14 na tambayan,

Feature: 14 na Tambayan: Multipurpose Hall

10/13/2013 07:01:00 PM Media Center 1 Comments

Multipurpose Hall

Sa ating paglisan,
Ating balikan
Ang labing-apat na tambayan
Sa ating minamahal na paaralan

****

Isang lugar ng tanghalan, kainan, at maging ng daldalan. Isang tambayang hindi pinagsasawaan at hindi kailanman malilimutan. Ang Multipurpose Hall ay ang isa sa pinakadinarayong lugar sa UPIS, mapa-estudyante, guro, ipis, daga, alikabok, agiw, at iba pa.

Pinangalanan itong Multipurpose Hall dahil nga ito ay mayroong maraming gamit. Kung hindi ninyo nalalaman, ito ang dating canteen ng UPIS. Halos lahat ng mga pagtatanghal ng mga estudyante ay dito ipinepresenta. Dito rin ginaganap ang Junior-Senior Promenade ng hayskul.

Kilala rin ang Multi bilang isa sa mga lugar ng kababalaghan dito sa UPIS. May mga nakikita na hindi naman dapat nakikita, mga nararamdamang hindi naman dapat nararamdaman... na hanggang ngayon ay nananatili pa ring isang misteryo.


Kaya naman masasabi naming isa ito sa mga lugar na lubos naming mamimiss, sapagkat ito ang saksi sa lahat ng tawanan, iyakan, sayawan, kantahan at kung anu-ano pa. Siguro’y nalalapit na ang aming pamamaalam sa lugar na aming kinagisnan, ngunit sa bawat pag-alis ay may panibagong darating. Ang Multi man ay amin nang iiwan, ang mga alaala naman ay aming dadalhin at ipagpapatuloy sa aming bagong tahanan. Paalam Multi.

You Might Also Like

1 comment:

  1. Aw. :( Bukod sa pagiging tambayan, dito ko hinulma kung sino ako ngayon. Dito ko binuo ang ilan sa mga pangarap ko. Haha. Syet. I'll miss this place. :') -- Ysmael, Batch 2012

    ReplyDelete