14 na tambayan,

Feature: 14 na Tambayan: Boston Garden

10/11/2013 07:52:00 PM Media Center 2 Comments

Boston Garden
(c) Aliyah Rojo
Sa ating paglisan,
Ating balikan
Ang labing-apat na tambayan
Sa ating minamahal na paaralan
 ***

Ang Boston Garden ay malamang, hindi niyo na makikita ngayon. Natabunan na kasi ito ng adobe para gawing parking lot ng UP Town Center. Pero dati, marami kang makikitang mga masasayang mukha doon tuwing tititigan mo ang Boston Garden.

Hango ang pangalan ng Boston Garden sa isang sikat na stadium ginagamit ng Boston Celtics (isang koponan sa NBA). Hindi ito isang lehitimong hardin, o open field, pero naging sikat pa rin ito kaya ito tumatak sa isipan ng mga tao, kaya ito ang naisipang gamitin ng mga dating Isko upang ipangalan sa open field ng eskwelahan.

Dito rin sumikat ang isang mag-aaral ng UPIS, at kinilala siya sa katawagang: “Hari ng Boston.” Siya ay si Kuya Karl Villaluna. Paano siya naging Hari ng Boston? Masasabi lang naman na kabisadong-kabisado niya ang mga dimensyon ng natatanging basketball court ng UPIS na matatagpuan dito. Walang nakatatalo sa galing niya. Walang-mintis ang mga tira niya sa bola, kahit pa hindi niya ito tignan.

Dito sa field na ito idinaraos ang mga klase sa PE, maging ang Intrams ng paaralan. Tuwing dismissal, makikitang may mga naglalaro ng Frisbee at Soccer, kung minsan pa nga’y may nagva-volleyball pa. Dito rin kadalasang nananaghalian ang mga estudyante, siguro dahil presko at maaliwalas. Kadalasa’y, dito rin tumatambay ang mga nanay, lola at bantay nila dahil off limits sa mga hindi estudyante ang ilan sa mga corridor ng paaralan.


Naging saksi ang Boston Garden sa paglipas ng panahon sa paaralan. Marami na ring alaalang iniwan ang lugar na ito. Hinding-hindi ito malilimutan, maging parking lot man ito ng isang mall.

You Might Also Like

2 comments:

  1. Nice blog! Please join our growing UPIS Facebook group: https://www.facebook.com/groups/TagaUPISKaKung/members/
    and spread the word!

    ReplyDelete
  2. i know that bench and table (bottom center), that's where i met my girlfriend of 14 years and soon to be wife.

    ReplyDelete