filipino,

UPIS Swimming Team, nag-uwi ng 44 na medalya

7/09/2014 07:41:00 PM Media Center 0 Comments

Tinanggap ni Pricila Aquino ang tropeo
bilang Most Outstanding Swimmer mula kay
dating Senador Nikki Coseteng.
(c) Catherine Lorbes
Nagkamit ng 21 gold, 7 silver, at 16 bronze medals ang UPIS Swimming Team sa ginanap na Philippine Swimming League (PSL) noong Hunyo 28-29 sa Rizal Memorial Sports Complex.

Itinanghal bilang “Most Outstanding Swimmer” para sa kani-kanilang age brackets sina Cha Esmero, Cheska Joves, at Pricila Aquino. Nakakuha si Esmero ng limang gold, dalawang silver, at dalawang bronze medal. Si Joves naman ay may dalawang gold, dalawang silver, at dalawang bronze habang si Aquino ay may pitong gold at isang silver medal.

Nakuha naman ni Drew Magbag ang bagong PSL record para sa 100m breaststroke at 50m breaststroke.

Sumali rin sa kompetisyon sina Juneau Villanueva, Ryan Dimayuga, Ernest Arceo, JB Cuachin, Mary Llorente, Suzy Uy, Carl Condalor, Michael Tee, Glenn Anicoche, John Fajutagana, Joanne de Castro, Mae Rodgers, Owen Bernos, Jasmine Esguerra, Lucille Silvestre, Ria Amano, Angel Dizon, Kennard Bondal, Antonio Aquino, Samnel Gaa, Keio Guzman, Mark Camanian, Kevin Berina, Cynil Tecson at iba pang elementary swimmers.

Napili namang kinatawan ng UPIS sina Esmero, Joves, at Aquino sa gaganaping swimming competition sa Singapore sa darating na Agosto 2 at 3. / ni Juneau Villanueva

Kuha ni Catherine Lorbes

You Might Also Like

0 comments: