cannot be reached,

Literary: Cannot Be Reached (Chapter 1)

7/11/2014 08:00:00 PM Media Center 6 Comments

Ang Cannot Be Reached ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.




-----



Haay! Sa wakas! Lunch na rin! Pagka-dismiss na pagka-dismiss, nagmamadali akong pumunta ng canteen. Kasama ko si Vincent, ang teammate na kaklase ko rin. Mukha siyang bagong gising.

“Hoy gumising ka na nga! Bilisan natin, nagugutom na’ko,” naiinis kong sinabi.

Pero di ko naman siya masisi kasi sa totoo lang napaka-boring talaga ni Mr. Santiago mag-lecture.

“Baka ako lang ang nakatulog. Ikaw nga nananaginip pa!” sagot niya sa akin.

“Sige sino ba namang di makakatulog? Ang hirap kaya ng English! Ikaw ba naintindihan mo ba yung gramming lesson?”

“Gramming? Baka grammar!” tumatawang sabi ni Vincent.

“Grammar ba yun? Yung tutukuyin mo kung ano ang mga mali tapos itatama. Pati alam n’yo yung aalamin yung meaning ng bawat salita?”

“Grammar kaya! Hahahaha!”

“Ah. Eh kasi sobrang nakaka-nose blood,” sagot ko.

Tumawa ulit siya nang malakas. “Kevin bilisan na natin. Nagugutom ako sa kaka-correct sa ‘yo!”

Naabutan namin ang teammates naming sina Jake at Jason na kumakain sa canteen. Puro Nova at Piattos ang nasa table.

“Oy Jason cutting ka na naman,” sabi ni Vincent.

“Di ah. Nagpacheck-up ako,” sagot niya.

“Ano naman to?” sabi ko, sabay tabig sa chichirya. “Tsk, kaya hindi kayo nagkaka-abs ehh... tulad ko. Tingnan niyo abs ko!” Tinaas ko ang polo ko at sinabing, “Tamang exercise lang yan!”

“Oo nga,” sabi ni Vincent.

“Oo ka ng oo. E ikaw nga Vincent athlete ka pa man din. Ang taba naman ng tiyan mo. Basketball player ka ba talaga? Mahiya ka naman!” pangangantiyaw ko kay Vincent.

“Badtrip ka na naman siguro. Kaya kami na naman ang napag-iinitan mo,” sabat ni Jason.

“Tol, nakakainis! Sobrang nakakabagot kasi ‘tong araw na to.” Napatingin ako sa mala-gubat na Quad at nakita kong naglalakad palapit sa amin si Nicole, ang feelingerang beauty queen na girlfriend ni Jake.

“Oh, Jake, ayan na syota mong warfreak!” sabi ni Vincent. Sinundan namin ng tingin si Nicole pero hindi siya lumapit sa amin. Bumili lang siya ng pagkain at umalis agad nang di man lang tiningnan o pinansin si Jake.

“Ooooohhhhh…” sabay-sabay naming kantyaw kay Jake nang makalayo si Nicole.

“Away na naman!” sabi ni Jason.

“Nako ‘tol, pa’no kayo magtatagal niyan?” sabi ko.

“Bawas-bawas naman kasi ng tingin sa iba, brad,” sabat ni Vincent.

Tumawa lang si Jake nang malakas. “Baka naman! Guys, guys, pigil-pigilan n’yo ko. May itsura yun oh… kaya lang chubby!” tukoy niya sa isa sa mga babaeng papunta ng PA room.

“Wag pedo, pre! Cute yan ngayon kasi Grade 7 pa lang siya,” sabi ni Jason.

“Lahat naman sa ‘yo maganda,” sabi ko kay Jake. “Magbago ka na! May syota ka na!”

“Ang hina mo kasi! Torpe ka pa,” sagot niya sakin.

“Kesa naman lahat ng may crush sa’kin patulan ko!”

Medyo may pagka-hater din kasi ako pagdating sa mga babae. Sabihin na nating lahat ng babae maganda pero alam mo yun? Di naman kailangang magpa-cute. Hindi talaga nakukuha ng arte ang atensyon ko. Kahit may gusto ka pa sakin. “Di naman ako…”

Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil: “UYYYYYYYYYYYYYYY…. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

Medyo tanga lang! Nadulas si Jia habang bumibili ng siomai with rice. Hahahaha. Mas pinili pang makita ang alam mo na… kaysa matapunan ng toyo sa polo. Haha! Grabe yun! Kung ako ‘yun magpapapalit na ako ng pangalan!

Mabilis siyang tumayo at tiningnan kami isa-isa nang matalim at masama. Sa barkada namin, ako na ata ang pinakamalakas na tumawa kaya ako ang pinakamatagal tiningnan. Kaya eto, ako ang pinagtitripan nila.

“Yun naman!” kantyaw ni Jason.

“Brad pwede na yun. Cute naman,” sabi ni Jake.

What the hell?!

Sino? Si Jia?! Si Jia Abigail Santos? Baka! Iyan na ata ang pinaka-korning joke na narinig ko. Sa panahon ngayon, aso na lang ata ang cute. Ang liit liit lang nun, magmumukha akong ama pag kasama ko siya ehh... Ay hindi pala! Kasi mukha siyang manang. Tsaka may pagka-hater ako pagdating sa mga babae tapos papatol agad ako? Haha!

“Alam niyo bilang pogi, may standards akong sinusunod. Sige sa inyo na lang yan,” mayabang kong sagot. “Hindi ako papatol sa lampang tulad niya.”

“Woooaahh... sige… oo na lang brad,” sabi ni Vincent.

“De,” kontra ni Jake. “Pustahan na lang tayo. Ano, game ka? ‘Pag ikaw nahulog diyan… haha! Talo ka!”

“Wag n’yo na ipilit!” sabi ko. “Ano ba yan! Ang hirap maging gwapo… lahat na ililink sa’yo. Kahit panget ehh…”

Sa katunayan hindi naman siya panget pero ang pangit nung impression ko sa kanya.

“Ohhh… sige. Sabi mo ehh. Alam mong may pagka-eksperto din ako sa pagtingin kung okay kayo o hindi. Haha! Kilala mo naman ako diba? Pare-pareho lang tayong matitinik sa chicks ehh,” pahabol ni Jake.

Napipikon na ako.

“Tama na guys! Change topic. For one and for all, hindi ako magkakagusto kay Jia okay? Mangarap siya! Sa hot kong to ehh… Haha!”

“Baka once brad. Tindi talaga ng English mo! Hahahaha!” sabi ni Jason.

“Oo nga pala. Sorry naman!”

“Tara na male-late na tayo,” yaya ni Vincent.

“Tara.” Tumayo na ko at kinuha ang gamit ko. “Tol, bili kang chibog natin para sa Filipino,” pahabol ko kay Jason.

Nagsimula na ang klase pagdating namin ni Vincent sa room.

“Magandang hapon Ma’am Lopez!” bati namin. “Sorry po late.”

Limang minuto pa lang yata akong nakaupo pero di ko na matiis ang init! Nilipat na naman nina Jason yung stand fan. Napakamakasarili talaga. Tekaaaa... habang nagsusulat si Ma’am sa board, tumayo ako at tumabi sa kanya.

“Oy Jason! Yung sukli ko? Kala mo ahh…”

“Oo teka lang… ito na ohh,” sabi ni Jason, sabay abot sa’kin ng bente pesos.

“Uyyy... may nakasulat sa pera!” sabi ko sa kanya. “090673*****... Kanino kayang number ‘to?”

“Ewan. Itext mo.”

“Ayoko. Sayang load.”

Binulsa ko na ang bente at sinubukang makinig kay Ma’am Lopez.

Waaah! Bakit pa kasi inaaral ang Filipino? Pinoy naman ako, alam ko na ‘yan. Basta pag tunog tama, tama yan!

Haaaayyyy... Ang boring talaga! Naisip ko na naman tuloy na bitin yung nilunch ko. Bad trip. Ewan ko lang ahh… pero bakit siomai rice lang yung laging available sa canteen? Yung iba parang di nakakabusog yung serving ehh… Sana magka-softdrinks naman next week.

Siniko ako ni Jason. “Itext mo na. Baka sexy! Yung tipong mala-Maria Mercedes yung ganda.”

“Baka lalaki. Teka.” Kinalabit ko si Liza na nasa harap namin. “May nakuha akong number sa sinukli sa akin. Gusto mong itext? Baka lalaki to ehh… mahirap na.”

“Excuse me!” mataray niyang sinabi, sabay irap. “Wala akong oras diyan. Ikaw kaya? Mag-aral ka nga! Puro pasang-awa mga grades mo ehh…” sabi niya.

“Okay. Inaalok ka lang eh…”

Bakit ang tataray ng mga babae? Magaganda nga ang sasama naman ng ugali. Kaya walang pumapatol sa kanila ehh.

Tahimik na tumatawa si Jason sa tabi ko. “Ikaw na kasi magtext.”

“Ayoko nga. Ikaw. Dali.”

“Ikaw na. Para may magawa tayo.”

“Tumigil ka na nga.”

Nakakainis naman… lagi na lang ang boring! Ang tagal! 30 minutes pa lang ang nakalilipas. Sige na nga… matext nga to. Wala naman sigurong mawawala ehh…

------

Today 1:32 PM
Hi! :)

------
*SENT*

“Nag-text ka na ba?” tanong ni Jason.

“Hindi. Bakit ko pag-aaksayan ng piso yun?” naiinis kong sagot.

“Anong hindi? Nagkakaila ka pa. Kita ko ‘yun ‘tol. Nagtext ka. Hindi nag-reply no?”

Badtrip. Baka lalaki to ah kaya di nag-reply. Ma-text nga ulit. Ano kayang masabi dapat yung may dating. Para malaman niyang cool ako.

------

Today 1:37 PM
Can I know you’re name?

------
*SENT*

“Ano ba yan ‘tol nag-iingles ka pa kasi. Can at you’re lang hindi mo pa alam gamitin,” kantiyaw ni Jason.

“Anong mali diyan? Tama naman ah...baka ikaw ang mali sa gramming.”

“E pa’no ka sasagutin niyan mali nga ang pinagsasabi mo!”

“O sige itetext ko ulit.”

------

Today 1:39 PM
Hu u? ;)

------
*SENT*


ITUTULOY.

You Might Also Like

6 comments:

  1. ganda ng simula~ <3 excited for the next chapters :)

    ReplyDelete
  2. itanongmosakinmalalamanmoJuly 13, 2014 at 1:47 AM

    Wooooooh
    Ang lupeet :)))

    ReplyDelete
  3. "Abangan ang susunod na kabanata..."

    Haha! Yeaaaah

    ReplyDelete
  4. waaah can't wait sa chapter 2 =))

    ReplyDelete
  5. Ang gandaaaaaaaaa, kahit ang daming kailangang gawin sa KA, nakaka-GV naman :)))) - KA Friends

    ReplyDelete