panahon. Nabuo ang produksyong ito sa direksyon nina Wenona Catubig at Roan Ticman. Pinagbidahan ito nina Samuel Silvestre, Max Salvador, Geraldine Tingco, Fred Samonte, Yanna Reblando, at Yumi Dela Torre.

“Nagulat kami sa materyal na ibinigay sa amin dahil hindi namin inakala na mga Grado 10 ang nagsulat nito. Natuwa kami sa 'premise' ng napunta sa aming kuwento, lalo na ang mga actors. Bagaman may ilan kaming mga binagong linya, para lang naman ito maging mas maikli ang buong produksyon dahil mayroon kaming time limit,” ayon sa direktor ng “Sa Punong ‘To” na si Catubig.

Ang “Ang Korona” naman ay akda ng grupo nina Liane Bachini, Eloisa Dufourt, Kathleen Cortez, Alyssa Avila, Christine Caparas, Rochelle Gandeza, at Kyla Francia. Tungkol ito sa apat na pinuno na nais lamang matulungan ang kani-kanilang sektor sa pamamagitan ng pakikipagdiyalogo sa hari at sa reyna. Ngunit dahil sa mga hindi maaasahang kamahalan, umabot sa punto na sila na mismo ang nag-agawan sa kapangyarihan. Nabuo ang produksyon sa direksyon nina Alexandra Arugay at Francis Eloriaga. Pinagbidahan ito nina JN Fajutagana, Marlyn Go, Josh Santos, Alex Yangco, Craig Aquino, at Cheska Estabillo.

“Natuwa ako sa dula na sinulat ng MP dahil nakita ko ang potensyal nila. Hindi man ito perpekto, ipinakita nila ang kakayahan nilang magsulat ng hindi tula o karaniwang kuwento. At kung ito ang unang dula na naisulat nila, mahusay na ito para sa kanilang edad,” sabi naman ng direktor ng “Ang Korona” na si Arugay.

Nasa humigit-kumulang na isang buwan ng klase sa FD ang paghahanda ng lahat mula sa pagkabisado ng iskrip, pag-ensayo ng mga pagbigkas at paggalaw sa entablado, paggawa ng mga props, pati pag-iisip ng ideya para sa disenyo ng mga tiket at kung paano maibebenta ito.

TAGUMPAY. Masayang nagpakuha ng litrato ang mga estudyante ng Filipino Drama 2019 pagkatapos ng kanilang huling pagtatanghal noong ika-6 ng Disyembre. Photo Credit: Nina Dela Torre


“Napakahirap sa aming lahat, lalo na't pare-pareho kaming baguhan. Halos lahat kami ay unang beses magiging parte ng isang dula. Pero hindi namin ito hinayaang maging hadlang. Sa halip ay nagtulung-tulungan kami at naging suporta para sa isa't isa, naisadiwa namin ang esensya ng ‘teamwork’ kumbaga. May mga araw na wala sa focus ang mga actors, nagkukulang sa materials ang props team, nagloloko ang lights sa Audi[torium] o sadyang pagod lang talaga ang lahat dahil sa ibang mga requirements pero kinaya pa rin naming lahat. Sa tingin ko ay dahil hindi lang namin hinarap ang produksyon na ito bilang requirement sa Filipino Drama kundi isang pagkakataon upang maibuga ang aming mga talento at patunayan na kahit kami ay mga hamak na baguhan ay kakayanin namin,” sabi ni Catubig nang tanungin ukol sa paghahandang ginawa nila para sa produksyon.

Dagdag pa ni Arugay, “Sa tingin ko, napadali ang paghahanda para sa dula dahil sa aking mga ka-batch na masipag at magagaling sa kanilang trabaho. Siyempre, mayroong mga stressful na sandali, ito naman ay naging ‘worth it’ sa dulo. Ako ay proud sa nailabas na mga dula ng FD at MP.”

Tinatayang 87 katao ang dumalo noong unang araw at 129 naman noong huling pagpapalabas. Inaasahang hindi ito ang huling beses na magsasama sa isang produksyon ang mga klase ng Filipino Drama at Malikhaing Pagsulat.//ni Rain Grimaldo

0 comments:

jaja esguerra,

Sports: Junior Fighting Maroons comes face-to-face with Baby Tamaraws

12/19/2018 07:52:00 PM Media Center 0 Comments



The University of the Philippines Integrated School (UPIS) Junior Fighting Maroons faced their 6th loss this season against Far Eastern University (FEU) Baby Tamaraws last December 12, 2018 at the Ateneo Blue Eagle Gym.

It was rough for the Junior Maroons at the start of the game. Their opponent had a tight defense which made the Junior Maroons struggle to score. During the 2nd quarter, with the Baby Tamaraws only 8 points ahead, the Junior Maroons tried to catch up. The shots they had were constantly matched by the Baby Tamaraws which made it even more difficult for them to catch up. The game ended with a score of 72 - 102, in favor of the Baby Tamaraws.

Despite the loss, Ray Allen Torres led the Junior Maroons’ game with a total of 23 points, 9 rebounds and 2 assists, followed by Polo Labao with a total of 17 points, 17 rebounds and 1 assist.

“Siguro masasabi ko lang is hindi namin nama-make [‘yung] shots namin and may mental lapses sa defense,” Torres said. “[We should] stay focused and practice hard this coming Thursday and Friday and be ready to get the win. Definitely we need to work hard and kalimutan na ‘yung 1st round, bago[ng] round na so bagong mindset and change [in] our mentality,” he added.

Their last game for the first round of the University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 was against the University of the East Junior Warriors last Saturday, December 15 at the same venue.

Scores
UPIS 72 - Torres 23, Labao 17, Gomez de Liano 12, Tuazon 11, Estrera 3, Vergeire 3, Galotera 3

FEU 102 - Torres 27, Sajonia 14, Abarrientos 14, J. Bautista 8, Alforque 8, Tolentino 6, Sicat 6, Anunuevo 4, Ona 3, Balaga 3, S. Bautista 3, Armendez 2, Bagunu 2, Bradley 2 //by Pauline Demeterio, Jasmine Esguerra & Nico Javier

0 comments:

keio guzman,

Sports: UPIS TnF Team, nagpakitang-gilas sa UAAP Season 81

12/19/2018 07:47:00 PM Media Center 0 Comments



LUNDAG. Walang mintis na hinakbangan ni Megarth Morillo ang hurdles sa 400m hurdles. Photo Credit: Keio Guzman


Muling napakita ng tapang, liksi, at lakas ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa ginanap na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 Juniors Track and Field (TnF) competition noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 2 sa Philippine Sports Arena, Pasig.

Sa UPIS TnF Boys, sina Lans Lubang, Joshua Sales, at Gian Manalo ang sumabak sa 3000m at 5000m walk, habang sina Rafael Calayan, Christian Ferolino at Martin Bayang naman ang lumaban sa mga decathlon events.

Umarangkada naman ang grupo nina Team Captain Reinard Grimaldo kasama sina Aldrich Agad, Louis Roa, at Carlo Atela sa kanilang 100m at 200m event boys. Sina Winter Quiambao, Megarth Morillo, Josh Sabido, at Kevin Beriña naman ang sumalang pagdating sa 800m event boys.

Buong puso namang muling sumabak sina Agad at Morillo kasama sina Kobe Cuerdo at Grimaldo sa 400m event boys. Ang tambalang Quiambao at Sabido naman ang nagpasiklab sa 3000m steeplechase boys. At sila’y sinamahan naman nina Calayan at Beriña para sa 1500m event boys individual.

Buong tapang namang tumakbo sina Agad, Cuerdo, Morillo, at Quiambao para sa 4x400m relay at hindi rin nagpahuli sa pagpapakita ng lakas si Elkan Alfonso pagdating sa hammer throw at shot put kasama sina Gabriel Aparato at Jason Gozales na lumahok sa discus throw 1.75kg.

Sa kabilang banda, sa UPIS TnF Girls, sina Lois Mesano, Ellene Arceo, Sheena Labordo, at Erja Myrell Sicat ang naunang sumalang sa 100m event girls. Sumunod naman ang tambalang Angel Dizon at Chloie Guanzon para sa 200m event girls. At hindi rin nagpahuli si Joanne De Castro sa pagtakbo sa 800m, 1500m, at 3000m run girls.

Taas-noo ring sumabak sina Johanna Neri at Zemirah Aragones sa 2000m at 5000m walk girls division at muling sumalang si Guanzon sa shot put at javelin throw events.

Sina Dizon at Arceo naman ang naging pambato ng UPIS TnF pagdating sa 100m hurdles. Ang grupo nina Dizon, Arceo, Labordo, at Mesano ang lumahok sa 4x400m relay, 400m event at panghuli, ang 4x100m relay kung saan matagumpay nilang naiuwi ang silver medal.

Para naman sa 4x100m mixed relay, matapang na sumalang muli para sa huling pagkakataon sina Ferolino, Calayan, Sicat, at Guanzon.

Nakamit ng girls team ang ikaapat na puwesto sa pangkalahatan habang ikaanim naman ang boys.

Iisa man ang medalyang naiuwi, magiting na lumaban sa ngalan ng paaralan ang UPIS TnF team sa season na ito. Hindi man naitanghal na panalo sa UAAP, siguradong wagi naman sila sa puso ng UPIS community dahil sa ipinakita nilang tapang at puso sa kanilang bawat laro. //nina Yanna Reblando at Keio Guzman



0 comments:

geraldine tingco,

Sports: UPIS BVT, tapos na sa UAAP Season 81

12/19/2018 07:42:00 PM Media Center 0 Comments


PAMILYA. Abot-tainga ang ngiti ng UPIS BVT kasama ng kanilang mga coach. Photo Credit: Louis Caguiat
Isang mainit na laban ang ipinamalas ng University of the Philippines Integrated School Boys Volleyball Team (UPIS BVT) sa kanilang huling laro para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 kontra sa Ateneo de Manila University (ADMU) BVT noong Nobyembre 25 sa Far Eastern University (FEU) Diliman Gym.

Unang set pa lamang ay nagpakitang-gilas na ang dalawang koponan. Naging gitgitan ang laban sa pagpapaulan ng spikes at blocks ng magkapatid na Ron at Miggy Castro ng UPIS at pagbabato ng mabigat na opensa nina Alexis Mendoza at Ronald Cordero ng ADMU. Inangkin ng UPIS ang 1st set, 26-24.

Nang dahil naman sa sunod-sunod na errors ng Junior Maroons, nabawi ng Blue Eaglets ang 2nd set sa dikit na iskor na 23-25.

Nagliyab ang Castro brothers sa sumunod na set ngunit hindi nagawang tapatan ang ADMU sa tambak na iskor na 14-25.

Nagpaulan sina Maroons Samuel Silvestre, Louis Caguiat, at Derick Urgena ng mga kills at blocks para pawiin ang nagbabagang apoy ng Eaglets at agawin ang 4th set, 26-24.

Hanggang sa final set, gitgitan pa rin ang laban sa pagitan ng dalawang koponan. Tensyonado ang mga manonood dahil kung magkataon na makuha ng UPIS ang final set, iyon ang magiging una’t huling panalo nila sa season na ito.

Ngunit hindi pumabor sa kanila ang huling set. Dahil sa sunod-sunod na errors, ADMU BVT ang nanaig sa dulo, 13-15, at sila ring nakapag-uwi ng panalo.

“Ang goal naman namin [ay] mag-improve at ma-execute ‘yung skills [na] nagawa naman namin. Siguro kinulang lang kami nang kaunti […] sa game namin pero nagawa namin ‘yung mga dapat naming gawin,” ani ni R. Castro.

Mensahe naman niya para sa mga susunod na batch, “Siyempre galingan nila next year at sipag lang nang sipag sa training at saka mag-recruit siguro kasi kailangan namin ng tao.”

Samantala, kasabay na nagtapos ng UPIS BVT ang UPIS Girls VT (GVT) noong Sabado ng linggong iyon, Nobyembre 24. Dumadagundong na spikes ang pinakawalan nina Alliah Omar at Trixie Badong kontra sa FEU GVT. Pero hindi ito naging sapat upang pigilan ang pag-arangkada ng kalaban sa pangunguna nina Alexis Miner at Lyan De Guzman. Bigo ang UPIS sa tatlong set: 22-25, 13-25, 13-25. //nina Geraldine Tingco, Julius Guevarra Jr., at Ronnie Bawa Jr. 
_____________________________________

Erratum:

Lubos pong humihingi ng paumanhin ang mga manunulat at editor sa unang pagkalathala ng artikulong ito na mali ang mga naitalang iskor. Narito po ang pagwawasto:


Unang Nailathala noong Disyembre 10, 2018 (Mali)
Pinal na Lathala ngayong Disyembre 19, 2018 (Tama)
UPIS BVT
Ateneo BVT
UPIS BVT
Ateneo BVT
Set 1
25
24
26
24
Set 2
24
25
23
25
Set 3
25
14
14
25
Set 4
24
25
26
24
Set 5
13
15
13
15

0 comments:

josh santos,

Media Center, nakatanggap ng panibagong equipment

12/19/2018 07:37:00 PM Media Center 0 Comments



DATING MAG-AARAL. Magiliw na nagpakuha ng litrato si G. Ativo kasama ang ilang estudyante, guro, at ang prinsipal ng UPIS. Photo Credit: Marco Sulla

Nagbabago na ang mukha ng midya. Kung noon ay umaasa ang mga tao sa nakalimbag na mga balita sa papel, ngayon ay bubuksan na lamang nila ang kani-kanilang mga laptop o cell phone at sa isang haplos at pindot na lamang ng daliri ay makakakalap na sila ng impormasyon.

Ang Media Center (MC), tinatawag noon na Audio-Visual, Print and Broadcast Work Program ng University of the Philippines Integrated School (UPIS), ay dati pa man ding naglilimbag ng mga balita ng paaralan sa kanilang pahayagan na Ang Aninag. Bilang isang school paper, mayroon itong tungkulin na ipaalam sa mga estudyante ang mga kaganapan sa loob at labas ng kanilang mga pader.

Sa pagbabago ng panahon ay nagbago na rin ang MC. Dati ay naglalathala ito ng diyaryo, magasin, at wall news, pero noong 2011 ay naging online na ang paglalabas ng mga artikulo at akda sa Ang Aninag Online (AAO). Mayroon na ring social media accounts ang MC (Facebook, Twitter, YouTube) na nagpapaalam naman sa mga tagasubaybay ng mga lumalabas na materyal sa AAO.

Kasama ng pagbabagong ito ay kinakailangan din ng MC ng mga napapanahong kagamitan.

Kaya’t isang biyaya na naghandog si Ginoong Nonoy Ativo ng UPIS Batch ’86 sa UPIS MC ng camera kalakip ang iba’t ibang paraphernalia sa photography gaya ng high definition lenses at samu’t saring photography books noong Disyembre 18.

Ito ang kaniyang ikalawang pagbalik sa UPIS upang magbigay ng minsan na niyang nagamit na mga libro sa kaniyang propesyon bilang isang photographer.

“…[O]ur students may be able to use it more [...] I think you guys need to be exposed to these things,” pahayag niya nang tanungin sa kaniyang layunin sa pamamahagi. Bukod pa roon, nais niya ring ipahayag na iba pa rin ang pagkatuto sa pagbabasa ng libro. “Nagamit ko talaga sila although may internet na noon, [at saka] sa libro kasi may samples ka na.”

Inaasahan niya na magpakadalubhasa ang lahat ng estudyante sa iba’t ibang anyo ng midya, mapainternet man o tradisyonal na mga libro. “My expectations from you guys is to really immerse yourself in all the media that you are encountering, especially social media. Understand the issues involved. Kasi when you get to college and you start working, you will realize that communication […] is the backbone of a lot of industries.” Dagdag pa niya, “How you communicate, what you communicate, how you stand on issues, your sensitivities, all these things come into play. So siguro magandang [i-practice] niyo na ‘yan habang nandito kayo [sa UPIS]. Itaas ninyo ‘yung quality, ‘yung bar, para maging world class ‘yung outputs [ninyo]. ”

PANAYAM. Magiliw na sinasagot ni G. Ativo ang mga tanong sa kaniya ng staff ng Media Center. Photo Credit: Marco Sulla


Dating miyembro ng Media Center si G. Ativo na noo’y tinatawag pa nilang AV Print. “I used to submit articles, so hanap kami ng news sa campus, but […] my biggest project back then was the Sulyap ‘86,” kaniyang pahayag. Nagsusulat siya noon para sa Aninag, na dati ay wall news.




Bukod sa mga gamit, nagbahagi rin si G. Ativo ng ilang aral na natutunan niya sa pagiging mag-aaral at miyembro ng school paper staff na nadala niya hanggang sa pagtanda. Ilan dito ang pagpapasa sa takdang oras, pagiging dalubhasa kapwa sa wikang Filipino at Ingles, at ang pagiging organisado.

“Meet your deadlines. Ngayon wala kayong ligtas kasi may Viber group na kayo [...] Pero noong araw, old school, pagagalitan kami, as in sermon.  Kunwari late sa deadline, ang sasabihin, ‘O, ano na namang rason mo ngayon?’” kuwento niya sa kaniyang karanasan noong siya ay nagsusulat pa lamang sa Aninag. “And in a way, dati bad trip, pero now, when I look back, na-appreciate ko. [...] The fact that they were so upset means that they were very passionate about how we do it. [...] Naniniwala ako sa old school, meet your deadlines. Dala-dala ko ‘yan hanggang ngayon.”

Isang malaking bagay ang pagbabahagi ni G. Ativo ng mga equipment sa MC. Bukod sa mas maraming magagamit ang mga mag-aaral ay mas maganda na rin ang kalidad ng mga materyal na kanilang ilalabas. Dagdag pa rito ay ang kaniyang mga paalala at aral para sa mga kasalukuyang estudyante ng UPIS.

“Ang taas ng tingin ng mga tao sa mga galing sa UPIS [...] kaya pagbutihin ninyo, dahil dala-dala niyo ‘yan [hanggang sa paglaki],” pabaon ni Sir Ativo matapos ang panayam. //nina Wenona Catubig at Josh Santos

0 comments:

news,

Instrumental Music class performs in recital

12/19/2018 07:33:00 PM Media Center 0 Comments


THE GREATEST SHOW. Instrumental Music students beam with their instruments in hand as they pose after their recital. Photo Credit: Max Salvador

This year’s Instrumental Music (IM) class for the first semester held their recital last December 11, Tuesday, at the UPIS Auditorium.

Led by Prof. Shiela Jay Pineda, 29 students performed a few pieces for their class ensemble, as well as their chosen compositions. The students had the option of performing individually, as a group, or with accompanists.

For their chosen pieces, they were allowed to choose one classical and one modern piece to perform. Some played with a viola, ukulele, beatbox, bass guitar and/or keyboard while others opted to sing while playing their instrument.

The class prepared for the recital since the start of the first semester. During the 2nd quarter, the students started to work on their chosen songs while they continued learning a few more pieces for their class performance.

One of the goals of the recital was to showcase the students’ talents and hard work in learning how to play an instrument, particularly the guitar. Also, the recital aims to provide an opportunity for a communal learning experience by making music with and for others, and to increase the appreciation and enjoyment of music.

Despite challenges during the preparation, such as conflicting class schedules and cancellations due to unpredictable weather, Prof. Pineda shared her best experience about the recital. “Seeing the students put their hearts into learning and witnessing them play one piece at a time, especially those who did not know how to play the guitar or read notes when they signed up for this course,” she said.

“Ang pinakaimportanteng natutunan ko ay ang kahalagahan ng practice dahil malaki ang deperensya kapag meron at wala. [Bagaman] nakulangan ako ng oras para magpractice outside IM, ginagawa ko, bago mag-IM ako nagpapractice. Napakasaya ng recital, kahit kinabahan, na-enjoy ko pa rin ang buong experience,” Alex Yangco shared about his experience during class and the recital itself.//by Nicole Desierto & Roan Ticman

0 comments:

geraldine tingco,

UPIS Batch ‘24, nagsagawa ng Temple Tour

12/19/2018 07:28:00 PM Media Center 0 Comments



DAMBANA. Tiningala ng mga estudyante ang mga estatwa sa Seng Guan Temple. Photo Credit: Zaeda Wadi
Nagdaos ng lakbay-aral ang mga mag-aaral sa Grado 7 ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa iba’t ibang templo sa Metro Manila noong Nobyembre 24.

Bahagi ito ng proyekto sa Araling Panlipunan 7 na pumapaksa sa Asya na layong mamulat ang mga estudyante sa iba’t ibang relihiyon na umusbong sa kontinente, mapaghambing ang mga ito, at masuri ang impluwensiya ng iba’t ibang paniniwala sa kasalukuyang lipunang Asyano.

Una nilang binisita ang Seng Guan Temple sa Maynila kung saan nagbahagi sa kanila ng kaalaman ang isang guro ukol sa mga diyos ng Buddhism at ang kahalagahan ng bilang ng insenso tuwing sila ay sumasamba.

Sunod nilang dinalaw ang Sheng Lian Temple sa Quezon City kung saan itinuro ng isang guro ang paraan ng pagsamba at mga paniniwala sa relihiyong Taoism.

Pangatlo nilang tinungo ang Hindu Temple sa Maynila kung saan sila ay nilibot ng isang tour guide sa lugar at ipinaliwanag sa kanila ang relihiyong Hinduism.

Pinuntahan din nila ang Indian Sikh Temple sa Marikina at ipinaliwanag sa kanila ng isang Guru ang relihiyong Sikhism, ang kasaysayan nito, at ang kanilang mga gawain partikular na ang paraan nila ng pagsamba at pang-araw-araw na buhay. Pinatuloy sila sa Langar o isang pangkomunidad na kusina at hinainan ng mga pagkaing mula sa relihiyon tulad ng roti.

Ayon kay Itos Diaz ng 7-Neptune, ang natutunan niya sa lakbay-aral ay “[r]espeto. Dahil iba’t iba [ang mga] tao na naniniwala sa iba’t ibang bagay, dapat iyon ay [igalang].”

Nang tanungin naman tungkol sa pagiging mulat sa iba’t ibang relihiyon, sinabi ni Raymond Tingco ng 7-Venus na “Mahalaga [ito] upang maintindihan natin ang iba’t ibang tao na napapaloob sa relihiyong iyon at upang sa oras na makasama natin sila, hindi natin sila mao-offend.” 

Pupuntahan din dapat ng mga estudyante at guro ang Binondo Area (Binondo Church, Plaza Calderon dela Barca, at Kalye Ongpin) ngunit dahil sa kakulangan ng oras ay hindi na sila natuloy.  //ni Geraldine Tingco

0 comments:

bea jacinto,

UP JFA holds seminar series

12/10/2018 07:20:00 PM Media Center 0 Comments



The UP Junior Finance Association (UP JFA) conducted the seminar series, “Project Sukli: Change for Change” for Grades 9-11 students of University of the Philippines Integrated School (UPIS) from September 17 to November 29.

YOUNG ENTREPRENEURS. Students pose for a photo after the talk. Photo credit: Robert Ambat

A seminar for students who show passion in the field of business and finances, the aim of Project Sukli is to bring financial literacy to public schools proving that not only the well-educated and rich people get to talk about this topic. The organization also chose UPIS for its demographic because it has students from different social classes.

Having an interactive type of discussion, the seminar had four main topics namely Personal Finance, Entrepreneurship, Economics, and Investing.

In every week of the project, there were speakers from the field of finance who came to share their knowledge about financial literacy such as Benjie Sandoval, Assistant Professor at UP Diliman; Adrian Castro, Teaching Fellow at UP Diliman; and Zachari Fonacier, Director of JFund at UP JFA.

“Yung gusto namin not necessarily na mag-do well in the sense na maraming mag-attend. Yung do well for us is really, at the end of the program, we want them to know more about [financial literacy]. Really, to feel more confident about themselves with regards to finance kasi yun yung big problem na [napansin] namin especially with the kids. Even with educated students [they say], ‘finance yan baka mahirap baka masyadong complicated.’ We want to take that away [dahil] no matter anong gusto mong gawin sa buhay importante pa rin ang finance,” said Joseph Busto, director for Project Sukli.

“[Project Sukli] was really interesting since maraming iba't ibang fields and topics na pinag-usapan. Some sessions really taught me how I can start investing or engaging in the stock market as a student, and how different financial products work,” shared 10th grader Robert Ambat.

At the end of this project, the students who attended the seminar had a culminating activity at the UPIS Ramp Area, which aimed to integrate and use everything they learned from it. “Naapply po namin ang mga natutunan namin mula sa bawat session ng Project Sukli sa project,” said Magan Basilio, a Grade 10 student.

After UPIS, the organization plans to conduct the same seminar series for other public schools.//by Nica Desierto, Nico Javier and Bea Jacinto

0 comments:

alex yangco,

UPIS competes in Robotics Competition

12/10/2018 07:16:00 PM Media Center 0 Comments



Seventh grader Angel Ken Young competed in the Intelligent Machines Contest last October 24-26 at the Tagaytay International Convention Center.

Young participated in four categories in the competition. He was declared as Champion in the Innovative Robot Category and bagged the 2nd Runner-up in the Mission Rescue (Autonomous and Remote Controlled) Junior Division and Search and Rescue (Autonomous and Remote Controlled) Junior Division. He also placed 1st Runner-up in the Battle Ball Z open category.

“The competition was fun and [it] was a great opportunity to bond with others and make new friends especially when something breaks and you need to ask someone else for help,” shared Young.

This is not the first robotics competition Young participated in for he has competed in several others such as the World Robot Games in 2016 and 2017.//by Francis Eloriaga and Alex Yangco

0 comments:

josh santos,

Grade 11 students win 2nd place in Greenviro

12/10/2018 07:11:00 PM Media Center 0 Comments


PRIDE. UPIS representatives proudly pose with their certificates after placing 2nd in the Greenviro Quiz Bee. Photo Credit: Environmental Management Bureau- DENR Central Office

Rizza Mae Cabrera and Simon Valenzuela, both from the Grade 11 Applied Sciences track placed 2nd in the Greenviro Quiz Bee last November 16 at the Environmental Management Bureau - Air Quality Management Training Center (EMB-AQMTC) Conference, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Compound, Quezon City.

The competition consisted of two categories: Category A for Senior High School and Category B for College. This is the first time that UPIS joined this quiz bee.

"Sobrang nakakakaba po yung competition pero sobrang nakaka-excite din lalo na dahil iba po yung competition na ito [kumpara] sa iba pang [competition] na nasalihan namin. Personally, sobrang nagustuhan ko po yung topic ng quiz bee dahil tungkol siya sa environment," Cabrera shared on her experience in the competition.

The EMB organized the event to promote awareness on the current state of the country’s natural resources and the scientific processes and technology used by different agencies.

Cabrera and Valenzuela were awarded certificates, a plaque, and cash prize of Php15,000.//by Nica Desierto and Josh Santos

0 comments:

geraldine tingco,

iAcademy holds seminar for 12th graders

12/10/2018 07:06:00 PM Media Center 0 Comments


QUEST. iAcademy representatives in search for the next game changers pose for a picture. Photo Credit: Josh Santos

iAcademy conducted an informational seminar for Grade 12 students of University of the Philippines Integrated School (UPIS) last November 15 at the UPIS AV Room.

They are in search for “rock stars” or exceptional students who have what it takes to become future game changers in the field of business, design, psychology and computing, especially in software engineering.

Ms. Coco Canamo, Admissions Officer, discussed the courses offered at their school and their facilities. She also showed a video featuring their school events.

On the other hand, Mr. AJ Tapia, Senior Manager for Student Affairs, introduced the school’s educational grants, such as the Vanessa L. Tanco (VLT) Scholarship to those who are creative, competitive, and passionate about technology. This scholarship covers the full amount of tuition, miscellaneous, and laboratory fees, with added allowance for books, food, and transportation.
“Our priority for the VLT scholarship program is software engineering but if you think that you are a Rockstar in your field and it is something that you can prove to us, I recommend [that you] send in your [application],” said Tapia.

The test for the VLT Scholarship will be held on January 18, 2019.//by Josh Santos and Geraldine Tingco

0 comments:

alex yangco,

K-2 participates in Field Trip

12/10/2018 07:00:00 PM Media Center 0 Comments


MAGTANIM AY ‘DI BIRO. Grade 2 students actively participate in the rice planting activity during their field trip. Photo credit: Maria Ysrael Blas & Tina Roisin Linsangan 

Kindergarten and Grades 1 and 2 students from University of the Philippines Integrated School (UPIS) went on a field trip to various locations last October 17.

The trip consisted of locations varying per grade level. Kindergarten students tried pizza making at Shakey's and also learned new facts and trivias at the Museo Pambata. On the other hand, first graders went to the Gardenia Factory and the Sta. Elena Fun Farm in Laguna, while Grade 2 students visited the Daily Bread Organic Farm in Bulacan.

“Ang field trip namin ay sa Daily Bread Organic Farm. Saktong-sakto siya doon sa topics namin for this quarter which is plants and then doon sa previous quarter which is animals. Natuwa naman yung mga bata, marami sila na-experience, [...] natuwa naman sila kasi bawat isa sa kanila naramdaman yung pagpapakain at nakita nila lahat ‘yong iba’t ibang hayop. [...] Overall, it was a great experience for them,” said Maria Ysrael Blas, a Grade 2 teacher.

Some students also shared their favorite experiences during the trip. “‘Yong pumunta po kami sa Museong Pambata at saka sa Fort Santiago po may nakita kaming mga bibe. [...] Sa Museong Pambata po may natutunan kami na mga kakaiba,” said kindergartener Aninaw Velasco.

“‘Yong nag zipline po kami [...] sa Sta. Elena Farm. May [partner] ako [tapos] nag-zipline kami tapos nahilo po ako pagbaba ng zipline,” explained first grader Queli Tapel.

“Animalandia [...] we fed animals, we looked for worms in the dirt. [My favorite part was] swimming,” exclaimed second grader Ceana Raquel.//by Nica Desierto and Alex Yangco

0 comments:

jasmine esguerra,

Sports: UPIS Junior Maroons, tinambakan ng NU Bullpups

12/09/2018 08:28:00 PM Media Center 0 Comments


LABAN. Matapang na tumira si Labao ng UPIS laban sa mahigpit na depensa ng NU. Photo Credit: Fatima Wadi
Bigo ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) Basketball Team kontra sa National University (NU) Bullpups sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 na ginanap sa Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagle Gym, Katipunan Avenue noong Disyembre 2.

Pinangunahan ni Polo Labao ng Maroons ang laro sa naitalang 20 puntos, 4 rebounds, at 4 assists, at sinundan naman ni Jordi Gomez de Liaño na may 13 puntos at 9 rebounds.

Bagamat hindi pinalad, bigay-todo ang Junior Maroons sa kanilang pagharap sa Bullpups. Sa kalagitnaan ng ikalawang kuwarter ng laban, bumanat sila at nakalamang pa ng isang puntos sa pangunguna nina Labao at Jacob Estrera na walang humpay ang pagpapaulan ng mga tres.

Ngunit malakas ang depensa ng Bullpups, dahilan upang magwagi sa Maroons sa pinal na iskor na 104-54.

Ito na ang ikaapat na laro at talo ng Junior Fighting Maroons para sa unang round ng season. Ang mga nauna nilang nakaharap ay ang Adamson University (AdU) Baby Falcons (78-66) noong Nobyembre 11, ang University of Santo Tomas (UST) Tigercubs (75-63) noong Nobyembre 18, at ang De La Salle Zobel (DLSZ) Junior Archers (55-48) noong Nobyembre 25. //nina Pauline Demeterio at Jasmine Esguerra

0 comments:

alex yangco,

Panayam sa panunuring pampanitikan, idinaos

12/09/2018 08:21:00 PM Media Center 0 Comments


BAGONG KAISIPAN. Ibinahagi ni Dr. Guieb ang kaniyang mga pananaw at karanasan ukol sa panitikan sa Grado 11. Photo Credit: Alex Yangco

Upang mapalalim ang kaalaman sa panunuring pampanitikan, nagsagawa ng panayam sa kilalang manunulat na si Dr. Eli Guieb III ang mga mag-aaral ng Grado 11 sa Silid 111 ng University of the Philippines Integrated School 7-12 Building noong Nobyembre 14.

Inimbitahan ng kanilang mga guro na sina G. Carlo Pineda at Prop. Rowena Naquita si Dr. Guieb para mapagyaman ang kanilang karanasan sa biograpikal na pagtanaw, isang dulog sa panunuring pampanitikan na siyang paksa sa Filipino 11.

Open forum ang pormat ng panayam kung saan malayang nagtanong ang mga mag-aaral tungkol sa buhay ng panauhin bilang awtor at sa kaniyang mga akdang “Kasal” at “Bunso” na kanilang binasa sa klase.

Ayon kay Cedric Creer ng 11- Amado V. Hernandez, “Dahil po sa kaniyang talk, nalaman po namin ang ilang bahagi ng kaniyang buhay na ginamit namin upang suriin ang dalawa sa kaniyang mga akda. Dahil din po dito, nagkaroon po ako ng bagong pananaw kung paano ko titingnan o babasahin ang isang akda.”

Si Dr. Guieb ay nakapagkamit na ng ilang gantimpala sa pagsulat tulad sa prestihiyosong Palanca Awards for Literature. Bukod sa pagiging manunulat, filmmaker din siya at kasalukuyang propesor sa UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla.//nina Marlyn Go at Alex Yangco

0 comments:

geraldine tingco,

Alumni play against UPIS

12/09/2018 08:16:00 PM Media Center 0 Comments



The first-ever basketball and volleyball exhibition game of University of the Philippines Integrated School (UPIS) faculty, staff, and students against some alumni of the school was held last November 14 and 16.

This was part of the Health and PE Days 2018: Health, Fitness, and Wellness Fair. According to Prof. Grace Sumayo, the matches were organized to promote friendship and to show that it is good to come back to their alma mater because it will always be their family.

“Importante siya kasi nabi-build 'yung camaraderie sa pagitan ng teachers, sa lahat ng stakeholder ng UPIS: alumni, faculty, staff, students,” addded Mrs. Marvie Manalo, a faculty and alumna of UPIS.

REMINISCENCE. UPIS Basketball team alumni smile with Prof. Paul Mabaquiao. Photo Credit: Geraldine Tingco

The UPIS alumni dominated the basketball match as they finished with a score of 93-57. In the span of 4 quarters, UPIS constituents took turns in playing with their opponents.

ALTOGETHER. UPIS alumni, students, and faculty gather for a group picture after the event. Photo Credit: Geraldine Tingco
On the other hand, an intense volleyball game was witnessed. On the first 2 sets, the alumni led the game with 25-21 and 25-20. But during the third and fourth set, the UPIS community bounced back as they scored 16-25 and 21-25. However, the alumni made sure to reclaim the win in the fifth set, with 25-15.

“'Yung pagbalik-balik ng alumni kailangan iyon ng lahat ng schools, especially sa sports program […] Tapos, another thing, siyempre support din sa mga current athletes natin. Refreshing na makakita ng people going back tapos 'ayun nakikihalubilo pa rin sa players,” shared Vincent Rafael Dario of UPIS Batch 2004.

“Alam naman natin [ang] situation natin pero actually, compared sa time namin before, suwerte na sila ngayon kaya, kahit ano man dumating sa kanila, always be grateful sa support na nabibigay sa kanila, be grateful sa coaches, be grateful sa teammates, be grateful sa opportunity na makalaro,” Dario advised to his juniors.

“Parang bumabalik ka 10 years ago, ang saya, may drummers, parang high school ulit,” said Dana Daguman of UPIS Batch 2012. “Sa mga juniors namin, tuloy niyo lang ‘yan. Ang gagaling niyo! Kapag naging alumni kayo, huwag kayong kakalimot,” she added as a message to the juniors.

“Sa Juniors, good luck. Sana mag final four sila. 'Yung hindi namin nakuhang final four sana sila makakuha no'n,” said Benz Nacpil of UPIS Batch 2014.//by Nicole Desierto and Geraldine Tingco

0 comments:

MC2021,

Buhayin ang mga pahina

12/06/2018 08:00:00 PM Media Center 0 Comments





Pumunta rito para mag-order ng sariling kopya: https://tinyurl.com/2021Haraya

0 comments:

MC2021,

Huntahan

12/03/2018 08:00:00 PM Media Center 0 Comments




Pumunta rito para mag-order ng sariling kopya: https://tinyurl.com/2021Haraya

0 comments: