chapter 6,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
“O, MALANDI AT MAHAROT. ALAM NA NG LAHAT. ‘WAG NA PA INOSENTE,” paulit-ulit na ibinubulong sa isip ko ang mga salitang iyon.
Pagpasok ko sa kuwarto, tinitigan lang ako ni Ms. DiSi, sinubukan kong basahin ang mukha niya kaso wala siyang ipinapakitang emosyon. Sinenyasan niya akong umupo.
“Bago tayo magsimula, pakisabi ang pangalan, seksyon at student number.”
“Ma’am, kailangan pa ba talaga akong kausapin?”
“Bakit naman hindi? Ikaw ang biktima rito, hindi ba? O baka naman may itinatago ka...”
“Wala po, Ma’am... Ako si O ng 10.4 AD, Student #3014-0021.”
Pagkatapos kong magsalita, walang sinabi si Ms. DiSi, nakatingin lang siya sa mga papel na hawak niya.
“Ayon sa mga ito, lagi kang nasa top ng klase. Matataas ang grades mo. Ipinagmamalaki ka ng mga teacher mo dahil consistent ang academic performance mo mula noon. Pero ngayon, bigla itong nagbabaan at nabalitaan kong natuto ka nang mag-cutting? Bakit biglang ganoon?”
*****
Trigo na lang klase ko, dumaan muna ako ng Lover’s Lane dahil vacant kami para magpalipas ng oras. Paborito ko itong lugar sa buong eskwelahan. Tahimik at madaling makapag-aral dito, kakaunting estudyante na lang kasi ang tumatambay rito.
Naglakad ako patungo sa lagi kong puwesto, sa pinakadulong air bench. Nagulat ako nang makita kong may nakahiga rito.
Inobserbahan ko kung sino siya at napansing si Z pala ito. Pinagmasdan ko muna siya, hindi ko maikakaila na guwapo siya, pero ang gustong-gusto ko sa kanya ay kapag ngumingiti siyang inaakala niyang walang nakatingin sa kanya. Bakit nga ba ngayon ko lang ito napansin sa tinagal-tagal na naming magkabarkada?
Naisipan kong pagtripan si Z. Dahan-dahan akong nagtago sa likod niya at tinakpan ko ang mga mata niya. Naramdaman kong nabigla siya at nagising.
“Oy, sino ‘to? Ayokong makipaglokohan ngayon! Kitang natutulog ‘yung tao eh... Tanggalin mo na ‘yan. Please!!!”
Natawa ako sa reaksyon ni Z, ngayon ko lang siya nakitang maging ganoon. Para siyang isang bata.
Pinilit niyang lumingon kaya natanggal ang pagkakatakip ko sa mga mata niya. Tiningnan ako ni Z. Mata sa mata. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya. Tila tumigil ang oras. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at biglang pamumula ng mukha ko. Halos ilang minuto rin yata ang lumipas. Biglaang may umagaw ng eksena... ‘yung ubo ni Z. Napakamot na lang siya ng batok at naupo.
Hindi ko napigilang tumawa, halos hindi na ako makahinga pagkatapos nun. Sobrang benta sa akin.
“Paki-warningan ako sa susunod ah. Hahaha. ‘Wag umubo sa mukha ng tao, okay?”
“Haha. Hindi ko sinasadya. Ikaw kasi eh.”
“Ano bang ginawa ko? Ikaw kaya tumitig sa akin.”
“Sino ba namang hindi titingin sa’yo, eh ang ganda-ganda mo.”
Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o nagbibiro lang. Hindi ako nakakibo agad. Kinabahan ako. Ano ba ‘tong nararamdaman ko.
“O, please stay. Dito lang muna tayo.”
“Pero may klase pa ako.”
“Sige na?Ngayon lang. oh.”
“Oo na, ‘di ako makakatanggi sa’yo... Malakas ka sa akin eh.”
*****
Ano ba ‘yan puno ng requirements at tests ngayong linggo. Walang tulugan na naman siguro ‘to. Hello eyebags, goodbye sleeping bags.
Papunta na akong parking para sumabay kay Xe pauwi, nang harangin ako ni Z.
“O! Panuorin mo ko sa training ngayon? Dali na.”
“Bakit naman? Kaya mo na ‘yan mag-isa.”
“Ehhh. Papangit niyan laro ko, sige ka...”
“Kapag manonood ba ako gaganda ‘yun?”
“Oo naman! Ikaw inspirasyon ko eh.”
Hindi ako nakatanggi kay Z. Ayaw na ayaw niya kasing may nanunuod sa kanya sa training, tapos ngayon inimbitahan niya ako, so ibig bang sabihin, espesyal ako?
*****
“So, ang dahilan nang pagbaba ng grado at performance mo ay si Z?”
“Hindi naman po.”
“Ano ba meron sa inyo? Kayo ba?”
“Sabi niya wala... At hindi kami…”
*****
Ugh, ang sakit ng ulo ko. Sayang talaga ang araw na ito. ‘Di ko pa naman nakikita ulit si Z. Hinihintay ko na lang ang sundo ko sa clinic nang biglang dumating si N.
“Oh my gosh! O, ano nangyari sa’yo? Okay ka lang?”
Napangiti ako sa pag-aalala niya, “ Heh, okay lang ako, sumakit lang ulo ko sa pagpupuyat kagabi.”
“Phew. Mabuti naman at okay ka lang”
Tumahimik kaming dalawa, pinaglaruan ko muna ang ibinigay sa aking Electronic Aspirin.
“Um.. N,” tahimik kong sinabi, “nakita mo ba si Z?”
“Haha, oo! Kakadaan ko lang sa kanya. Nandoon siya sa Varsity CR”
“Bakit anong meron?”
“Ahh..umm.. gusto ko lang siyang makita..”
Hala baka nahahalata na ni N ang nararamdaman ko. Pareho kaming natahimik ulit. Wala naman sigurong mangyayari kung sabihin ko sa kanya...
“N, may sasabihin ako sa’yo. Puwede?”
“Ano ‘yon, O?”
“Sikreto lang natin ito ah… pero… gusto ko ata si Z, eh.”
“Hindi maari!”bigla niyang sigaw.
“N? Bakit ‘di maaari?”
“Ay, out loud ko ba sinabi?” Nanlaki ang mga mata niya. Para bang may nasabi siyang hindi dapat. Baka talagang ayaw sa akin ni Z...
“Tingin mo N, may gusto rin kaya siya sa akin?”
“Wala!”
Aray, ang sakit. Parang nung sinabi ‘yun ni N sumabay ang pagkadurog ng pag-asa ko. Pero kung ganoon nga eh bakit parang pakiramdam ko may nararamdaman din si Z para sa akin? Ganoon na ba ako ka-ilusyonada?
“Bakit naman, N?”
“Pinagpupustahan ka lang ni Z at ni Kr!”
Nanlamig ang buong katawan ko. Parang gusto kong matunaw sa sinabi ni N. Sumabay sa sakit ng ulo ko ang paninikip ng aking dibdib. Hindi ako makahinga…ang sakit sa loob na marinig iyon. Ang hirap tanggapin…
Nakatingin lang ako kay N na para bang gusto kong ulitin niya ang sinabi niya. Umaasang kapag inulit niya ay sabihin niyang biro lang iyon.
“Ay basta, O! Basta mag-ingat ka! Alis muna ako.”
Wala, hindi ko na marinig si N. Hindi ko mapigilang mag-isip. Pustahan? Pinagpustahan lang ako nila Z? Pero hindi, hindi pwede… Walang tao magiging ganoon ka-sweet nang walang nararamdaman di ba?
Kung pustahan lang ako bakit hindi pa rin niya ako pinursigi? Ang dami niyang pagkakataon para tanungin kung gusto ko siya pero bakit ‘di niya ginawa?
“...ang ganda-ganda mo kaya.”
“O, please stay. Dito lang muna tayo.”
“...Ikaw inspirasyon ko eh.”
Hindi… Walang taong ganoon katindi magsinungaling… Pustahan man o hindi, hindi mapepeke ang naramdaman kong pagmamalasakit mula kay Z. Sumakit na naman ang ulo ko sa pag-iisip, Ewan ko ba, hindi ko na lang muna sasabihin ang nararamdaman ko, hanggang kaibigan lang muna…
*****
“I see…,” sabay tango ni Ms. DiSi magkatapos kong ikuwento ang eksenang iyon.
Namula pisngi ko sa sabi ni Ms. DiSi, bakit ko ba sinabi ang alaala na ‘yun? Napahiya lang ako. Hindi nagtagal at nagtanong ulit siya, “Balita ko magkaaway kayo ni Xe? Hindi ba’t matalik kayong magkaibigan?”
Napahinga na lang ako ng malalim. Ano nga ba nangyari sa amin ni Xe at nagkalayo kami?
*****
“He doesn’t deserve you, O.”
Nanlaki na naman mata ko sa sinabi ni Xe, “Ano na naman ang sinasabi mo, Xe? Ano, aagawin mo ba si Z sa akin eh may Kr ka na nga!” Galit na ako, bakit ba kailangan niyang mang-agaw na naman ng eksena?
Nakita kong nasaktan si Xe sa sinabi ko pero pinabayaan ko na.
“Bakit ba lahat ng tao sinasabi na aagawin ko si Z? Wala akong gusto sa baboy na ‘yun!” sabi niya.
“Eh ano, Xe?”
“Pinagpupustahan ka lang, O! He’s playing with you!”
“So what?” Namewang ako, matagal ko nang alam ang balitang ‘yan. Noon pa nung nasa clinic ako.
Nakita kong nawindang si Xe sa sinabi ko, “Anong sabi mo?”
“So what? I don’t care!” ulit ko.
“Naririnig mo ba ang sarili mo O?” sigaw niya. “Sinasabi ko sa 'yong pinaglalaruan ka like a doll tapos ganyan lang ang reaction mo?! What’s wrong with you?”
Napipikon na ako sa mga pinagsasabi ni Xe. Naiintindihan kong nag-aalala lang siya pero wala siyang karapatang makialam lalo na’t di niya alam ang buong istorya.
“Ayan ka na naman, eh! Lagi n’yo na lang tinitignan na hindi ko kaya. Matagal ko nang alam na pinagpustahan lang ako, Xe. In fact, mas marami pa akong alam kaysa sa’yo. Alam mo bang si Kr ang nagsimula ng pustahan?”
“Ano? O, don’t lie to me!”
Lumuluha na si Xe pero wala akong pakialam. Sawa na ako sa pagdadrama niya. Bakit, hindi niya ba ako kayang pagkatiwalaan? Lagi na lang ako ang kawawang O, si O na walang alam. Hindi niya maintindihan na ayos lang ang lahat, ni hindi ko nga pinoproblema yun.
*****
“Heto o, ticket sa game namin” sabi ni Z habang inaabot ang ticket.
Nanlaki mga mata ko, “Uy! Makikita na kita in action.”
Matagal ko nang gustong panuorin si Z kaso palagi akong busy at nauubusan ako lagi ng ticket. Sa wakas!
“Manood ka para manalo kami, good luck charm kumbaga.”
Hindi ko napigiling ngumiti at kiligin sa sinabi niya, tumalikod muna ako para hindi niya mahalata.
“Loko-loko ka talaga, Z. Itigil mo nga ‘yan.”
“Heto may isa pa, para kay Xe, pakibigay na lang.”
Napakunot na lang ako ng noo, “May dinner party yata pamilya ni Xe sa araw ng game n’yo. Ibigay mo na lang kay N... uhhh... tara na,” sabi ko bago siya makasagot. “Marami pa tayong kailangang tapusin. Bukas na ipapasa ang unang draft ng report natin. Kailangan perfect.”
Gumawa na lang ako ng excuse para maiba ang usapan. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi ‘yun, basta ayokong isama si Xe. Matagal na rin kasi kaming hindi nakapag-uusap simula noong nagkasama kami ni Z. Hindi naman siguro siya magagalit ‘di ba?
*****
Bakit kaya wala pa sina Kr at Xe? Hindi nila ugaling ma-late, sila nga lagi ang pinakamaaga sa klase eh. Lumabas muna ako at nag-abang sa hallway. Doon, nakita ko sina Kr at Xe sa dulo. Parang nagbubulungan at noong nakita nila ako, nagsikuhan sila at nagsenyasan. Naglakad ako papunta sa kanila pero pagdating ko, tumahimik sila at umalis.
“Anong problema ng dalawang ‘yun?” tinanong ko sa sarili ko.
Pagpasok ko sa klase, hindi nila ako pinansin. Ang dapat kong katabi na si Xe ay nasa likod kasama si Kr.
Kalagitnaan ng klase, may tumama sa aking hoverball. Lumingon ako at nakitang nagtatawanan sina Kr at Xe.
“O, can you please get the ball?” Dama ko ang ka-plastikan ng boses ni Xe. ‘Yun yung boses na ginagamit niya kapag naiirita siya sa isang tao. Grabe bakit ba ‘di niya mabitawan ‘yung isyu?
Hindi ko na lang ipinakita ang totoo kong nararamdaman at pinabayaan ko na muna yung nangyari at inabot sa kanila iyon.
Pagkatapos ng ilang minuto, may tumama ulit sa aking hover ball. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila ‘yun o hindi eh.
Napunta sa ilalim ng mesa ko yung hover ball, kaya yumuko ako para kunin pero nauntog ako. Nakarinig ako ng halakhak sa likod, hindi ko na lang pinansin ‘yun at kinuha ito. Humarap ako sa kanila at ngumiti. Iaabot ko na sana pero naisipan kong iba na lang ang gawin.
Hinigpitan ko ang hawak sa hover ball at umayos ng pagkakaupo. Ibinato ko sa kung saan ito at hindi pinansin ang dalawa. Natuwa ako sa reaksyon nila, akala siguro nila hindi ko magagawa ‘yun. Napakitaan ko rin sila… sawang-sawa na ako sa ideyang mahina ako. Baka ngayon tigilan na nila ako.
*****
“Kailan kayo huling nakapag-usap na magbabarkada?” tanong ni Ms. DiSi.
“Matagal na po, bago pa ang UAAP nina Z.”
Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Lahat ng taong malapit sa akin, napalayo at nawala.
*****
Kanina pa ako lakad ng lakad. Hinahanap ko si N, alam kong siya lang ang makakausap ko sa mga problema ko kay Z. Pagkatapos ng nangyari sa UAAP hindi niya na ako pinapansin. Tumingin lang siya sa mata ko na parang hirap na hirap na… grabe makasakit sa self-esteem ng babae.
Naglakad ako papunta sa cable car para mas hanapin siya. Pagpasok ko, nakita kong nasa loob na pala sina Kr at Xe.
Sobrang tahimik ng paligid, walang maririnig na kahit anong ingay. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba sila. Ni hindi nga nila ako kinausap o binati man lang e...
Nang hapong iyon, napaisip ako habang nakatambay sa Lover’s Lane. Ano na nga bang nangyayari sa barkada namin? Bakit ganito na? Bakit lumalayo na kami sa isa’t isa? Lalo na si Xe. Hindi na niya ako pinagbigyan. Ang sakit na, namimiss ko na ang kaibigan ko...
Tama!
Inilabas ko ang iPhone 65s ko at tinawagan si Xe. Sana sagutin niya.
“Hello?”
“Xe, pwede ba tayong mag-usap ngayon?Antayin kita.”
“Sorry, I'm busy pa eh. Maybe some other time na lang. Im not in the mood din kasi.”
“Ah ganun ba?Kailan ka ba pwede?”
“Hindi ko rin alam, eh. I’ll talk to you later. Bye.”
Binaba niya ang telepono bago pa man ako makasagot, bigla ko na lang naramdaman ang luha sa mata ko. Bakit? Anong nangyari sa amin? Bakit parang din na naming kilala ang isa’t isa.
*****
“Yun lang po naaalala ko e,” sagot ko. “Wala ka na ba talagang naaalala?”
“Wala na po.”
“O sige, eto na lang, sa tingin mo ba may nagawa kang mali para may manira sa’yo ng ganito?”
“Ha? Ano pong mali? Wala naman po.” Wala naman akong ginawa hindi ba? Sinasamahan ko lang naman si Z palagi, ano bang masama doon?
“Diretsuhin mo nga ako, yung totoo ah, ano ba talagang meron sa inyo ni Z?”
“Wala naman pong namamagitan sa aming dalawa eh. Talagang magkaibigan lang po kami.” Sumagot ako ng mahinahon ngunit hindi ko alam kung bakit medyo bumbilis ang tibok ng puso ko.
“Kahit pa naghalikan kayo sa harap ng maraming tao?”
“Opo...wala po talaga.”
“Mayroon ka bang hula kung sino ang maaaring gumawa ng hate letter mo?”
“Sigurado po akong wala ito sa mga kaibigan ko. Baka po ibang tao. Pero alam ko na hindi kayang gawin yun ng mga kaibigan ko.”
“Kaya mo pa ba, O? Lalapit ka pa rin kay Z kahit alam mo na ang totoo? Kaya mo bang panindigan ang sinasabi mong pagkakaibigan ninyo ni Z kahit ganito na ang sitwasyon?”
“Kaya pa po.”
“Kahit alam mong may masasaktan?”
ITUTULOY.
Punto de Vista (Chapter 6)
Ang Punto de Vista ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

0 comments: