admin,

UCS, bagong janitorial agency ng UPIS

7/09/2014 07:35:00 PM Media Center 0 Comments

Papalitan ng Ultimate Care Services (UCS) ang Carebest sa pangangasiwa ng custodial affiliations sa UPIS ngayong taon.

Ayon sa isinagawang bidding ngayong taon, ang UCS ay mapupunta sa South Sector ng Unibersidad, kung saan kabilang ang UPIS, samantalang ang Philbest Manpower Agency naman sa North Sector. Tulad ng mga naunang custodial agencies, may isang taong kontrata sa nasabing paaralan ang UCS.

Isa si Kuya Arvy sa mga bagong custodial workers mula sa UCS.
“Syempre may natirang custodians mula sa dating agency. Meron kasing 60/40 policy. Kaya anim na custodian ang mananatili at apat naman ang bago. May karanasan na kasi ang matitirang anim at subok na ang kanilang mga kakayahan sa iba’t-ibang trabaho. Tinitignan din namin yung performance nila,” pahayag ni Mrs. Hermie Malonzo, ang Administrative Officer na namamahala sa mga custodial workers at security guards ng paaralan.

“Number one rule namin sa kanila ay honesty. Ayaw kasi naming mangyari uli yung mga insidente na nangyari noon,” dagdag pa ni Malonzo.

Nagsimula ang Ultimate Care at ang mga custodial workers nito noong Lunes, ika-7 ng Hulyo 2014. / nina Rielle Ruiz at Jediael Neri

You Might Also Like

0 comments: