cannot be reached,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
“A-a-ate... Pwede po bang ano... makahingi ng t-t-tissue?”
Unang buwan pa lang may eskandalo na ako. Aba matinde!
May tao bang nasa matinong pag-iisip ang madudulas sa toyo? Mukha pa tuloy akong sinubsob sa kanin dahil sa siomai with rice na natapon ko. Nakakahiya. Sarap mag-apparate.
Toyo na lang e. Toyo na lang…
Binigyan ako ni Aling Morns ng isang dakot na tissue at dali-dali kong nilinis yung natapon kong siomai with rice. Sarap pa naman siguro nun.
Nakitaan pa ako.
Hiyang-hiya na akooo! Ramdam na ramdam ko yung mga matang nakatitig sa’kin na para bang nilalait ang buong pagkatao ko. Tanga-tanga ko kasi e! Minsan na nga lang ako bumili ng siomai madudulas pa ako sa toyo.
“HUY JIA TUMAYO KA NGA DIYAN! ANYARE SA’YO GIRL?” Boses ni Denise yun a. Siya lang naman ang kaisa-isang babae na may matinis at malakas na boses. Siya rin ang isa sa tatlong kaibigan ko.
“Nadulas, malamang.” Di ba obvious, Den? Natutunaw na ako sa kahihiyan dito e. Rinig na rinig pa yung malakas na tawanan ng mga lalaki sa gilid. Kasama pa sa nagtatawanan si...
Teka... Siya ba yun?
What the hell. Pinagtatawanan niya ako! Minsan na nga lang niya ako mapansin tapos ganito pa niya ako makikita. Ang wrong timing naman! Sa dinami-dami ba naman ng pagkakataon na pwede niya akong makita ngayon pa! Ang malas ko talaga!
“HOY BABAE TARA NA SA CR. AYUSIN MO YANG PAGMUMUKHA MO AT PULANG PULA KA NA DIYAN.” Sige ipagsigawan pa. Pero buti dumating si Den... Kundi parang ako ang huling biktima na isinumpa ng Cheese Touch.
“’San ka ba nakatingin at di mo napansin yung toyo sa dinadaanan mo?” tanong ni Denise habang inaabot ang suklay galing sa bag niya. “Sa kanya na naman?”
Sa totoo lang nakatingin talaga ako sa kanya. Pero di ko aaminin 'no. Sabi ko nalang, “Di a. Nagbibilang ako ng sukli.”
“Baka apat siomai mo. Baka bente ibinigay mo. Baka wala kang sukli.” Halatang di siya kumbinsido. Kilalang-kilala nga niya talaga ako. Nakapamewang pa. Wala akong takas dito sa babaeng 'to.
“Nakakahiya kaya. Ikaw ba naman pagtinginan ng ganun...” sabi ko habang tinatali yung buhok ko sa salamin. Ampangit ko. Nakakawalang gana tuloy tumingin sa salamin. Tas andun pa siya.
Siya.
Yung crush ko simula kinder.
Yung crush ko simula kinder hanggang ngayon.
Yung crush ko simula kinder na ngayon lang ako pinansin dahil nadulas ako sa harap niya.
“Tanga-tanga... tanga-tanga ko...” paulit-ulit kong sinasabi habang naghe-headbang sa lababo. Ayoko na magpakita sa kahit na sino. Feeling ko tatatak ako sa mga isip nila bilang, “Ang Ateng Nadulas sa Toyo at Natapon ang Hawak na Siomai at Lumipad ang Palda Kaya Nakitaan Siya”.
Gusto ko nang maglaho. Time Machine please. O Time Turner.
“Oras na?” tanong ko para ma-divert yung topic. Ayoko nang pag-usapan 'to.
“12:45.” basa ni Den sa relo niya.
NAKO PO MAY KLASE NA. 4TH FLOOR PA NAMAN KLASE KO. SHEEEEEEEEET!
“Late na ako! Punta na 'ko a? Salamat! Maya na lang.”
Kumaripas ako ng takbo. Sana sa’kin na lang yung solar-powered skateboard ni Conan para andun na ako. Jusko bakit ba kasi ako sa ramp dumaan e mas madali sa kabilang dulong hagdan? Bakit ba kasi nila isinara ‘yang hagdan sa gitna? Sakit kaya sa legs. Para kang umaakyat ng bundok. Moutain climbing lang?
143... Nanghihina mga paa ko ansakit teka...
145... Ayan malapit na... Onti nalaaaang...
Sa wakas! 146! Sana hindi nakatingin si Ma'am... Sana hindi nakatingin si Ma'am...
NAKO PO. NAKATINGIN.
“G...good afternoon, Ma'am... S-s-sorry po...” Sabi ko habang namumula. Dagdag mo pang hinihingal ako sa bawat salita ko. I drew too much attention... Again. What an inconvenient way to start a day.
Nakita kong naghahagikhikan yung mga babae sa harapang sulok ng klase. Eto na naman sila. Pinagtatawanan na naman nila ako. Ano bang ginawa ko sa kanila? Di pa ba sila nakaget-over sa nangyari kanina? Bahala sila sa mga buhay nila.
Umupo na ako sa tabi ni Kurt. Buti na lang andito siya. Siya lang ang kaibigan ko sa section na 'to kaya kami laging magkasama.
“Anyare sa’yo? Ba't pulang-pula ka?” bulong niya in a concerned manner.
“Bumiling siomai. Nadulas sa toyo. Lumipad palda ko. Tas pumunta kami ni Den sa CR.” sagot ko ng mabilisan. Nagmamadali kasi akong hablutin yung notebook ko sa bag e kaya di na ako nakapag-isip nang matino. Di naman na siya sumagot kaya baka naintindihan niya ako. Kurt pa. Lagi naman niya akong naiintindihan.
“...based on the table, what is the magnitude of the electrical force?” tanong ni Ma'am Almeda.
Nagtaas agad ng kamay si Aleira. Nuxx, bilis ah. E kaya naman pala... May sci cal na hawak.
“36 po.” she said confidently. At sinulat ito ni Ma'am sa table. “Okay! 36 N. Very good.”
Teka 3 times 4... 12... times 3, squared... 108. 108 dapat.
“Kurt, di ba 108? Kasi diba kailangan mo pang i-square yung radius?” tanong ko kay Kurt. Para lang ma-verify yung napansin ko.
“Oo nga 'no.”
“Ikaw magsabi,” sabi ko. Nahihiya ako e. Tas malay ko ba kung mali ‘yun, isinulat na ni Ma'am e.
“Ba't ako? Ikaw nakaisip e. Dapat ikaw,” pangngumbinsi niya.
“Ha? Ayoko nga.”
“Sige naaa.”
“No.”
“Anong problema ninyong dalawa diyan?” tanong ni Ma'am sa’ming dalawa.
“YIEEEEEEEE!” “SORRY MACE!” Asar ng klase.
“Ma'am may sinasabi po si Jia!” malakas na sabi ni Kurt.
Anubayan Kurt! Alam mo namang ayaw na ayaw kong nagre-recite e.
“Ano yun, Jia?”
Lumunok muna ako bago tumayo sa upuan ko. “Uh... kasi po... di ba po kailangang i-ano... i-square yung radius? Kasi po yung equation ay F equals q1q2 all over r squared. So dapat 108 kasi 9 times 12.”
Tumingin ulit si Ma'am sa board para i-check kung tama ako.
Tas biglang mali pala oh. Pahiya na naman. Jusko. Wag naman sana.
“Yes, tama. You're right, Jia. I'm sorry. Mali pala si Aleira. Bakit hindi mo ini-square? Wag mong kakalimutan i-square yung radius ‘pag hinahanap yung force, ha? Same goes with the class. Do not be fooled by the table. Always look at the equation. Thank you Jia. Buti napansin mo.”
Nagtinginan silang lahat sa’kin in awe at tinawanan ng iba si Aleira. Namula ako nang onti kasi pinuri ako ni Ma'am, pero di naman yata tama yung pagtawa nila sa kanya. Lahat naman nagkakamali. Pero duh, medyo simpleng arithmetic lang kasi yun. Pa’no ka naman magkakamali? May hawak ka pang sci cal.
Anlamig ng tingin niya sa’kin. Parang may death threat na ako ngayon. Bumulong pa siya sa katabi niya na umakbay sa likod niya. Sabay pa silang lumingon at inirapan ako. At pagkatalikod nila, sabay silang nagtawanan. Pustahan kinuwento niya yung nangyari kanina na may kasamang paninira. Pramis. I can tell based on their body language. Ramdam ko.
Haaay. Gusto ko nang umuwi.
Pagdating ko sa bahay, ginawa ko na agad yung homework sa library. Ito yung pinakagusto kong part ng bahay kasi nakakapag-isip ako nang maayos at napapaligiran ako ng mga libro. Heaven.
Anong oras na? Where's my phone...
Lowbat?
Ang weird. Bat ambilis mawalan ng battery? Di naman ako gaanong naglalaro sa phone e. Baka may topak lang ngayon yung iPhone.
*BEEP! BEEP! BEEP!*
Hala ba't andaming nag-text? Wala naman akong tinetext. May problema kaya sina Den? Baka heartbroken na naman si Gabby. Nagseselos na naman kay Leykah.
Ha. Sino 'to?
092757*****
-----
Today 1:32 pm
Hi :)
-----
Mga walang magawa sa buhay. Di ko 'to rereplayan, bahala siya. If I know GM lang 'to.
-----
Today 1:37 pm
Can I know you're name?
-----
Okay medyo bobo lang. Hahaha. Sinadya kaya niya 'to? Baka gusto niyang i-correct ko yung grammar niya para mag-text ako.
-----
Today 1:39 pm
Hu u? ;)
-----
Ahh. Baka sinadya nga niya. Shinort-cut niya na lang para di masabing wrong spelling. Gusto lang talaga ng katext. Kawawa naman. Baka walang nagrereply sa kanya.
Replayan ko ba 'to? Wala namang mawawala sa’kin kung rereplayan ko diba? Di ko rin naman ikinakaila na once in Halley's Comet lang ako magkaroon ng ka-text. So...
YOLO na. Naka-plan naman ako e.
Here goes nothing.
-----
Today 6:03 pm
“Baka MAY I know YOUR name.”
-----
*SENT*
Hala. Nainsulto kaya siya? Di bale, okay lang yan. At least kung matakot siya sa’kin di na niya ako rereplayan. Baka na-offend. Kung babae 'to sigurado di na niya ako rereplayan. Lammo naman mga babae. Madaling ma-offend.
*BEEP*
Ambilis niya mag-reply. Baka lalaki. Nag-aabang ng ka-text.
-----
Today 6:05 pm
No. I was first who ask!
-----
Kainis. Wrong grammar na naman. Kaya naman pala mabilis magreply... Di niya ineedit yung text niya.
Paano kaya kung dinire-diretso ko ng english? Ano kaya irereply niya?
-----
Today 6:10 pm
I can't believe you have the audacity to demand that. Isn't it rude of you not to introduce yourself first when you were the one who initiated the conversation? Why would I reveal my identity to someone I don't even know? Where in the world did you even get my number? Do I know you?
-----
*SENT*
Sumobra na ata ako. Ang haba pala nung reply ko. Siguradong di na siya magtetext, pustahan. Natakot na siguro sa’kin yun. Pati ba naman sa text hindi ako marunong makipagkaibigan? Umayos ka nga, Jia.
Tatlong minuto na ang nakalipas hindi pa rin siya nagre-reply. Ganun ba ka-harsh yung sinend ko?
Wala na 'to. Goodbye 5-minute textmate.
*BEEP!*
-----
Today 6:16 pm
Hey I just ask you're name then you become angry? I'm just being friends! You have a problem?
-----
Ayun nag-reply! Kaso wrong grammar na naman. Ewan ko ba kung maiinis o matawa ako dito e. San kaya 'to nag-aaral? Di ba sila tinuturuan mag-English?
-----
Today 6:18 pm
For the second time, it's YOUR, not YOU'RE. Making friends, you mean? I hate to break it to you, but you're off to a bad start.
-----
*SENT*
Ang sama ko naman! Dalawang beses ko siya kinorrect sa grammar niya. Hiyang-hiya na siguro yun! Pero feeling ko hindi naman niya ako seseryosohin, di nga niya ako maintindihan e. Masyado siyang slow para ma-gets yung mga pinagsasabi ko.
*BEEP!*
-----
Today 6:27 pm
Your correcting me and then you use you're?! You don't break me! Were not together! Were not friends!
-----
ANO BANG PROBLEMA NITO SA APOSTROPHE? Kainis. Di man lang ako naintindihan. Ang kapal ng mukhang magalit. Sarap tirisin!
-----
Today 6:30 pm
Excuse you, it was an idiomatic expression. And please, WE'RE certainly not friends nor acquaintances. You WERE just being a jerk.
-----
*SENT*
Ha! Buti nga sa’yo, Wrong Grammar Lord. At least sa text pwede akong magmukhang matapang. Lamang naman ako dito, obviously. English pa lang panalo na ako.
*BEEP!*
-----
Today 6:43 pm
Sumosobra ka na ah! Tanggap ko pang tawagin mo akong idiomatic pero yung jerk?! Porke mali-mali yung gramming ko bobo na ako? Babae ka no? Ganyan kayo e! Kala niyo kung sino kayong magaling! At for you're information, nag-aaral ako sa UP! Makabayan akong tao kaya tagalog ang salita ko!
-----
ANG BOBO NAMAN NETO! IDIOMATIC NA NGA LANG DI PA ALAM IBIG SABIHIN! GRAMMAR NA LANG MALI PA! PATI GENERALIZE! NAKAKAHIYA KA TAGA-UP KA PA MAN DIN!
-----
Today 6:50 pm
Kung ganun mas nakakahiya ka, kuya. Ikaw ang nag-gegeneralize diyan. Nag-aaral din ako sa UP pero hindi ako kasing bobo mo. Pano ka nakapasa? Ang swerte mo naman, sa katangahan mong yan. :)
-----
*SENT*
Right back at'cha! Sabi na lalaki ‘to e. Maangas, slow, at makapal ang mukha.The typical bad-boy image. But he’s no match for me... kung sa text lang. Hindi ko kayang maging matapang sa personal.
*BEEP!*
-----
Today 6:52 pm
Hindi naman ako college e. High school pa lang ako.
-----
Oh my God. Taga-UPIS din kaya 'to? Shet. Dapat di niya ako makilala. Hindi pwede. Ayokong madagdagan ang mga taong may galit sa’kin sa school. Lalaki pa man din. Baka ma-bully na naman ako.
-----
Today 6:54 pm
“High school? Tapos UP?”
-----
*SENT*
Bakit bigla siyang bumagal mag-reply? Pano kaya kung siya ‘to? Hindi. Imposible. Mas mabait siya kesa dito. At di hamak na mas matalino.
*BEEP!*
-----
Today 7:05 pm
OO BAKIT, SA UPIS! Sikat kaya yun! Di mo ba alam na matatalino mga tao dun? Kaya nga may UP sa pangalan e! Ikaw?
-----
TAGA-UPIS SIYA?! WHYYYYYYYYY?! SINO ‘TO? Nako po hindi niya dapat malaman na ako yung katext niya. Pag nangyari yun may madadagdag na naman sa listahan ng kahihiyan ko. Isa pa, hindi niya rin siguro ako kilala. Invisible naman ako sa school e. I’m safe. I can be myself as long as I don’t reveal my identity.
Kaso lalaki siya. At alam niyang babae ako. Based on previous cases, madaling ma-fall ang out-of-nowhere textmates na lalaki at babae. Malay ko bang naghahanap 'to ng lovelife? NO FREAKING WAY. Kailangan ko mag-ingat at magsiguro. Hinding-hindi ako magkakagusto sa ganitong tipong lalaki. Never. Over my dead body.
Sabihin ko bang taga-UPIS ako? Wag na. Baka hantingin pa niya ako.
-----
Today 7:27 pm
Parehas tayo! Haha. May isa lang akong request.
-----
*SENT*
*BEEP*
-----
Today 7:30 pm
Ano yun?
-----
ITUTULOY.
Literary: Cannot Be Reached (Chapter 2)
Ang Cannot Be Reached ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

0 comments: