chapter 7,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
“Hay, natapos na rin,” sabi ni Ms. DiSi. Huminga siya nang malalim habang inaayos ang kanyang buhok.
Isa-isa niyang nilatag ang mga resulta ng lie detector test sa mesa at pinindot ang button para papasukin sina Mr. P, Ms. Li, at Mr. Na, ang mga kasama niya sa Disciplinary Committee na nanonood sa mga interview kabilang kwarto.
Sinimulan na nila ang pag-aanalisa. Ang unang resultang ipinakta ay ang kay Kr.
“Kung si Kr ang gumawa ng mensahe para kay O, anong dahilan niya?" sabi ni Mr. P. "Sinimulan niya ang pustahan ngunit hindi naman sinabi ni Z na pumayag siya. Pero nakikita naman sa pagiging close nila ni O na naisip niya ngang gawin ‘yon...”
“Baka naman gusto rin ni Kr si O," sagot ni Ms. Li. Ngunit napakunot ang noo niya. “Pero bakit mo naman sisimulan ang pustahan at isusulat ang hate message sa taong gusto mo?”
Kinuha ni Mr. Na ang mga papel ni Kr galing sa mesa at tiningnan ang mga resulta. "Lumalabas na kinakabahan lang siya habang tinatanong siya ni Ms. DiSi. Siguro gusto lang niyang matanggal si O sa grupo para ma-solo niya si Xe. Pero, hindi naman niya magagawa ‘yon kay O dahil mabait naman ito sa kanya.”
Biglang napangisi si Ms. DiSi. “Baka naman nagagalit siya kay O kasi pinatulan niya si Z dahil sa pustahang sinimulan niya...” Natigilan si Ms. DiSi. “Pero hindi... Sabi niya bagay naman kasi sina O at Z.” Muli niyang tinignan ang resulta ni Kr bago ilipat ang tingin sa papel ni Z.
Huminga muna siya ng malalim bago magsimula. “Hindi naman siya kasi sumagot kung oo o hindi sa pustahang hinamon ni Kr,” napapagod na sabi ni Ms. DiSi.
“Pero bakit pa rin siya lumapit kay O? Nag-PDA sila at lahat, ibig sabihin pumayag nga siya sa pustahan,” sabi ni Ms. Li.
Napaisip ulit si Ms. DiSi, “Pero sa kabila noon, sinasabi niyang magkaibigan lang sila, walang namamagitan. Nagalit pa nga siya sa mga kaibigan niya dahil pinagpipilitan nilang meron. So parang niloloko lang nila ang isa’t isa.”
Inangat ni Mr. P ang mga resulta ni Z at binasa ito. “Alam niya rin na nagkakalabuan ang pagkakaibigan nina O at Xe dahil sa pagiging malapit sa kanya ni O. Nagawa rin ni O na magsinungaling sa kanya tungkol sa pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Xe.”
Unti-unting sumasakit ang ulo nila sa kakaisip. “Baka naman... Eh, haaay nako, ang mga batang ito!" sabi ni Mr. Na. "Gusto nga ba talaga ni Mr. Zn si Ms. O? Kasi hindi mo naman magagawa sa taong pinahahalagahan mo ang magsulat ng ganoon."
"Siguro guilty siya sa mga nangyari. Gusto niyang akuin na lang lahat, pero bakit nga naman niya isusulat yung mensahe na ‘yon kung sinisisi niya sarili niya?” sagot ni Ms. Li.
Kinuha ni Mr. Na ang mga resulta ni Xe. “Eto si Ms. Xe. Ano naman ang nangyari ngayon sa kanilang mag-best friend? Baka naman sa sobrang galit niya ay nagawa niyang sabihin kay O ang tungkol sa pustahan..."
“Siguro nga ay may gusto siya rin kay Z?” tanong ni Mr. P.
“Hindi, mukha namang gusto niya talaga si Kr. Sinabi rin niyang nag-aalala siya para sa kaibigan niya. Hindi galit ang dahilan niya sa pagsasabi ng totoo,” sabi ni Ms. DiSi. “Posible rin na dahil kilala niya si Z, alam niyang aakuin nito ang kasalanan, mapapalayo sila ni O sa isa’t-isa at maiiwas na niya si O.”
“May matibay na dahilan para isiping si Xe ang may gawa ng hate message para kay O," sabi ni Ms. Li. "Silang dalawa ang pinakahuling nag-away kaya mas may dahilan siya para gawin iyon. Baka naman isinulat niya ‘yon dahil tinalikuran siya ni O…"
"Pero kaya ba talaga niyang saktan ang pinakamatalik niyang kaibigan sa kabila ng ilang taon nilang pagsasama?” tanong ni Mr. P.
Napabuntong hininga si Ms. DiSi. “Dahil siguro sa selos na hindi na siya ang sinasamahan ni O ay nadala siguro siya ng emosyon at naisulat ang mensaheng iyon,” napahawak siya sa kanyang noo at nanahimik sandali. “Pero lagi naman niyang kasama si Kr!”
Sinimulang tingnan ni Ms. DiSi ang mga resulta ni N. Nangalumbaba siya at malalim na nag-isip. May pagka-misteryoso kasi si N. Madaming nalalaman.
“Ano namang kontribusyon ni N sa gulong ito?” tanong ni Mr. Na
“Siya ang nagsabi kay O at Xe tungkol sa pustahan,” sagot ni Ms. Li.
“Ano bang gusto niyang mangyari nang sabihin niya sa kanila ‘yun? Nagmamalasakit ba siya kay O dahil pinagpupustahan siya? Naramdaman ba niyang may kasalanan siya kay Xe dahil di niya kaagad sinabi na pinagpupustahan best friend niya?” tanong ni Mr. Na.
Nangalumbaba siya at nag-isip nang mabuti. Tinitigan niya ang papel ni N, kinuha at binasa nang maigi. "Gusto niya si Z pero wala itong gusto sa kanya. Maaaring malaki ang selos niya kay O. Di kaya dahil sa selos na ito kaya naisulat niya ang hate message na iyon? Gugustuhin ba niyang siraan ang isa sa mga kaibigan niya dahil lang hindi siya gusto ng taong gusto niya?”
Pinikit ni Ms. DiSi ang kanyang mga mata upang makapag-isip ng mas maayos. Tinabi niya muli ang mga papel ni N sa mga papel ng iba.
"Si O na lang ang natitira," sabi ni Mr. P.
“Mahirap man isipin kung bakit si O ang gagawa ng hate message para sa sarili niya, kailangan pa rin nating tignan at pag-isipan ang mga punto de vista nila. Siya nga ang biktima pero dapat suriin natin ang bawat anggulo.” Pursigido si Ms. Disi na matapos ang kaso at magkaalaman na.
“Una sa lahat, bakit hinayaan ni O na ituloy ang pagiging malapit kay Z kahit alam niyang pustahan lang ang lahat? Ano ang makukuha niya sa ganoong sitwasyon... si Z ba? Alam naman na ng lahat na may namamagitan sa kanilang dalawa,” sabi ni Mr. Na. Nahihirapan mag-isip si Ms. DiSi dahil sa iba ang pagkakakilala niya kay O kung ikukumpara sa mga naririnig niya sa mga kuwento.
“Nakaramdam siya ng inis sa kaibigan niyang si Xe... Dahil siguro pakiramdam niya, inaagaw ni Xe ang dapat na sa kanya. Sinasabing magkaibigan lang sila ni Z pero lagpas sa pagiging magkaibigan ang kanilang ikinikilos. Nagmamalasakit si Xe pero pinili niyang saktan ang kaibigan. Kung siya mismo ang susulat ng mensahe sa sarili niya ano ang kapalit nito?” sabi ni Ms. Li.
“May ibang personalidad ang batang ito," sabi ni Ms. DiSi. "Posibleng itinatago niya ang totoong siya. Atensyon at popularidad ang na kay Xe, ito rin siguro ang gusto ni O."
"Gusto niya ng pagbabago sa pagtingin ng lahat sa pagkatao mo? Hmmmm... Maaari. Posibleng maging dahilan. Kung ganoon, handa siyang mawala ang mga kaibigan niya para lang doon?" tanong ulit ni Ms. Li. "Mahirap naman kung itutuloy nila ang namamagitan sa kanila ni Z kung ang kapalit nito ay pagkasira at pagkakawatak-watak nilang magkakaibigan.”
“Malabo rin naman na isasakripisyo ni O ang malinis niyang records para lang sa mga kababawan. Puwera na lang kung mayroon talaga siyang dahilan o motibong hindi ko malaman para gawin iyon,” pagdadahilan ni Mr. P.
Inayos ni Ms. DiSi ang sarili niya, pinagpatong-patong ang mga dokumento at pinag-isipan muli ang mga sinabi ng limang magkakaibigan. Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana ng kanyang opisina tumingin sa Q.U.A.D. Sinilip niya kung ano ang ginagawa ng magkakaibigan.
Nakatayong magkakasama sina Kr, Z, Xe at N malapit sa gitna ng Quad habang si O ay naglalakad pa lang papunta sa kanila. Nang makarating na si O sa grupo, mukhang wala sa kanilang nagsasalita at hindi nila matignan ang isa’t isa.
“Ano ba talagang itinatago niyo?” mahinang tanong ni Ms. DiSi habang inoobserbahan ang grupo. “Sino sa inyo ang nagkasala?”
Inobserbahan niyang mabuti ang lima. Si Kr na sinisisi sa pagsisimula ng pustahan, si Z na lumapit kay O at isinisi sa sarili ang lahat, si Xe na tinalikuran ni O, si N na may tinatagong pagkagusto kay Z, at si O na kinagalitan at pinagtulungan ng mga kaibigan.
Lahat ay may dahilan para gawin iyon. Pero…
-----
Sa Quadrangle, magkakasamang nakatayo ang limang magkakaibigan. Tahimik at naghihintayan na may maunang magsalita.
“Ano ba yan, guys!” sabi ni N sa iritableng tono. “Tapos na yung interrogation, oh! Wala nang ikakabit na echos na wires sa mga body natin. Magsalita nga kayo, pwede ba?”
Tumingin ang iba sa kanya ngunit nagtinginan na lang sila sa mga paa nila at hindi pa rin nagsalita.
“Sus, nagkahiyaan pa kayo.” Nagsimulang mag-isip si N ng mga pwede niyang gawin o sabihin para lang mawala na ang awkward silence na bumabalot sa kanilang lahat. Huminga siya ng malalim at ngumiti. It’s now or never.
“Guys,” sinabi niya nang malakas at seryoso. Nagtinginan ang apat niyang kasama sa kanya. “Aaminin ko na... Beki talaga ako.”
Nakatingin lang silang lahat kay N habang siya naman ay naghihintay lang ng reaksyon. Unti-unting tumawa ang apat.
“Alam namin, N. Like, dati pa,” sabi ni Xe, sabay yakap sa braso ni N. “We might as well call you Ñ.”
Tumaas ang kilay ni N, “Hah? Bakit naman? Di ko gets!”
Biglang tumawa si Kr, “Hahaha! Galing nitong si Xe ah! N na may halong kulot! Kaya Ñ!”
Tumingin si Z kay Kr at pareho silang tumango. Lumapit si Z kay N at mahinang pinalo ang isa pa niyang braso. “Tanggap ka namin... Ñ. ” Natawa sila.
“Bro pa rin ah...eh...sis?” litong tanong ni Kr.
Nawala kahit papaano ang tensyon at gumaan nang kaunti ang kanilang pakiramdam. Nagtawanan sila ngunit nang lumipas na ito, bumalik muli ang mabigat at seryosong pakiramdam sa kanila.
“Sinimulan ko na. Umamin na ako. Alam kong mayroon pang dapat umamin, ‘di ba?” putol ni N, ngayong Ñ na, sa katahimikang bumalot sa grupo. Siniko ni Ñ nang pabiro si Xe, tumingin siya kay O at Kr.
Napabuntong hininga si O at humarap kay Xe. “Gusto ko lang malaman mong sa mga oras na nagkakagulo tayong grupo, ikaw lang ang gusto kong puntahan para mawala na ang pagkalito ko sa mga nangyayari. Na-miss kitang makasama at makausap. Hindi kita dapat ginalit…”
Tumingin na lang siya sa baba at nanahimik. Nagsimulang maluha si Xe at niyakap nang mahigpit si O.
“I miss you, too!” sabi niya sabay ang paghikbi.“Hindi ko ginusto na magkaganito tayo. I just want it to be how we were before. Best friend pa rin kita, O. Tapos na lahat ng kaguluhan na ‘to.” Naghiwalay sila at ngumiti sa isa’t isa.
“Basta, okay na tayo, ah? No more fighting!” sabi ni Xe habang pinupunasan ang kanyang mukha.
“Oo, wala nang mga away.”
Napalingon si Xe kay Kr at nahihiyang tumingin sa ibang lugar. Si Kr naman ay tumingin kay Z at tumango naman ito na parang nanghihikayat.
“Uhh, Xe… Gusto mo muna pumunta sa canteen? Libre kita,” nahihiyang tanong ni Kr kay Xe habang hinahawi niya ang kanyang buhok.
“Sure! Let’s go,” sagot ni Xe sa kanya.
Habang naglalakad ang dalawa paalis ng Quad, lumingon ulit si Xe kung saan nakatayo sina O, Z at Ñ, kumaway at nginitian ang mga kaibigan.
“Uhm,” biglang sabi ni Ñ, naisip niyang dapat na siyang umalis sa eksena, “titingnan ko lang kung kumpleto na article count ko para sa MC...” Naglakad si Ñ patungo sa MC room at nang madaanan si Z ay mahina niyang binulong, "Hindi na ako aasa,” sabay alis.
Kumunot ang noo ni Z, kahit anong mangyari, hindi talaga nawala ang pagka-slow niya sa mga bagay-bagay.
Tahimik lang ang dalawa, kung dati komportable sila sa katahimikan, ngayon napaka-awkward na. Kinamot ni Z ang ulo niya, ‘di niya talaga alam kung anong sasabihin niya, “Uhh..O.. ano-”
“Uy Z! Sama ka sa laro namin! Kailangan namin ng isa pang player!” biglang sabi ni Ar, isa sa mga kaklase nila.
“Ay brad, pwede mamaya na lang? Kailangan kong kausapin si O, eh.”
Tumawa si Ar. “Ano ba yan, Z! Di na nga kayo naghihiwalay ni O, eh. O, Sabihan mo nga ‘to na sumama sa laro namin. Sige na!”
Sasagot na sana si Z pero nagsalita kaagad si O, “Sige Z, sumali ka na. Dito lang ako”
“Pero…”
“Tigil na ang drama!” sabat ni Ar. “Tara na Z! Laro tayo ng Hoverball! Ikaw na bahala sa settings, ah!”
Tiningnan ulit ni Z si O ngunit parang wala na itong balak makipag-usap sa kanya. Tumayo na siya at lumapit sa control system ng Q.U.A.D.. Itinapat ang ID niya sa scanner upang ma-verify na isa siyang miyembro ng varsity team. Sa pamamagitan nito maaari siyang gumamit ng iba’t-ibang features ng Q.U.A.D.
Beeep! Tumunog ang control system bilang hudyat na maaari nang gamitin ito ni Z. Dahan-dahang bumukas at umilaw ang naglalakihang screens. Bawat screen, ipinapakita ang maaaring ma-activate na feature. Hindi na mukhang Quadrangle ang lugar pero bilang papaparangal at pag-alala sa naunang istruktura ng UPIS, Q.U.A.D pa rin ang tawag dito: Quadratic Utility Activating Device. Maaaring pagpilian ang iba't ibang courts, swimming pool, training grounds ng track and field, table tennis at dance floor ng Pep Squad. Siyempre, pwede rin ang grass field para sa mga assembly at taunang Powerdance.
“System select,” sabi ni Z at nabawasan ang mga nakabukas na screens. “Hoverball.” Bukod sa ID, may voice recognition rin kasi ang Q.U.A.D. para hindi kung sinu-sino lang ang makagagamit.
Hoverball court, processing…
Naiwan na lang ang screen na may 3D model ng hoverball court na pinili ni Z. Pinindot niya ang options button at pagkatapos, training button. Hoverball court activating…. Activated! Bumaliktad na ang malaking parihabang sahig at lumabas na ang Hoverball court.
Sumakay si Z sa isang hoverboard at nagpaikot-ikot sa court habang naglalaro kasama ang Hover Boys. Kapag nakikita niyang nanonood si O sa paglalaro niya, napapangiti na lang siya sa kanya.
“Ano ba talagang relasyon namin ni O?” bigla niyang naisip sa sarili niya. “Kaibigan kita pero minsan parang iba na.” Inihagis ni Z ang hoverball at naka-score. “Ang sarap sa tenga kapag naririnig kitang tumatawa. Ikaw ang pinakamabait at pinakamatalinong tao na nakilala ko. Hindi ko talaga akalain na magiging ganito tayo ka-close… hindi ko lang din inakalang ganito ang mangyayari...”
Habang nakaupo naman si O sa gilid ng hoverball court, hindi niya mapigilang panoorin si Z. Kapag napapalingon si Z sa kanya habang naglalaro, namumula ang kanyang mga pisngi at nahihiya siyang titingin sa ibang direksyon.
“Nakakatuwa kang makausap at makasama, Z. Naging mabait ka sa akin, Z. Sweet pa nga, eh. Naniniwala akong hindi lang iyon dahil sa pustahan... Hindi ko pa rin maikakaila na nagustuhan ko siya kahit kaunti, kahit na may ganoong nangyari. Nakakapanghinayang pa rin.”
Sa lalim ng iniisip ni O, hindi niya namalayan na papalapit na pala si Z sa kanya, nakasakay pa rin siya sa hoverboard. Bumaba siya mula rito at umupo sa tabi ni O. Magsasalita na dapat si Z ngunit inunahan na siya ni O.
“Z, sagutin mo ako ngayon nang maayos… a-ano ba ako sa buhay mo?” mahinang tinanong ni O sa kanya.
Natutulala si Z, “Ah? Eh, kaibigan siyempre”
Iniwasan ni O ang mata ni Z, “K... kaibigan lang?”
Matagal bago nakasagot si Z, “O… malabong usapan ‘yan. Espesyal ka sa akin pero…”
“Pero ano, Z?” lumapit na si O sa kay Z, “hindi ako bulag at hindi ka rin tanga. Alam mo naman siguro kung ano ibig kong sabihin ‘di ba?”
“Naiitindihan naman kita eh,” sabi ni Z, “pero O… ‘di ko kaya. Hindi na puwede. Ang dami nang nangyari, ang dami nang nadamay. Mga kaibigan natin sila.”
Habang nakatingin sa ibang direksyon si Z, mabagal na lumapit ang kamay ni O para hawakan ang kamay ni Z. Ngunit inilayo ni Z ang kanyang kamay. Natigilan si O sa pag-iwas ni Z. Tuluyang nawala ang ngiti ni O. “Kahit ano pang sabihin mo, Z, gusto kita,” deretsa niyang sinabi.
Tumayo si Z. “O! Hindi mo ba nakikita? Hindi ako para sa 'yo. Alam mo na ang lahat...alam mo na na nagsimula ang lahat sa kasinungalingan… sa pustahan.”
Tumingala si O mula sa kanyang kinauupuan, namumula na ang mata at mukha sa kaiiyak pero mahinahon pa rin niyang kinausap si Z. “Ano ngayon? Lahat ba ng sinabi mo ay kasinungalingan din? Lahat ng pinagsamahan natin?”
“Oo... pero... hindi... pero... O! Ba’t mo naman gustong makipag-relasyon sa akin? Pinagpustahan ka namin. Pinaasa kita. Sinaktan kita… hindi ako karapat-dapat para sa 'yo.”
“Hindi ka naman pumayag sa pustahan, Z!” iyak ni O. “Sinabi sa akin ni Kr!”
Napabuntong-hininga na lang si Z at naupong muli. “Hindi pa rin natin maikakaila na marami tayong nasaktan, O,” sabi niya. “Dahil sa namagitan sa 'tin na wala lang naman, may nagsulat pa ng hate letter para sa 'yo. Paano pa kaya kung tayo na nga? Hindi mo ba nakikita? Maling simula. Maling panahon. Kung magiging tayo baka lalong malaking kamalian yun. Kaya baka nga totoo ang iba, ang mga kaibigan natin. MALING MAGING TAYO!"
Sasagot pa sana si O pero naisip niyang kahit anong sabihin niya, hindi na magbabago ang isip ni Z. Pinunasan ni O ang namumugto niyang mga mata at tumayo na. "Okay. Gets ko na," at nagmamadaling umalis at iniwang nalilito, nalulungkot, at nag-iisip si Z.
-----
Napangiti si Ms. DiSi habang nakatingin pa rin sa Q.U.AD.
Nilingon niya ang mga record na nasa kanyang mesa. Naglalakad siya papunta sa mesa. Napangiti sa sarili. Kinuha niya ang mga papel at hinanap ang dokumentong kailangan niya. Nilapag niya sa mesa ang ibang mga papel at tinignan ang nag-iisang hawak niya.
“Nahuli na rin kita.”
WAKAS.
Punto de Vista (Chapter 7)
Ang Punto de Vista ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

BITIN <//3
ReplyDelete